Special Chapter I

12K 644 248
                                    

"Do you wanna build a snowman? C'mon, let's go and play. I never see you anymore, come out the door. It's like you've gone away."

"Remind me why are we watching this again?"

Napalingon ako kay Rosendale nang marinig iyon sa kanya. She asked that to no one in particular, para bang bored na bored ito sa pinapanood namin.

"Luh, kasi maganda?" Si East ang sumagot sa kanya, parang magdadabog pa ito. Natawa naman ang girlfriend nitong si Lucy at hinaplos ang ulo niya.

"Oo nga, maganda," sang-ayon ni Ella - girlfriend naman ni West. Nag-apir pa sila ni East na para bang magkasundong-magkasundo.

"Do you wanna build a snowman? Or ride our bikes around the halls?" Sinabayan nina Ella at East yung sa movie bago muling nag-apir. "I think some company is overdue, I've started talking to the pictures on the walls. Hang in there, Joan."

"Right?" South also agreed — na siyang pasimuno ng panonoring movie.

Natawa ako kahit si Jade. Paano kasi, sa sobrang seryoso ng mukha ni South hindi mo aakalain na mahilig ito sa mga ganoong movie. She seemed disinterested with such, pero sabagay, hindi rin ako mahilig sa ganito pero iba kasi talaga ang datingan ng Frozen.

Ang tagal na ng movie na 'yon pero ang classic and timeless.

"Echo, Love, do you really like this movie, too?" Rosendale asked her wife, as if seeking support.

Nasa tabi nila yung isa sa kambal nilang anak na si Dipper habang yakap-yakap naman ni South si Mabel — na nilalaro ni Jade. The blue eyed Hansen likes kid, mukhang hindi mahihirapan iyong isa kapag gusto na nila magkaroon ng bulilit.

"Oo, ikaw lang yata KJ dito." Echo replied. Umismid si Rosendale sa narinig at tiningnan na lang yung anak nila.

Napangiti ako nang halikan ako ni North sa sentido. Kanina pa kasi ito tahimik lang at nakikitawa sa mga kasama namin.

It's Sunday night, lahat kami ay mga walang pagkakaabalahan so we decided to invite Echo and Rosendale with their kids para mag-movie marathon and overnight na rin.

Naglatag lang kami rito sa living room at inusod muna ang center table for more space. Nasa sofa kami ni North, Jade and South. The rest ay nasa inilatag naming kutson dahil mas bet daw nila iyon.

There were snacks, too, at ang kalat nilang kumain. Akala mo mga bata. Ang medyo limitado lang sa pagkain ay si Lucy given her situation, pero mas maluwag naman na sa kanya dahil she's really doing well.

We were supposed to invite the rest of our friends pero lahat ay unavailable lalo na sina Jean dahil family night din daw nila.

"You're okay?" I asked my wife.

North smiled at me and pulled me closer to her, inangat nito ang kumot na dala hanggang sa balikat namin, saka ko naramdaman ang kamay nitong humahaplos sa baywang ko.

"I'm with you, I am."

Gosh, wala talagang pagbabago yung reaksyon ko. I could feel my cheeks burning, even my heart that never fails to thump triple — especially with that sweet smile and gentle eyes. She's just so beautiful inside and out.

Habang tumatagal ay mas minamahal ko lang si North, and at the same time, I'm loving myself more and more. She's just so special, everything about her is contagious in a good way.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng living room. Kung nood ay puros painting lang ang narito, ngayon ay puno na ito ng memories. There were pictures — family pictures, and personal memento from each one of us.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon