Kabanata 05

2 0 0
                                    

Kabanata 05

"Oh, anak, bakit ka nandito?" Gulat na napahinto si itay sa pasukan ng kubo nang makita niya akong nakaupo, hinihintay siya. Pumasok na siya sa loob ng kubo at inilapag ang straw hat sa lamesa bago okupahin ang pwesto sa harap ko. Sa kubo na 'to sila tumatambay kapag gustong magpahinga o kakain.

"Nagpahatid po si inay ng pagkain," magalang kong sagot. Nasa tabi ko ang dala kong pagkain kaya binuhat ko iyon para ipakita kay itay. Inilapag ko iyon sa lamesa at hinubaran ng plastic. Ngayon ko lang nalaman ang laman ng container: kanin, itlog, at hotdog. "Hindi ka nag-almusal, 'tay?" tanong ko nang mapansin kong pang-almusal iyon at hindi tanghalian dahil kung pangtanghalian iyon ay hindi ganito ang ipapahatid ni inay sa akin.

Kinamot ni itay ang buhok. "Eh, kumain lang ako ng biscuit. Kumuha ako ng dalawang frootees sa'yo. Palitan ko na lang. Anong oras na rin kasi akong nagising kanina, eh."

Tumango ako. "Okay lang po. Gusto niyo po ay baunin niyo po iyong isang balot pa ng frootees sa bahay," pabiro kong sabi. Tumanggi ito.

"Hintayin mo na akong matapos bago ka umuwi para maisabay mo na 'tong lalagyanan. Alam mo naman, medyo burara ako. Mawawala ko lang 'to dito at aawayin ako ng nanay mo kapag nangyari 'yon." Natawa siya sa sinabi niya at ako rin. "Kilala mo naman ang nanay mo. Mas mahal niya pa ang mga gamit sa bahay kaysa akin," lumungkot ang tono ng boses niya, pakunwaring nagda-drama.

Kinilabutan ako. "Itay! Ang corny niyo po," natatawa kong sabi. "Iyan po ang epekto kapag nalilipasan po ng gutom."

"Oo nga, eh. Kakain na ako. Salamat anak," aniya.

Habang hinihintay ko si itay na matapos kumain ay nagmasid-masid muna ako sa paligid. Maganda ang tanawin dito, matatanaw mo na agad sa hindi kalayuan ang grain fields. Malaki na ang mga palay at malapit na iyong anihin.

"Anak, pwede mo ba akong mabili ng tubig?" utos sa akin ni itay kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Opo naman." Tumango ako. Bumunot si itay ng pera sa bulsa niya at binigyan ako ng papel na bente ang halaga.

Naghanap ako ng malapit na tindahan. Malayo iyon mula sa pananiman at mabuti na lang ay nadala ko ang payong para may pananggala ako sa labis na init. Bumili ako ng dalawang summit dahil otso pesos ang isa non at ang natitirang apat na pisong sukli ay ginawa kong chokolitos. Hehe.

Kinain ko ang dalawang chokolitos sa daan ko pabalik sa pananiman at nabawasan pa ng isa dahil humingi sa akin iyong guard. Hindi niya raw ako papapasukin kapag hindi ko siya binigyan, pabiro niyang sinabi iyon. Namburaot pa. Ihampas ko sa kanya batuta niya, eh.

May kasama na si itay sa loob ng kubo nang ako ay makabalik. Dalawa sila. Parehong lalake. Ang isa ay mataba na maliit at ang isa ay payat na matangkad. Magkatabi sila at nakaupo kung saan ako nakaupo kanina.

"Itay, iyong pinabili niyo po." Inabot ko sa kanya ang bote at nagpasalamat siya. "Chokolitos po, itay, gusto niyo po?" alok ko.

"Sa'yo na lang iyan," aniya.

Kinain ko na iyon at umupo sa tabi niya. Ngumiti ako sa dalawang lalake na nakaupo sa harap namin. Sumukli sila ng ngiti kaso ay tipid. Nanatili ang tingin nila sa akin at parang nag-iiba iyon habang tumatagal. Malalim akong napalunok. Iniwas ko ang tingin ngunit nabalik din agad sa kanila nang magsimula ng usapan ang lalakeng mapayat.

"Anak mo? Parang babae, ah. Sobrang liwanag ng balat," papuri ng lalakeng mapayat pero para sa akin ay hindi iyon papuri dahil hindi ko naman nakikita sa mata niya na bukal iyon at hindi rin ramdam sa boses. Bukod sa namamangha ang mata niya ay may isa pa akong nakikita roon ngunit hindi ko matiyak kung ano iyon. Ngumisi ito.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 04, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Yesterday In Lemon TreeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt