34

82.6K 2.1K 166
                                    

PENELOPE


      HUMIWALAY AKO SA yakap at tiningnan ang mga magulang ko. Pumayat silang dalawa, nagmuka silang matanda pero ang gwapo at ang ganda pa din.

"Mommy ko, Daddy ko.."

"My beautiful baby.." Sinapo ni Daddy ang pisngi. "I'm glad you're safe baby."

"Sana mapatawad mo kami Anak." Sabi ni Mommy. "Kung hindi ka namin pinilit ipakasal kay Marco ay hindi magiging impyerno ang buhay mo."

"Mommy wala po kayong kasalanan lahat tayo ay biktima." Hinawakan ko ang kamay nila parehas. "Masaya po ako ang nakabalik kayo, buong akala ko po talaga ay wala na kayo dahil sa sinabi ni Tito Daniel."

"Isa pa yung Hayop!" Nag igting ang panga ni Daddy. "Gustong gusto niya kaming patayin pero hindi pwede kaya pinahirapan niya na lang kami ng Mama mo."

"Wag po kayong mag alala, sisiguraduhin kong mabubulok sila ni Marco sa kulungan!"

"Let's all thank to Mr. Campbell." Sabi ni Mom kaya napatingin kami kay Wyatt. "Kung hindi dahil sa kanya baka namatay na kami ng tuluyan."

"No worries po." Tugon lang ni Wyatt.

"Maraming salamat talaga Wyatt." Buong pusong sabi ko.

"No need to thank Hon, bumabawi lang ako." Ngumiti ito. "Let's all have a seat."

Kagaya ng sabi ni Wyatt ay naupo kami, napapagitnaan ako ng mga magulang ko samantalang katabi naman ni Wyatt yung dalawang bata.

"Psst, Mame." Tawag sakin ni Parsia. "Sino po sila? Kamuka mo yung lalaki Mame."

"Mame?" Napatingin sakin si Mom na nanlalaki ang mga mata. "You mean?"

"My, Anak po namin ni Wyatt yung dalawang bata." Nakangiting sabi ko. "Si Paxton Yano at Parsia Wyatt po."

"I thought Persephone fiance was him!?" Gulat na tanong ni Mommy.

"My, mahabang kwento po."

"Tinuhog mo ang dalawang Anak ko Campbell." Salubong ang kilay na sabi ni Dad

"Tuhugin? Hindi naman po barbecue Anak nyo." Sino paba ang sasabad? Ede ang batang maldita. "Hindi rin po stick Dade ko."

Napaawang na lang ang bibig nila Mommy dahil sa sinabi ng Anak ko, maya maya pa ay parehas silang humalakhak.

"Look darling, I heard our Penelope to her." Tuwang tuwang sabi ni Dad

"Come here to Lola, Parsia." Tawag naman ni Mom sa Anak ko

Tumingin sakin si Parsia, tumango lang ako kaya tumayo siya at lumapit kila Mommy.

"You have same eyes with your mother." Nakangiting sabi ni Mom habang pinagmamasdan ang muka ni Parsia. "I'm sure madaldal ka din at may pagka-maldita."

"Galing nyo po." Ngumiti ng malawak si Parsia. "Maldita po ako sobra kaya po inis sakin yung mga kapitbahay namin sa isla pero wala po akong paki, pangit kaya silang lahat."

"Alam mo ba ang Nanay mo ay sobrang maldita din noon?" Tumingin sakin si Mommy. "Lagi niyang inaaway yung pumupunta samin lalo na yung mga bata."

"Mommy, hindi ako maldita, mabait akong bata." Tinuro ko si Wyatt. "Sa kanya namana ni Parsia ang kamalditahan."

"Parehas kayo ni Wyatt na masungit." Natawa si Mommy na parang may naalala. "Naalala ko dati nung pumunta ang Pamilya Campbell sa bahay, inaway mo si Wyatt pero dahil maldito ang batang iyan ay nilabanan ka hanggang nauwi kayo sa sabunutan."

Napatingin ako kay Wyatt pero ngumisi lang ito. Bilang may pumasok na alaala sa utak ko.

"Mommy may bisita kana naman po!" Maktol ko sabay padyak ng paa. "Sabi mo walang bisita ngayong araw!"

"Penelope!" Saway sakin ni Ate pero inirapan ko lang siya. "Be nice."

Napatingin ako sa isang batang lalaki, ang gwapo niya pero naiinis ako sa muka niya.

"Ang pangit mo!" Sabi ko dito. "Ang payat mo!"

"So?" Inirapan ako nito. "Parang siya maganda at mataba."

"Maganda ako, sabi ni Mommy!"

"Hindi ako ang Mommy mo!"

Nainis ako kaya hinila ko ang buhok niya, mabilis din naman niyang hinila ang buhok ko

"PENELOPE!"

"WYATT!"

"Bitawan mo ako!" Gigil na sabi ko dito at lalo pang hinila ang buhok niya.

"You let go me first." Lalo din nitong hinila ang buhok ko

Hayup yan, siya pala yung payat na bata na yun? Akalain mo ang lakas na ngayon at may muscle pa, naanakan pa ako.

"I didn't know na lalaking mabait ang maldita kong Anak." Dad said.

"Dad dati na po yun." Nakangusong sabi ko. "Si Wyatt hanggang ngayon maldito pa!"

"Hon, sa iba lang pero sa inyo hindi." Sabi ni Wyatt.

"Ako maldita." Tinuro ni Parsia ang Kuya niya. "Kuya Paxton ko po mabait pero maldito din minsan."

"Kay gwapong bata, siguradong pag aawayan yan ng mga babae." Napailing si Dad. "Come here young man."

Tumayo naman si Paxton at lumapit kay Daddy.

"Kaano ano nyo po si Mame ko?" Usisa ni Parsia. "May utang po ba siya sa inyo?"

"Parents niya kami iha." Sagot ni Mommy. "It means, lola at lolo nyo kami."

"Ay ganon? Sayang kala ko po may utang si Mame sa inyo tapos ipakukulong nyo siya."

Pinanlakihan ko ng mata ang batang maldita. "Kung ikaw ang ikulong ko sa cabinet?"

"Pangit mo po ka-bonding, ni-jo-joke lang kita eh."

"Maldita ka talaga." Inirapan ko siya.

"Mana mana lang po yan." Umirap din ito.

Sarap ibitin ng patiwarik!






A/N: BARADAGULANG PENELOPE AT PARSIA😌

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon