Kabanata VIII

41.8K 795 229
                                    

A/N: Sorry for waiting. It's been such a hell week in SLU rn. I'll try to update faster next time :} Enjoy reading!

-

DAYS went by quick. Although for me, everything felt so slow. Walang oras na hindi pumasok sa isip ko ang huling nangyari sa Olongapo. At tuwing naaalala ko 'yon, bigla-bigla na lang akong natutulala. It's something I can't control.

Nakakapansin na nga sina Annika. Maging ang mga kaibigan ko sa school, akala nila ay sadyang palagi lang akong sabog. When in fact, that's not a normal thing for me to do.

Sadyang hindi ko mapigilan. Walang sawang umuulit-ulit sa utak ko ang mga salitang binitawan nila. Hindi ko mapigilang umiyak tuwing gabi, tuwing tahimik na ang kwarto at ang tanging naririnig ko na lang ay ang utak kong punong-puno ng paninisi nila.

Kaya minsan ay nagpapalipas na lang ako ng gabi sa iba't-ibang lugar, para kahit papaano ay ma-distract ang utak ko. Minsan ay naglalakad-lakad lang ako sa session road. Somehow, it helps calming my mind.

I admit, suicidal thoughts often visit me. Lalo na tuwing pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Pero tuwing nangyayari 'yon, kusang umaalingangaw sa utak ko ang mga sinabi ng lalakeng tumulong sa akin. Kusa ring sumusulpot ang batang-ako sa aking harapan. They both served as my motivations to keep going. That's why I'm still here, trying to continue existing.

"Saan ka pupunta? Sisimba ka?" Dinaluhan ako ni Bree sa umagahan. Hihikab-hikab pa siya habang suot ang kanyang pajamas.

Alas otso pa lang ng umaga. Nakakahayok sanang matulog pa dahil sa lamig, pero hindi pwede.

Kasalukuyan na akong nagkakape, bihis na para sa lakad ko.

"Anong magsisimba? Sabado pa lang." Wika ko saka humigop sa aking tasa.

Ah, ang sarap talaga ng mainit na kape sa malamig na umaga. Lalo na't hangin pa ng Baguio ang dadapo sa'yo. Kahit papaano ay nakakaganang mabuhay.

"Ah, sabado pa lang ba." Tila sabog niya pang pahayag.

Bahagya akong natawa. "Bakit ba bumangon ka na? Maaga pa ah."

"Ikaw nga ang aga-aga bihis na bihis na. Saan lakad mo?"

Ngumiti lang ako. I don't want ro reveal that I'm attending clinical therapies. Panigurado ay seseryosohin na nila ang mga suicidal jokes ko. 'Yon pa naman ang main humor ko.

"Sa Burnham lang, magjo-jogging."

"Magjo-jogging kang naka-crop top?" Poker face niyang tanong. "Teh, nasa Baguio ka. Baka maka-sampung kilometro ka na hindi ka pa rin pagpawisan."

"Magja-jacket naman ako mamaya."

Umismid siya, natawa na lang ako.

"Mag-jacket ka na ngayon, jusko, baka kabagin ka pa."

"Opo na, boss."

Para matahimik na ang utak niya ay sinuot ko na ang jacket na kanina'y nakapatong lang sa mesa. Inubos ko na rin ang kape nang mapansing malapit nang mag-alas nuwebe.

Ang lamig na nga ng kape, kumurap ka lang, pagtingin mo malamig na ang kaninang mainit mong kape. Cons of living in Baguio. Kailangan ko na talagang bumili ng insulated tumbler.

"Una na ako," paalam ko sa kanya matapos kong hugasan ang pinag-inuman kong tasa.

"Taray naman ng jogging outfit mo, naka-boots ka pa. Parampa ka bang tumakbo?" Usisa ni Bree mamataan niya ang suot kong sapatos.

Tumawa na lang ako. Alam kong pansin niya nang hindi talaga jogging ang lakad ko. Sinasakyan niya na lang ang kasinungalingan ko.

Kinindatan ko na lang siya bago ako tuluyang lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay kusang bumagsak ang ngiti ko. My mood instantly changed. Nawala ang maskarang suot ko ngayong wala nang ibang tao.

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon