Kabanata 17

190K 6.3K 4.4K
                                    

"gamutin mo sugat mo" masungit na sabi ni Thaigo nang dumating kami sa mansyon. Sumunod din pala si Enzo

"I don't need that" wika ni Enzo at tinulak ang first aid kit na binigay ni Thaigo

Tumayo ito at nagtungo sa kusina. Nagkasabay pa kami kasi patungo din ako doon para kumain. Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan ako.

"You married a very jealous man" bulong niya sa akin at nauna nang naglakad patungo sa kusina

Hindi ko na iyon pinansin at naisipan nalang na pumunta sa taas para maligo. Mamaya nalang siguro ako kakain.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman binilisan ko ang pagsuot sa dress ko.

Tiningnan ako ni Thaigo at sunod ay ang suot kong damit

"Kumain na tayo" sabi niya at lumapit sa akin

Ewan ko ba, bigla akong na conscious sa mukha ko kaya naman sinuklay ko ang buhok ko gamit aking kamay.

"Susunod nalang ako" sabi ko at tinalikuran siya para kumuha nang suklay

I stiffened when I heard him sighed. Umikot ako at nakita ko siyang umupo sa gilid nang aming kama.

Sasabihin ko na sana na mauna na siyang kumain pero inunahan niya ako

"Tinawagan ako ni Dion kaninang madaling araw. Nagka emergency kaya bumalik ako dito. You were in deep slumber last night so I didn't wake you up,"

Tumango lang ako habang sinusuklay ang aking buhok

Huminga ulit siya nang malalim at malungkot akong tinitigan

"I'm sorry" wika niya

Napakurap ako sa sinabi niya

"Hindi mo naman kelangang mag sorry"

"I left you-"

"a-ano ka ba... wala 'yon" at nginitian ko siya

Lalakad na sana ako patungo sa pintuan at yayain siya na lumabas pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko

"Umulan kagabi" sabi niya habang nakatingala sa akin

I just nodded. He sighed again and swallowed hard as he gently squeeze my hand

"Alam kong takot ka sa kidlat at hindi kita nasamahan kagabe" nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha

"Ok lang naman ako kagabe at dumating si..." biglang nag iba ang reaksyon nang mukha niya kaya tahimik ako "si....Enzo, s-sinamahan niya ako" tuluyan na akong umiwas nang tingin sa kanya nang makita ko ang galit at inis sa kanyang mga mata

Binitawan niya ang kamay ko at bigla siyang tumayo. Napaatras ako sa biglaang kilos niya.

"Let's eat" he coldly said and walked out of the room



"Pwede ba sa susunod, doon ka na dumiretso sa bahay o sa condo mo" sabi ni Thaigo

"I was so tired last night and Dion told me that you bought a resthouse so I went there" sabi ni Enzo at uminom nang juice

Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nilang dalawa

"At hindi ko rin alam na naiwan pala ang asawa mo dun"

"At sa dami nang kwarto, doon ka pa talaga natulog kasama niya?" iritadong sambit ni Thaigo at binaba ang kutsara niya

Enzo sarcastically laughed and looked at me

"Napakaseloso nang asawa mo" sabi niya sa akin

Magsasalita na sana si Thaigo pero inunahan niya ito " Hindi ko alam na may tao sa kwartong 'yon. I didn't turn on the lights because as I said I was so hella tired kaya agad akong humiga sa sofa. Mabuti nga sa sofa ako dumiretso hindi sa kama" may palaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang sulyapan niya si Thaigo sa tabi ko. Para bang gusto niyang inisin ang kapatid niya.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon