Kabanata 30

20K 993 100
                                    

Kabanata 30

Galit

Mahal ko si Nero — iyon ang tanging nasa isip ko kaya maging ako ay nagdesisyon na huwag bumitaw sa relasyon naming dalawa. Kakapalan na ng mukha ang manatili sa tabi niya sa kabila ng panglolokong ginawa ko sa kaniya at sa pamilya niya. 

Hindi ko rin alam kung bakit narito pa ako. Hindi ako kumportable. Ang alam ko lang ay mahal ko siya. Sa kung paanong paraan namin malalagpasan ito, wala rin akong ideya. At hindi ko alam kung parehas kaming magiging masaya sa desisyon naming ito.

Bahala na.

“How are you and the Monasterios?” Mommy asked as soon as I got home.

Kakahatid lang sa akin ni Nero sa bahay at nagkulong na kaagad ako sa kwarto. Ayaw kong lumabas. Ayaw kong makakita ng kahit na sino dahil pakiramdam ko ay wala akong maihaharap na mukha sa kanila. Hindi man nila alam ang katotohanan.

Ni hindi nga nagawang magpaalam sa akin ni Nero nang maayos. Pansin ang matinding lungkot sa mga mata niya. Naiintindihan ko dahil hindi madali sa pakiramdam kung alam mo na ang buong pamilya mo ay kontra sa desisyon mo.

“They already know. Did you tell them?” wala sa sariling sagot ko.

She let out a mocking chuckle. “Why would I? Kailan ba ako humarap sa mga ‘yan?”

Kasi hindi mo po kaya, Mommy. Alam mong oras na humarap ka sa kanila, katapusan mo na po.

“Then how did they know? Galit na galit sila sa akin.”

“I told you to be careful, honey. Malakas ang pang amoy ng mga iyan. What did Reon say?”

“This is all your fault, Mommy. Kung sana ay hindi mo na lang po ako ipinain sa plano na ito, sana ay hindi ko ito nararanasan. Sana ay hindi ako nasasaktan-”

“So I was right? Nahulog ka na nga sa lalaking ‘yon?”

Hindi ako nakasagot. Bumuntonghininga ako at isiniksik ang sarili sa dulo ng kama. Kanina pa ako nakahiga at hindi naman makatulog. Duda akong magagawa ko ‘yon sa dami ng iniisip.

“Ang hirap, Mommy. I want to please you so bad that I had no choice but to follow whatever you ask me to do. Kahit pa labag na sa akin, ginagawa ko pa rin kasi gusto kong makita mo rin ‘yung halaga ko. You always see me as a useless-”

“Oh, please. Enough! I have no time for your drama. Nahulog ka lang sa kaniya ay naging ganiya ka na. You are the cold and unbothered Visha Seraphine Montezor. Madalas kang walang pakialam sa paligid mo. Why are you acting like a soft girl now-”

“Because I fell in love, Mommy! Nagmahal po ako at nasisiguro ko na hindi mo naramdaman ‘yan! You don’t know how to love-”

“And you do?” natawa siya, halatang nang-aasar. Boses niya lang ang naririnig ko pero ramdam ko na ang matinding sakit na tila ba iniinsulto niya ako. “Let me guess. You two had already sex, right?”

Hindi ako nakasagot. Sunod-sunod ang naging pag agos ng luha sa gilid ng pisngi ko habang nakatakip ang braso sa mga mata. Tahimik akong umiiyak. Nasanay na dahil hindi gusto ni Mommy ang makita akong mahina. Palagi siyang naiinis sa akin sa tuwing nakikita niya akong umiiyak. Imbes na aluin, pagsasalitaan niya pa ako nang hindi maganda.

“Oh my, Seraphine. You have gotten really far. Kaya naman pala ganiyan ka kung makadrama sa akin ay dahil nakuha ka na ng Reon na ‘yon,” mangha ang boses na sabi niya. “Is he already done with you?”

“Mommy, we’re still in a relationship. Kinalaban niya ang pamilya niya dahil sa akin. I don’t deserve him-”

“Shut up! Ipinaglalaban ka na nga, umaayaw ka pa? You’re fortunate that he still wants you even after finding out the truth that you played with his feelings! Gamitin mong alas iyan para tuluyan nang makapasok sa buhay nila. Imagine how powerful you can be if you become a Monasterio-”

“Mommy! Tama na!” putol ko sa kaniya. “I chose to stay with him because I love him and not because of their power I could possibly gain! Stop telling me what to do for I am already done with you controlling my life!” I shouted, respect was already leaving my soul.

“You have the guts to say that to me, huh?” matunog siyang ngumisi. “Tingnan natin, Seraphine, kung saan ka pupulutin oras na talikuran ka ng lalaking iyan. He will realize one of these days that you are not worth the second chance! And if that time comes, never... ever... go back to me.”

Hindi na napigilan pa, ang tahimik na pag-iyak ay naging hagulgol na. Kahit saang anggulo, hindi ko siya magawang intindihin. Unti-unti ko nang napapatunayan na hindi anak ang turing niya sa akin.

“I am telling you what to do so you can have a better future, hija. Kapag naging asawa mo na si Reon ay hindi mo dadansin ang hira-”

Marahang bumukas ang pintuan. Napabalikwas ako ng bagon nang makita si Nero na nakatayo doon. Seryoso ang mga mata niya, walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha.

Ano’ng ginagawa niya dito?

Bumaba ang mga mata niya sa cell phone ko. Marahan siyang naglakad papasok. Maingat ang bawat galaw. Tila ako nanigas na sa pagkakaupo sa kama. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kuhanin niya ang cell phone ko.

Pakiramdam ko ay pansamantala akong nawalan ng lakas para kwestyunin ang ginawa niyang ‘yon. Tinitigan niya ang screen. His face darkened, eyes became ruthless.

“Are you still there, Seraphine? Go on with the plan. Do it for your Auntie Sigrid!”

My teeth gritted when Mommy’s voice played loudly. Nero put the call on loud speaker. He raised his eyes to me. They were dark and cruel.

“Visha-”

Naputol ang boses ni Mommy nang patayin na ni Nero ang tawag. Inihagis niya ang cell phone sa ibabaw ng kama. Tumungo ako, hindi na magawa pang labanan ang dilim ng mga mata niya.

It’s then he squatted in front of me, his hands were leaning against the mattress. I remained staring at my legs, my breathing was ragged.

Muli akong humikbi, ang patak ng luha ay walang habas na nagsilaglagan sa mga hita ko.

“Hindi ko siya s-susundin, Nero. Kahit pa magalit siya sa akin at i-itaboy niya ako, hindi ako...” humikbi akong muli, ang salita ay nagbuhol buhol na. “Hindi ako susunod sa kaniya.”

Dinala niya ang kamay sa pisngi ko at marahan itong hinaplos. Napapikit ako sa init na dulo ng palad niya. Hinawakan ko iyon, mas lalong humagulgol.

“I know, baby. I believe you. I heard everything,” he said, his thumb softly caressing my cheek. “And I’m sorry if I called you evil.”

Umiling ako nang maalala ang naging tawag niya sa akin kanina sa bahay nila.

“I deserve it. Lahat nang masasakit na salita, dapat lang sa akin. Naiintindihan ko ang pamilya mo kung kinamumuhian nila ako.”

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Immense sadness kissing his dark eyes. He sighed as his hand let go of my cheek. Hinawakan niya ang kamay ko, tumungo habang mabigat ang bawat paghinga.

“Kumplikado ang sitwasyon ngayon, Isha,” sabi niya saka sinalubong ang mga mata ko. “Pero umaasa ako na magiging maayos pa rin ang lahat.”

“Gaano ka kasigurado, Nero? Pamilya mo mismo ang kalaban natin-”

“Ako mismo ang kakampi mo...”

“Bakit ang dali mo akong napatawad? Bakit ang dali mong tinanggap ang pagkakamaling nagawa ko?”

Hindi siya kaagad nakasagot, titig na titig lang sa mga mata ko.

“I’m still mad. Hindi madaling tanggapin na niloko mo ako...” amin niya sa akin. “I’m still far from the process of forgiving you but I also don’t want to lose you during that process, Isha. Call me selfish but that’s my only truth.”

Hinaplos niya ang buhok ko at iniipit ito sa aking tainga habang mariing nakatitig sa mga mata ko. Muli siyang huminga nang malalim.

“Kahit galit ako sa’yo... gustong-gusto pa rin kitang mahalin.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon