19

17.1K 581 81
                                    


DALAWANG oras mahigit sa surgery si Ivan. Iyon ang pinakamahabang sandali sa buhay ni Nayumi. Kahit nang sabihin ng mga doktor na ligtas na ito at nasa recovery room ay nanatili siya sa waiting area.


Nang sumungaw sa pasilyo si Kurt pagkalipas ng tatlong oras ay sinalubong niya ito ng iyak at yakap. Nang ipasok sa operating room si Ivan ay tinawagan niya ito. Dumating si Kurt sakay ng FNC jet.


"How is he?" Inakay siya nito pabalik sa mahabang bench sa waiting area. Pahikbing sinabi niya rito ang sinabi ng doktor nang lumabas ito ng operating room pagkatapos ng tila habang-buhay niyang paghihintay.


"Nasa recovery room na siya kanina pa. The doctors said he lost a lot of blood, one of his lungs was punctured but the bullet missed his heart. He said Ivan's going to be all right." She held Kurt's arm frantically. "I don't want anything to happen to him, Kurt. Ilipat natin siya sa ospital sa Maynila..."


"Sshh. Calm down, Naya," he said firmly sensing hysterics and shock was about to set in. "Kung nasa recovery room na si Ivan, ipanatag mo ang bob mo. Ligtas na siya. Sinabi mismo ng mga doktor sa iyo. And Ivan's tough and strong as a bull. Higit pa sa ngayon ang dinanas niya at nalampasan niyang lahat."


She inhaled deeply and released the air from her lung slowly. Then breathed again and repeated the process. Kurt's right.


"Who shot Ivan, Naya?" Kurt asked calmly. "His ex-girlfriend. She was sick, Kurt. At siya ang may kagagawan ng pagkawasak ng Hummer at pag-ransack sa silid ko sa hotel."


"Was she apprehended?"


Umiling siya. "Wala pang kalahating oras nang ipasok si Ivan sa surgery ay dinala naman si Thea sa ER." Hindi niya mapigil ang panginginig sa sindak at pagkagimbal sa mga sunod-sunod na pangyayari. "Ayon sa mga nagdala kay Thea sa ospital ay tila baliw itong nagtatakbo sa gitna ng kalye. A car hit her."


Kinabig siya ni Kurt at niyakap. "Forget her, Naya. Hindi na siya makakapaminsala pang muli. Ipagpasalamat nating hindi malubha ang naging tama ni Ivan."


Humugot siya ng tissue paper at muling pinunasan ang sariwang luhang nagsimula na namang bumagsak. "Kilala mo ba si Thea, Kurt?"


May ilang segundong nag-atubili si Kurt bago sumagot. "Thea's the daughter of a former mayor in one of the towns here in Davao. Naging magkasintahan sila ni ivan sa loob ng anim na buwan. Ivan had every intention of marrying her and start a family. I thought it was good for him after all he'd been through. But Thea's love turned to obsession. Sinusundan niya si Ivan sa lahat ng lakad nito. Pinagseselosan ang bawat babaeng makilala nito..." Kurt paused. Then, "Do you know that Ivan owns the Taverna?"


Nayumi was surprised. "Does he?"


Tumango ito. "Maliban sa farm, iyan ang unang negosyong pinasimulan ni Ivan nang magretiro. One of the waitresses was close to him. She flirted with him openly. Ivan may be a lot of things but he established his own rules—no messing up with employees and clients..."


Walang kahulugan ang titig na ibinigay sa kanya ni Kurt nang lingunin siya. Subalit agad siyang umiwas ng tingin, na para bang nahuhulaan nitong may namagitan sa kanila kagabi ni Ivan. "Isang gabi ay tumawag sa Tavema ang landlady ng waitress at hinahanap si Ivan. Humihingi ng tulong upang madala ang waitress sa ospital. She was badly beaten..."

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon