Chapter 12

679 31 7
                                    

Karina's POV

Wait. Yung first kiss ko. Hindi. Gilid lang ng labi pero her lips touched mine. Basically, wala na yung first kiss ko. Teka anong gagawin ko? Mapapasigaw na ko dito.

Naglalakad kami ngayon ni Minjeong pauwi. I told her na may bibilhin lang ako pero she insisted na sasamahan niya pa rin ako. Bakit pa kasi ako nagsuggest na maglakad?

"Why didn't you tell me na nandun ka? Akala ko umuwi ka na?" bigla niyang tanong. Hindi kami nagpansinan kanina simula nung nangyari yung bagay na yun na pinipilit kong alisin sa isip ko.

After that incident, Yujin left. Si Yeji todo kilig pa pero hindi ako nakagalaw kanina like? Okay ayoko na isipin.

"I thought may kasama ka na?" napatingin siya sakin "Kasama?"

"Diba binigyan ka pa ng foods?"

"Wait— So you saw me and Minju sa field?" Hindi ko nalang siya pinansin ulit. Baka kung ano pang isipin nito.

"Nagseselos ka ba?" sabi ko na nga ba.

"Saan?"

"Kay Minju."

"Hindi. Never."

Narinig kong bumulong ito "Kunwari ka pa."

I heard everything, Minjeong.

"We didn't talk that much. She just hand over her peace offering. Actually, she's looking for you din pero nung tinuro kita sa may inuupuan mo, nawala ka na."

"Ah ganun ba? Saya niyo nga e."

She chuckled "You're jealous."

"I told you, I'm not."

"Don't worry, wala na kong feelings sakanya. We laughed kanina kasi I told her about Yujin." patuloy pa rin kami sa paglalakad habang kinukwento niya ang mga nangyayari sa amin ni Yujin.

"Won busted Yujin before kaya ganyan siya, that's what Minju told me kaya napatawa kami. Pero I swear, no feelings involved."

"Why do you have to explain everything? Wala naman tayong relationship or what." Napatahimik siya bigla. Naguilty naman ako.

Nakarating na kami sa book store pero hindi na siya nagsalita or nagkwento pa ulit. Hanggang sa nakarating kami ng bahay.

"You should eat." Inabutan niya ako ng pagkain pero hindi pa rin siya tumitingin sakin.

Okay. Guilty na guilty na ko. Bakit ka ba kasi ganito, Karina? She's just sharing what happened to her today.

Nakita ko siyang nanunuod ng movie sa laptop niya. Naka earphones ito at tutok na tutok sa pinapanood niya. Hindi niya pinapansin ang presensya ko.

Okay na siguro to kesa umasa pa siya nang umasa sakin. Nahiga na din ako dahil medyo sumasakit na ang ulo ko.

Nakaidlip ako saglit nang makaramdam ako ng pagsakit ng ulo. Mas masakit na ito compare sa kanina.

"Min..." hindi pa rin niya ako pinapansin. Tinanggal na niya ang earphones niya kanina nang humiga na ko.

"Min... pwedeng paabot ng tubig?" hindi niya pa rin ako pinapansin.

Hindi ko kaya yung sakit ng ulo ko kaya tumayo ako para kumuha ng tubig pero sa pagtayo ko, unti unti akong natutumba hanggang sa mawalan ako ng malay.

"Karina? Karina!"

—————

Minjeong's POV

Nakita kong nakatulog na si Karina. Bumuntong hininga ako. Ang sakit mo mahalin, Karina.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now