CHAPTER 12

28.2K 1.3K 1.5K
                                    

Yen


Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila ako lumulutang. Bahagya kong inimulat ang mga mata ko at napasinghap nang maalala ang nangyari sakin kanina.

Bumalikwas ako ng bangon at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Shit, nasaan ako? Dito ba ako dinala ng taong dumukot sa akin? Oh my god, oh my god, oh my god! Ano 'to kidnap for ransom? Gago hindi ako mayaman mahirap lang kami! Halos hindi na nga kami nakakabayad sa mga utang namin tapos may paganito pa? Helpppp!

Umalis ako sa kama na puno ng kaba ang dibdib. Inikot ko ang kabuoan ng kwarto at bahagyang napakunot-noo nang mapansing may kakaiba.

The whole place is filled up with expensive and luxurious stuff. Mula sa lightings, flooring, interior at appliances. Teka, hindi ito ang tipong lugar para sa mga tulad kong na kidnap. Dapat nasa isang liblib at inabandonang lugar ako dinala, hindi dito.

Napaupo ako sa couch habang sapo ang noo. Kapagkuwan napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mga mata. Yawa, baka isang mafia lord ang kumuha sakin! Hoy ano 'to, 365 Days ang peg!? I was referring to an erotic movie where the main lead character kidnapped the woman and intend to keep her as a prisoner for 365 days.

Mabilis kong chineck ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang suot ko parin ang damit ko kanina.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang nasa gitna ako ng dagat. Holy shit, nasa yacht ako. 365 days nga! Jusko, baka biglang may sumulpot na lalaki at bagyohin ang puson ko. Hindi ako papayag! I'm a virgin!

Natataranta ako. I feel like i'm losing my sanity. My heart is beating fast. Nanginginig ang buong katawan ko sa pinag-halong takot at kaba. Fuck, how am i supposed to escape from here? I'm surrounded by water! Malayo na ako sa daongan ng barko at hindi rin ako marunong lumangoy kung sakaling tatalon man ako. I'm freaking trap!

Hinalughog ko ang buong kwarto at naghanap ng life jacket o salbabida kaso wala. Binuksan ko lahat ng cabinets kaso wala parin. Bwesit talaga. Paano ba ako makakauwi neto!?

Bigla akong natigilan nang makarinig ako ng yabag. Mabilis kong hinubad ang suot kong sapatos at hinanda ang sarili para dumipensa. Punyeta, wala akong sinasanto ngayong araw na'to kaya humanda sakin ang demonyong 'to!

When the door open, agad kong binato ang sapatos ko sa walang modo kong kidnapper. Di pa ako nakontento at ibinato ko din sakanya ang mga unan, remote, figurines saka vase. Lumikha yun ng maraming ingay.

"What the hell, Goldilocks?"

Muli akong natigilan at napa-angat ng tingin. Shock filled me upon seeing Vaughn. "Ikaw!?"

"Yes, me."

My blood range. Mabilis ko siyang nilapitan at sinuntok-suntok sa braso. "Bwesit ka! Yawa ka! Buang!"

"Aray, aray, aray, Midget!"

"Saan mo ako dinala ha!?" kwenulyan ko siya at isinandal sa pader. "Bakit mo ako dinukot? Anong intention mo!?"

"C-can you c-calm down?" bakas ang takot sa kanyang mukha.

"Anong calm down!? Pagkatapos mo akong kidnapin at dinala sa gitna ng dagat? Gusto mong mag calm down ako? Gago! Alam mo ba kung anong trauma ang ibinigay mo sakin!?"

"I-i'm s-sorry, let m-me explain."

"Shut up!" malakas ko siyang sinapak at itinulak pahiga sa kama. Umupo ako sa ibabaw ng puson niya at kinuha ang unan saka pinalo-palo yun sa kanya. "Abnormal kang unggoy ka! Isa kang lason! I hate you!"

"Baby let me explain."

"Anong baby!?" muli ko siyang kwenulyan at masamang tinignan. "Ulitin mo nga." biglang huminahon ang boses ko.

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon