KABANATA XI: OBSTACLES

133 5 0
                                    


Napabuntong hininga na lamang ang dalaga nang hindi na niya nakita ang ang isa sa dark knights na tiyak niyang iisa rin ang pakay sa mundong iyon. Ang makuha ang blood blossom upang palayain ng kinikilalang Hari ng Kadiliman, na ikinulong ng kanilang pinuno 300 daang taon na ang nakalilipas.

Hawak niya ang kanyang pana at nakahanda parin sa pag-atake habang nakamasid sa paligid nang matanaw niya ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Ang pinaka huling taong gugustuhin niyang makita. Kaya naman ibinaba na niya ang kanyang pana at palaso at walang imik na lumapit sa kinaroroonan ng binata.

"Nandito ka ba para magsanay?" Tanong nito nang makalapit sa kanyang kinatatayuan. "Ano pa ba sa tingin mo?" balik na tanong niya sa binata sa pamamagitan ng sarkastikong tono. Hindi nito maaring malaman ang kanyang pakay sa gubat na iyon.

"Ikaw ano't nandito ka?" pag-iiba niya sa paksa upang makaiwas sa tanong nito. "Ako? Hinahanap kita wala sa Eastern Court ni Consort Dowager La kaya naisip kong nandito ka"

Kaswal na sagot nito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga nang dahil sa sinabing iyon ng Prinsipe. Muntik na niyang makalimutan na isa siyang prinsesa, siya ay anak anakan ng ni Ministro Ou at apo sa pamangkin ni Consort Dowager La.

"At bakit naman ako hinanahanap ng ika siyam na Prinsipe? Wag mong sabihing tungkol ito sa bagay na iyon?" The prince nodded and she just smirked. Mukhang hindi nga magiging madali ang magpakasal kay Li Jiang katulad ng inaasahan. Subalit nakahanda siya sa ano mang posibilidad.

"Pumayag ka ba?" tanong nito. "Oo naman, alam mong matagal na akong pumayag sa kasunduang iyon ikaw lang itong ayaw pumayag"

Aniya at naupo sa isang malaking puno ng kahoy na nakatumba sa isang tabi at kinuha ang sisidlan ng tubig upang uminom doon. "Ilang taon na akong naghihintay ng tamang pagkakataon para doon kaya bakit hindi pa ako papayag? Hanggang ngayon ba ayaw mo pa rin sa akin? Siya pa rin ba ang karibal ko o ang mga tungkulin mo?"

Sunod sunod na tanong ng dalagang si Lady Tarou matapos siyang uminom ng tubig sa nakatalikod na prinsipe. Natigilan naman si Prinsipe Li Jiang sa mga narinig alam niya ang nais iparating ng dalaga at alam din niyang iyon ang magiging reaksyon nito subalit hindi siya handa para doon. At bago pa man siya makasagot ay pinigilan na siya ng dalagang dama niya nagpipigil ng luha.

"Tama na wag mo nang sagutin kasi wala na akong pakialam pa doon, karibal ko man ang babaeng iyon magmula pa noon ako anv pinili ng Emperor upang maging Princess Consort ng ika siyam na prinsipe at hinding hindi mo ako mapapaatraas sa kasal"

Ani ni Tarou at tinalikuran ang Prinsipe. "T-Tarou—"

Pigil niya subalit pagharap nito sa kanya ay nagulat siya na may mga luha na ito sa mga mata. Kaya hindi na niya ito pinigilan pa at kusa na siyang bumitaw sa kamay ng dalaga. Sapagkat may karapatang magdamdam ang dalaga ukol sa kanyang nais iparating. Alam niya kahit na anong gawin niya ay may masasaktan at masasaktan lalo na at siya ang naiipit sa sitwasyong iyon. Bilang isang prinsipe hindi siya maaring sumuway sa kautusan ng kanilang amang Emperor kailangan niyang sumunod sa batas at umakto ayon sa kanyang posisyon.

Alam niya sa sariling hindi siya katulad ng mga nakatatandang kapatid. Hindi siya kasing galing ng ikatlong prinsipe Rong pagdating sa pakikipaglaban gayun din sa katalinuhan na tulad ng ika limang prinsipe Yu at kung tutuusin wala rin siyang lakas ng loob katulad ni Lin'er upang kalabanin ang desisyon ng kanyang ama. At natitiyak niyang ikapapahamak at hindi magiging masaya ang kanyang ina sakali mang gawin niya ang bagay na iyon.

Patawarin mo sana ako subalit ito lang ang tangi kong magagawa upang pareho ko kayong mapangalagaan at maprotektahan...

Pilit na ngumiti si Xiaoyue habang kaharap nila ang Empress Dowager at si Lady Sheng Ding An ngayong pananghalian. Hindi nga siya gaanong na-stress kaharap ang Emperor at Empress kanina pero mauubos naman ang dugo at pasensiya niya kay Lady Sheng sapagkat tila sinusubukan talaga ng babae ang haba ng kaniyang pasensiya. Kanina pa ito noong nasa harapan sila ng Empress Dowager hanggang sa pag-alis ng inang reyna ay ganito dalaga parang pinapalabas nito na hindi nababagay ang tulad niya na anak ng Concubine upang maging princess consort.

"Cheng gege, sapalagay ko hindi ako gusto ng asawa mo kanina ko pa kasi siya sinusubukang kausapin subalit hindi niya ako pinapansin" ani nito sa isang malumanay at mapang-akit na tono.

Grrr bida bida na malandi pa sarap niyang sakalin.

Tiningna siya sa mata ng prinsipe subalit tinaasan lamang niya ito ng kilay. Kaya niyang makipag-plastikan at makipagpakapalan ng mukha sa mga nakatatanda subalit hindi sa tulad ni Ding An. Hindi dahil sa nagseselos siya sa kung ano man ang relasyon ng dalawa subalit ang dahilan niya ay hindi maiintindihan ng prinsipe sapagkat sa kanyang paliwari ay tanging isang babae lamang ang makakaintindi sa kanya.

"Jiejie may nagawa ba ako na hindi mo gusto kung kaya hindi mo ako pinapansin?"

"Meimei ipapaumanhin mo na lamang subalit kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko wala ako sa huwisyo na makipag-usap"

Malumanay na ani niya at kunwaring hinilot ang sentido. Pinalungkot naman nito ang mukha at magsasalita sanang muli ang dalaga subalit inunahan na ito ng prinsipe. "Ding An, wag mo nang gambalain pa ang aking consort malamang ay napagod siya ngayong araw, Huang Fei halika na ihahatid kita upang makapag pahinga ka"

Luh wag niya nga akong gagawing dahilan, kaya ko ang sarili ko.

"Kamahalan ayos lamang ako mukhang may kailangan pa sa iyo si Lady Shen kaya maiintindihan ko kung mananatili ka, si Siheng na lamang ang bahalang maghatid sa akin"

Pagpigil niya at tinalukuran ang dalawa, sumunod naman sa kanya si Siheng subalit nagulat siya ng bigla siyang hinila ni Prinsipe Yu papalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang bewang bago bumulong.

"My Consort may nakakalimutan ka yata?" she looked at him blankly. Nakakalimutan? Wala naman ah, pinayagan ko na nga siyang makasama ang childhood sweetheart niya ayaw pa ayoko ngang maging third wheel dito hello.

"My consort, may pinag-usapan tayo kanina at malinaw na sinuway mo iyon kaya kailangan kitang parusahan dito mismo"

"H-huh a-anong—"  Hindi niya ito maintindihan subalit nagulat na lamang siya ng bigla na lamang maglapat ang kanilang mga labi at doon lang niya ang usapan nila ng Prinsipe bago sila umalis sa mansyon. Alam na niya ang kanyang kasalanan subalit hindi niya naman alam na ito pala ang parusang ibig sabihin nito. Kaya bigla niyang naitulak ang prinsipe at tanging pag-ngisi lamang ang nakita niya mula dito.

Anak naman ng nakakahiya! Shocks hindi ba bawal ang ganoon sa panahong ito hindi ba siya nahihiya sa dami ng taong nakakakita sa amin?

Sa sobrang inis naman ni Sheng Ding An sa nakita nag-walk out na lamang ito ng sandaling halikan ni Zhi Cheng ang princess consort sa kanya mismong harapan. Gunawa naman niya ang lahat magmula pa noong una upang ipahiya at patunayan sa Empress Dowager na mas karapat dapat siya kay Prinsipe Yu subalit hindi niya kauha ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya ang napili para dito.

Chen Yue may araw ka rin sa akin makikita mo!

His Royal Mistress (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon