Kabanata 27

18.3K 1K 199
                                    

Kabanata 27

Evil

Kahit sinabi ko kay Mommy na wala akong pakialam kung sabihin niya man sa mga Monasterio ang tungkol sa plano namin, matinding takot pa rin ang namayani sa puso ko lalo pa at tuluyan na akong lumihis.

Hindi sa ganoong paraan ko ipagtatapat kay Nero ang totoo. Ako mismo ang magsasabi sa kaniya at hindi na kailangan pa humarap ni Mommy. It would only fuel the anger of the Monasterios towards our family.

Wala pa akong ideya sa kung paanong paraan ko kakausapin si Nero. Kung magagawa ko ba siyang kausapin nang kalmado. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ganoon ang kahihinatnan oras na malaman niya ang totoo. Siguradong magwawala siya lalo pa at alam kong minahal niya ako.

It’s a successful plan, I must say. Pero sa planong ito, ako ang naging talunan. This is not what I imagined when I was just starting. Aalis akong matigas at walang nararamdaman para sa kaniya. Pero sandaling panahon lang ang lumipas, heto ako at ayaw na siyang iwanan.

“Umuwi na po si Mommy?” mahina ang boses na bulong ko habang nasa hapagkainan kami ni Yaya Shirley.

Tumango siya habang sinasandukan ako ng ulam sa pinggan. Wala akong gana kumain. Ni hindi ako nakakaramdam ng gutom. Masiyadong abala ang isip ko sa paraan kung paano ipagtatapat kay Nero ang totoo.

“Oo. Magaang bumiyahe dahil paparating na ang Daddy mo.”

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Naupo na siya sa harapan ko pero hindi ko pa rin magawang gumalaw sa pwesto ko para kumain. Maging ang paningin ko ay nakatuon lang sa pagkain sa aking plato.

“Ano’ng plano mo, anak?” tanong niya.

“Sasabihin ko po sa kaniya ang totoo. Wala na po akong balak pa patagalin ang pagsisinungaling.”

Bumuntonghininga siya. “Kaya mo ba?”

“Kailangan ko po kayanin kahit na mahirap para sa akin...”

Kinagat ko ang ibabang labi lalo na nang maramdaman ang bikig sa aking lalamunan. Kumuyom ang kamao ko, ang sulok ng mga mata ay nag-iinit na.

“Mahal ko na po si Nero, yaya. M-Mahirap po para sa akin ang sitwasyon ko pero kasalanan ko naman po ito.”

Tinakpan ko ng mga palad ang aking mukha at humagulgol. Naramdaman ko ang kamay ni Yaya Shirley na humahaplos sa aking likod na tila ba inaalo ako.

“Naging sunud-sunuran po ako kay Mommy kasi akala ko, titigil na siya oras na mahulog na sa akin si Nero. Hindi ko po akalain na maging sa pagpapakasal ay magagawa niya akong itulak.”

Hindi ko rin maintindihan. Ang sabi niya ay gusto niya lang makaganti kay Nero kahit man lang emosyonal na sakit. Bakit ngayon ay hinahabol niya na rin ang yaman ng mga Monasterio? She even wants me to marry him! Kung ipagtulakan niya ako, para bang hindi niya ako anak.

“Gawin mo lang ang alam mong tama, Isha. Huwag mo nang dagdagan pa ang pagkakamali mo kay Nero. Alam kong masasaktan ka oras na malaman niya na ang totoo pero kailangan mo tanggapin ‘yon. Kung nasasaktan ka, isipin mong mas doble ang sakit na nararamdaman niya kapag sinabi mo na ang lahat.”

Nakakaramdam man ng takot at pagkaduwag, alam kong wala akong pagpipilian kung hindi ang kausapin siya at sabihin ang totoo. Hindi ko na puwede pang patagalin ang pagsisinungaling dahil lalo lang ako kinakain ng kunsensya ko.

“Susubukan ko pong makipag usap sa kaniya. Sa mismong pamilya po niya, yaya. Hihingi po ako ng tawad. Mag impake na rin po kayo dahil aalis na tayo pagbalik ko.”

Pagkatapos kumain at maligo ay nagbihis na ako. Paulit ulit kong binibisita ang cell phone ko para makita kung may text o tawag si Nero pero mula pa kagabi pagkahatid sa akin ay hindi na siya nagparamdam.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon