33

83.9K 2.1K 196
                                    

SUPER THANK YOU SA MGA NAGBIGAY SAKIN, SO MUCH APPRECIATED PO!!!.



PENELOPE


      "WYATT CAMPBELL LUMABAS KA DIYAN!!"

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na sigaw at malakas na kalampag ng gate.

"Wyatt, may nagwawala." Siko ko sa katabi ko

"Hmm.." ungol lang nito at sumiksik sakin

"HAYOP KA WYATT!!"

"Wyatt!" Inis akong bumangon at nagkusot ng mata. "May nagwawala ata sa baba!"

Biglang bumukas ang pinto.

"Dad, may nagwawala sa labas." Sabi ni Paxton na halatang inaantok pa.

"Dade, minumura ka nung lalaki, may utang ka yata sa kanya." Sabi naman ni Parsia.

"That fvcker!" Dinig kong bulong ni Wyatt bago bumangon. "Aga aga eh!"

"Hindi ka kasi marunong magbayad ng utang." Sabi sa kanya ni Parsia

Lumabas si Wyatt na kwarto kaya agad namin siyang sinundan ng mga bata.

Napakunot noo ako ng bumungad sakin si Marco at Thina na hawak ng mga guard.

"You're both trespassing." Malamig na sabi sa kanila ni Wyatt. "What do you want Aquino?"

"You!" Dinuro siya ni Marco. "Ibalik mo ang papeles ng mana sakin!"

"Why would I?" Ngumisi si Wyatt. "Binigay mona eh, beside hindi ikaw ang totoong may ari ng mga yun."

"Wyatt baby, company ko rin yun please ibalik mona." Pabebeng sabi ni Thina–ang pekeng Persephone.

"What?" Natawa si Wyatt. "Don't kidding me Thina, I know you're not Persephone umpisa pa lang."

"Pinlano mo lahat!" Akmang susugurin ni Marco si Wyatt pero mabilis siyang nahila nung guard.

"Yup." Proud na tumango si Wyatt. "Actually, wala pa sa kalahati ang lahat maghintay mona kayo."

Humarap sakin si Marco. "Penelope, asawa mo ako! Sumama ka sakin dahil kung hindi idedemanda kita!"

"Asawa? You're not his husband Aquino." Wyatt smirked. "Divorce na kayo, matagal na."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Wyatt samantalang si Marco ay natigilan

"Divorce!? Hindi kami divorce dahil wala akong pinipermahan–"

"–Really?" Napahawak sa baba si Wyatt na animong nag iisip. "But I remember when you're drunk, may pina-permahan ako sayo and you sign it!"

Tila natauhan si Marco at lalong bumangis ang itsura.

"Putanginamo Campbell!" Galit na galit na sabi ni Marco. "Hindi ko hahayaang bumagsak ako! Akin ang Company ng mga Praisley, sakin lahat ng kayamanan nila!"

"WALANG SAYO MARCO!" Sigaw ko. "Lahat yun ay sa Pamilya ko, lahat yun ay sa akin!"

"Asawa mo ako Penelope, kaya lahat ng sayo ay sakin!" Huminahon ang muka ni Marco. "Mahal ko sumama kana sakin, buhay pa ang mga magulang mo dadalhin kita sa kanila."

"Tumigil kana sa paandar mo Marco, nababaliw kana ng tuluyan." Inilingan ko siya

"You don't need to bring her to her parents." Sabi ni Wyatt. "Dahil mamaya lang ay parating na ang mga magulang niya dito."

"Hindi ko hahayaang sirain nyo ang pinaghirapan ko!" Sinubukan kaming abutin ni Marco. "Pagbabayaran nyo lahat, papatayin ko kayo!"

"Walang kaming pake." Mapang-asar na sabi ni Parsia.

"Guards, kayo na ang bahala sa mga yan." Sabi ni Wyatt. "Kailangan ng mag-breakfast ng mag-i-ina ko."

Naglakad na kami papasok ng bahay, dinig pa namin ang sigaw nila Marco pero hindi na namin pinagtuonan ng pansin.

Mamatay kayo diyan!

Dumiretso kami sa dining at may nakahanda ng almusal.

"Dade, gusto ko po pancake." Nginuso ni Parsia yung Pancake.

"Oh right baby." Kumuha si Wyatt ng pancake at nilagay sa plato ni Maldita. "Dahan dahan okay?"

"Opo Dade, tanga pa naman ako."

Siya na nag-admit na tanga siya.

"Anong ibig sabihin ng sinabi ni Marco? Anong papeles ng mana?" Tanong ko kay Wyatt.

"I told you before, babawiin ko lahat sa kanila." Ngumiti ito. "Ipapaliwanag ko pagdating ng mga magulang mo."

"Ibig sabihin, makikita ko talaga sila ngayon?" Kinakabahan ako na na-e-excite.

"Yes Honey."

Makikita ko sila Mommy at Daddy!

"Mame, totoo asawa mo yung lalaki kanina?" Tanong ni Parsia.

"Dati yun Nak." Tugon ko.

"Ikaw pala malantod eh." Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Joke lang pero hindi joke."

"Parsia, maiintindihan mo lahat p–"

"–paglaki mo." Tapos ni Parsia sa sasabihin ni Wyatt. "Wala na poba kayong ibang masasabi sakin?"

"Meron." Nginisihan ko siya. "Napakdaldal mo sobra, isa kang batang chismosa."

"Atlis kahit ganito ako mahal nyo ako."

"Ofcourse." Mabilis na sagot ni Paxton. "I love you my beautiful sister, always remember that you're Kuya's treasure."

"Sana pala noon pa kayo pumunta sa isla." Sabi ni Parsia. "Para dati pa kita nakilala."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain, nang matapos kami ay nagtungo kami sa sala pero natigilan ako ng makita kung sino ang mga nandoon.

Naluluhang napatingin ako kay Wyatt pero ngumiti lang siya at kinindatan ako.

"Lagi kong tutuparin ang mga sasabihin ko sayo Penelope, because you deserve it." He said sweetly. "I love you my woman."

"Thank you.."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko ng lingunin ko ulit ang dalawang taong inaasam kong mayakap muli.

"Mom, Dad..."

"Anak ko..."

Mabilis ko silang nilapitan at mabilis na niyakap.

Akala ko hanggang panaginip kona lang ulit sila mayayakap pero ito sila ngayon sa aking bisig...





A/N: LATER AGAIN

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon