Kabanata 28

17.6K 1K 233
                                    

Kabanata 28

Lies

Ang daming katanungan sa isip ko. Paano niya nalaman? Did someone tell them the whole plan? If yes, who could it be? Si Mommy kaagad ang pumasok sa isip ko pero alam kong kahit nagbanta siyang sasabihin sa mga Monasterio ang plano namin, malabong gawin niya pa rin.

Kapag sinabi niya, alam niyang hindi lang ako ang mapapahamak. Maging siya at si Daddy ay siguradong madadamay. As much as possible, I don’t want my father to be involved with this.

“Cat got your tongue, liar?” It was Ania who threw that words out with mockery.

Hindi ko magawang ituon ang mga mata sa kaniya. I’m stuck with Nero giving me cold glances laced with venomous rage.

Tuluyan nang nanuyo ang lalamunan ko. Inaasahan ko na ito — na magagalit siya sa akin. Hindi lang basta galit. Kamumuhian niya ako. It’s just painful that he had to humiliate me in front of his family.

Kung sa bagay. Lahat naman sila ay niloko ko. Dapat lang na mapahiya ako sa harapan nila. I just hope I could have the chance to talk to them and apologize for what I did.

“Reon, mas mabuti sigurong mag-usap kayong dalawa nang maayos at iyong kayo lang-”

“I don’t think it is still needed, ate. That woman is a lia-”

“Mama...” sita ni Nero kay Ma’am Adrianna nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

I can already feel my eyes getting warm with tears. Nag-iwas ako at yumuko, handa nang saluhin ang masasakit na salita mula sa kanila.

“Give her the benefit of the doubt, Rian. I think Isha here have explanations for Reon. Don’t take the chance away from her. Ginawa rin natin ang magsinungaling kay Zion at Daniel. Alam mo ang pakiramdam na hindi mabigyan ng pagkakataon magpaliwanag.”

“Paano kung mapaniwala na naman po niya si Kuya, Tita Cheska? It already happened, right? He fell in love with her that fast-”

“That’s a mistake. I know better now.” putol ni Nero sa kaniya.

Kumuyom ang mga kamao, ramdam ang matinding kirot sa puso dahil sa naging sagot na ‘yon ni Nero. Alam ng langit kung gaano ako naging totoo sa lahat ng pakikitungo ko sa kaniya. Totoong minahal ko siya kahit pa hindi ‘yon kasama sa plano. Ako ang naging talunan. Imbes na siya.

Pero hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanila na totoong minahal ko si Nero. They won’t believe me. They will definitely think that it’s still part of my lies.

“Ania, let our brother deal with it.” si Zadriel.

“I’m just concern! Buong buhay natin ay itinago siya sa atin nina Mommy para protektahan siya sa mga kaaway. Pagkatapos nang dahil lang sa babaeng ‘yan ay magugulo na naman ang pamilya natin!”

Bumuntonghininga si Nero. Marahas niyang itinulak ang upuan paatras at tumayo. Mabilis akong nag-angat ng tingin nang kuhanin niya ang kamay ko at hilahin ako pasunod sa kaniya.

He went towards the stairs. Umakyat siya at wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Nakita ko si Nanay Martha na siyang pababa at pinagmamasdan kami. Nilampasan lang siya ni Nero. Nang magtama ang mga mata namin ay pansin ko ang lungkot roon.

Tipid akong ngumiti kasabay ng pag-gapang ng luha sa aking pisngi. Kung mayroon man isang tao na hindi ko nagawang lokohin pagdating sa pakikitungo ko, si Nanay Martha at Ate Choleng ‘yon. Maging ang mga naging kaibigan na dito sa Santa Fe, naging totoo ako sa kanila.

Pumasok si Nero sa kwarto niya. Nang makapasok na rin ako ay binitawan niya na ang kamay ko ngunit nananatili siyang nakatalikod sa akin, malayo ang distansya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon