38

78.9K 2K 360
                                    

PENELOPE


      "MAME, NASAAN SI DADE?" Tanong ni Parsia. "Nambabae na naman?"

"May pinuntahan lang." Sagot ko. "Siguro pauwi na yun."

Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"PENELOPE!" Napatingin kami sa pintuan ng pumasok doon ang humahangos na si Wyandel.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Si Kuya." Bagsak ang balikat nito. "Sumabog ang airport kung saan nila hinuli si Daniel Praisley, si Kuya.."

"Anong nangyari!?" Nagsimula ng tumulo ang luha ko. "Sabihin mo buhay siya diba? Wyandel, okay lang siya diba?"

"Na-stock siya sa loob." Sagot nito. "Sure akong buhay pa yun dahil may sa Dimonyo siya, hindi ko lang sure kung okay siya."

"Buhay yun." Pursigidong sabi ni Parsia. "Puntahan natin si Dade, hukayin natin."

"Ako na lang ang pupunta, maiwan na kayo di–"

"–Ede ikaw ang maiwan!" Tumakbo palabas si Parsia

"Mom, sasama kami. I want to make sure that Dad is okay." Sabi ni Paxton.

"Sige.."

Lumabas kami at dumiretso sa sasakyan ni Wyandel, nakita namin ang batang maldita na nakaupo na doon at parang malalim ang iniisip.

"Bobo kasi ni Dade, tatakbo na lang hindi pa nagawa!" Dinig kong bulong ni Parsia..

Sana naman ayos lang si Wyatt, nangako siya samin kaya sana ay tuparin niya yun.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa airport, agad kaming bumaba. Ang daming police, may bumbero din at mga sundalo.

Kita ko ang bagsak na airport, sa itsura nito parang hindi na buhay yung mga nakakulong sa loob.

Nakita ko ang mga kaibigan ni Wyatt kaya agad ko silang nilapitan. "Nasaan si Wyatt?"

"Nasa gitna siya ng airport." Si Ezar ang sumagot. "Don't worry buhay pa ang gagong yun."

"PADAANIN NYO NGA AKO! TANGINA NYO SABING NASA LOOB YUNG ANAK KO EH!" Napalingon kaming lahat sa sumigaw.

Isang babae na kaedad ko lang, maikli ang buhok at kayumanggi ang kulay. May kasama itong batang lalaki na kahawig ni... Napatingin ako kay Karson

"Miss hindi po pwed–"

"–Putanginamo!" Sinipa nito yung pulis na humaharang sa kanya. Dire diretso itong lumapit kay Karson. "Kilala mo ako diba? Ako yung katulong mo dati na kinantot mo!"

"M-Madeline." Nadilim ang muka ni Karson.

"Mamaya kana magalit, yung Anak natin nasa loob." Humagulgol ang babae. "Kapag yun namatay, magpapakamatay din ako!"

"Mag uusap tayo mamaya." Mariing sabi dito ni Karson. "Kumilos na kayo, tangina nasa loob yung Anak ko!"

"Lumayo muna kayo." Sabi ni Colm kaya lumayo kami ng mga bata

Nagtulong tulong silang lahat na magtungo sa gitna at iaangat ang mga nakaharang doon.

Ilang oras kaming naghintay pero wala pa rin, nawawalan na ako ng pag asa pero nabuhayan ako ng makita ko si Wyatt na buhat ni Archer at Ezar.

Nilapag nila ito sa stretcher kaya agad kaming lumapit doon, puro sugat si Wyatt, may bakal na nakatusok sa binti niya at namumutla din siya.

"Wyatt..." Napaiyak ako at hinawakan ang pisngi niya. "Wyatt."

"I'm fine.." dumilat ito at ngumiti samin. "T-tinupad ko ang pangako ko.."

"Salamat..." Hinalikan ko siya sa labi. "Pagaling ka ah? Diba papakasalan mo pa ako?"

"I-I love you."

"Mahal din kita Wyatt."

"Dade, pagaling ka, bahala ka kapag namatay ka maglalandi ako?" Singit ni Parsia at humalik dito. "Mahal kita Dade ko."

"Kailangan na namin siyang dalhin, baka matuluyan na yan." Sabi ni Colm kaya tumango lang ako

"Susunod kami sayo Wyatt."

Sinakay na si Wyatt sa ambulance, sumakay naman kami nila Wyandel sa sasakyan niya at sinundan ang ambulance.

"Sabi sayo may sa Dimonyo si Kuya eh." Sabi ni Wyandel at tumawa. "Konti na lang yung dugo, humihinga pa rin."

"Syempre, kung gusto mo ikaw na lang mawalan ng hininga!" Pagmamaldita sa kanya ni Parsia. "Nag-promise si Dade kaya dapat tuparin niya yun."

"Daddy is strong." Sabi naman ni Paxton. "He can't die lalo pa at love na siya ni Mommy."

"Sabi kona nga ba pakipot ka lang eh." Sabi ni Parsia at hinampas ako sa braso.

"Makahampas ka ah, nakakalimutan mona namang Nanay mo ako."

"Ito naman po, pangit ka-bonding, buti nga hindi hanger pinanghahampas ko sayo eh."

"Gusto mong mahampas ng hanger?"

"May nisabi po ba ako?"

Kahit kailan talaga itong maldita na'to sarap isako tapos itapon sa gitna ng sapa.

'Thank you Lord dahil buhay si Wyatt.'

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon