CHAPTER 11

24K 1.2K 511
                                    


18 days.

Ganito na kahaba ang araw na iniiwasan ko si Vaughn. Pinutol ko lahat ng ugnayan na meron ako
sakanya. Nag-change number ako, nagpakalamig, blinock siya sa social media at ini-unpublish ang story na siya ang bida. I'm serious when I told myself that I don't want to have anything to do with her anymore. Inalis ko na siya ng puwang sa buhay ko. Nakabaon narin sa lupa ang naramdamam ko para sakanya. I'm no longer the same Yen who's overly head over heels inlove with her. Iba na ako. Naka move-on na ako. Totally abandoned na ang unggoy na 'yon sa buhay/puso ko. It's over. Wala na talaga. Kahit anong habol na gagawin niya sakin, still ayoko na.

Nandito ako ngayon sa Café, and as usual, ganon parin ang routine ko. Tapos na yung OJT ko sa LaCuisine at final examination na lang ang kinaabalahan ko nitong mga nakaraang araw. Nag-focus ako sa pagrereview at nagpasalamat ako't walang epal na nag-ngangalang Vaughn ang nanggugulo sakin. Himala nga at hindi ito nagparamdam this week e, usually kasi sa mga ganitong oras ay nang-eestorbo ito. But who cares? Hindi ko naman na ito pinapansin pa dahil sakit lang sa ulo ang hatid nito sakin.

Nasa counter ako at nagbabasa ng reviewer. Last exam ko na mamayang alas tres kaya kinailangan kong ayusin dahil nakasalalay dito ang future ko.

While i'm studying, na-agaw sa atensyon ko ang dalawang Ducati na pumarada sa labas ng Café. Agad akong kinabahan. Shit, kay unggoy ang isa 'don. Letche, ano naman ba kailangan niya? kukulitin na naman ba niya ako? Shuta kakasabi ko lang na ayoko na e!

Umayos ako ng upo at nagkunwaring busy sa harapan ng binabasa ko. Focus Yen, focus! Huwag kang magpa-distract!

Narinig ko ang pagbukas ng glass door at pumasok doon si Vaughn at ang kasama niya. Ayoko sanang mag-angat ng mukha pero dahil curious akong makilala ang kasama niya ay tumingin ako.

Ay hala shet, ang gandang pogi rin. Sames vibes sila. Sino naman ito?

"So this is the place you're talking about huh." wika ng kasama ni Vaughn habang pinasadahan ng tingin ang buong Café. Dumako ang mata nito sa mga cakes. "Wow, it looks yummy. Nagugutom ako bigla."

"They have best cakes here." sabi ni Vaughn.

"I wanna try it." lumapit ang kasama ni Vaughn sa display chiller at puno ng hangang tinignan ang mga cakes. Kapagkuwan nabaling ang atensyon nito sakin. "Oh damn, akala ko mga desserts lang ang magaganda dito, pati din pala empleyado."

Umangat isang kilay ko. Bolera.

"Hello, miss ma'am." pilyang ang ngiti nito. Halatang playgirl ang dating kaya na-turn off agad ako. "I'm Police Lieutenant Colonel, Billie Tuazon-Beaumanoir. Nice to mee you."

"Paki ko ba?" asik ko.

"Ouch, that was mean."

Pina-ikotan ko ito ng mata bago tinignan si Vaughn. "Anong ginagawa mo dito?"

"Katulad pa rin ng dati." lumapit siya sakin at tumabi sa malanding police. "I'm here because i want to talk to you."

I crossed my arms, unbothered. "How many times do i have tell you? Hindi nga ako interesado sa---"

"Hindi tungkol sa V's Palace ang sadya ko. I'm here for a personal reason. Pwede ba kitang makausap ng masinsinan?"

"Ayoko. Bahala ka dyan."

"Goldilocks, please. I'm serious. I badly want to talk to you right now."

"Seryoso din ako unggoy, ayaw kitang makausap."

Tumikhim ang malanding pulis. "You're actually talking with each right now you know."

Hindi namin ito pinansin.

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon