Chapter 48

2.8K 109 19
                                    

Chapter 48. Other



Naputol ang pagtitigan namin ni Treice sa isa't-isa nang makarinig ng iyak ng sanggol at doon natuon ang aming atensyon.



Si Ellai ay kaagad na lumapit sa kaniyang anak at kinuha niya iyon mula kay Zani. Umiiyak ang sanggol at namumula na rin ang mukha niyon. Aywan ko ba, kanina pa nag-iingay si Zani at sigaw nang sigaw pero ngayon lang umiyak ang bata.



"Naku, tita Stace! Ang ingay n'yo raw kasi kaya umiyak si baby Nero!" asar ni Zani kay mommy.



"Tigilan mo 'ko, hija," mommy told her and glared at her.



Napagalpak naman ng tawa si tito Gio 'tsaka inakbayan si mommy. Parang barkada lang namin si mommy at hindi pa ngang mapagkamalhang may anak na siya, eh. Parang magkapatid o magkakambal lang kaming dalawa, parang hindi niya lang ako anak.



"Hey! Stop na! Stop na!" Ellai interrupted when my mother was about to talk back to Zani. "I think, we need to go? Lahat tayo?" Ellai suggested instead.



"I think so," si Strawberry naman na nasa likuran nina mommy. "Trevon and Steris need to talk! Shall we go now?"



"Oo nga pala, babe! 'Di ba may pupuntahan pa tayo?" ani Jake na halatang gusto na talagang iwan kami ni Treice.



"Dito na lang ako," Zani said and cross her arms on her chest. "Gusto kong marinig ang usapan nina Steris at kuya Trevon, eh."



"Agaw eksena ka talaga, eh!" singhal ni Ellai kay Zani at umambang batukan ito ngunit biglang umiyak na naman ang kaniyang anak.



"Oh... Huwag daw ako awayin, Nephele Rai," mapang-asar na sabi ni Zani at ngumisi kay Ellai.



"Umalis na nga tayo rito! The two of them need to talk!" Hindi pinansin ni Ellai ang pang-aasar ni Zani sa kaniya at sa halip ay dinuro niya na lang kami ni Treice. "Let's give them the day!"



"We need to talk, too, Stella Maris." Mommy caught my attention and I caught her staring at me intently while rasing her brow. "Mag-uusap tayo kapag tapos na kayong mag-usap ni Trevon, naintindihan mo ba ako, ha?"



Ngumuso ako at tumango sa aking ina. "Okay, mom... I love you and I miss you."



Inirapan niya ako. "Huwag mo 'kong idaan sa ganiyan mo, papagalitan talaga kita," banta niya sa akin. "Hay naku, pasalamat ka't buntis ka ngayon! Kung hindi, ikakadena kita!"



"Ang brutal mo, tita, ha," puna ni Ellai habang inalu-alo ang anak niyang unti-unti nang tumatahan. "Well, alam naman namin na hindi mo kayang ikadena si Steris. Kahit sampalin nga siya, 'di mo magawa, eh. Kadena pa kaya? Alam ng lahat na hindi mo kayang tiisin si Steris, tita Stacey, eh."



Nang makaalis sila kalaunan ay nakakabinging katahimikan ang iniwan nila sa aming dalawa ni Treice. Ramdam ko ang mainit na titig ni Treice pero pilit na umiiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa pangangatog ng mga tuhod ko. Hindi ko alam kung paano siya babatiin o ano ang una kong ibubungad sa kaniya.



"Maris..." he uttered my name.



"T-Treice---"



"You're really pregnant?"



I lifted my head and our eyes suddenly met. My heart beats erratically. Napalabi ako kay Treice dahil sa sinaad niya samantalang siya naman ay ngumiti bago tinuwid ang pagitan namin. Yumuko pa siya para haplusin ang aking tiyan.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now