[W.O.M] CHAPTER 1: THE REAL GAME HAS BEGUN

6.8K 301 4
                                    

A S H E

"Let the game, BEGIN."

'Yun na ang huling salitang narinig namin at hindi na nasundan pa. Patuloy parin sa pag-panic ang mga tao.

"Ilabas niyo kami dito!" mga kadalasang sigaw nila. Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Sinasabi ko na nga ba may kinalaman dito ang masamang kutob ko kanina. Bakit? Bakit nila ginagawa sa mga tao 'to? Ginawa nila kaming parang laruan! Mga walang magawa!

Sinubukan kong sugatan ang sarili ko at ikinagulat ko ang mga nangyari.

"Argh."

Naramdaman ko na this time. Nagsimula na ring lumabas ang dugo. Hindi ko alam kung totoo ba 'to o ilusyon lang pero 'yung naramdaman ko, totoo.

Napatingin nalang ako sa gilid ko nang may nakita akong batang umiiyak. Pati isang batang walang kamalay-malay napunta sa ganitong sitwasyon. Walang kamalay-malay na ang nilalaro niya pala ay ang magdadala pa sa kanya sa kapahamakan.

Niyakap ko siya kaya mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"A-ate anong nangyayari? Ano 'yung sinasabi ng GM kanina? Gusto ko ng bumalik kila mommy at daddy!" nanginginig na sabi niya.

"Sshh... sshh... tama na. Wag ka ng umiyak. Makaka-alis din tayo dito. Walang magagawa kung iiyak lang tayo. Lalaban parin tayo katulad ng pakikipaglaban natin sa tuwing tayo ay naglalaro. Isipin natin na normal lang ang lahat. Lalaban tayo ng malakas at matapang. Kakayanin natin 'to." sabi ko sa kanya sabay pagpatak ng luha ko.

Aalamin ko kung sino ang nasa likod nito. Hahanapin ko siya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at humarap sa kanya ng nakangiti. Gusto kong ipakita sa kanya na kailangan maging matatag. Magiging maayos din ang lahat.

"Nakikita mo ba ako? Hindi ako natatakot diba? Gayahin mo ako. Lalaban tayo ng malakas. Wag kang matatakot. Lagi mong tatandaan na walang maitutulong sa iyo ang pag-iyak. Sasakit lang ang mata mo." napatawa ko siya sa sinabi ko. Kahit papa'no medyo nabawasan ang takot na nararamdaman niya.

"Naiintindihan mo ba?" dugtong ko.

"Opo ate. Magpapakatatag po ako." sabi niya.

"Gagayahin ko po kayo ate. Pro-gamer ata 'to." naalala ko ang sarili ko sa sinabi niya. 'Yan din ang lagi kong sinasabi sa sarili ko pero hindi ako sigurado kung kaya ko bang panindigan 'yun dito ngayon. Mararanasan kong masaktan sa mismong balat ko. Sa mismong katawan ko. Di ko alam kung makakayanan ko ba ang bawat sakit na mararamdaman ko ngayong nangyari na ang lahat na kahit kailan di ko pinaniniwalaan at inaasahan.

Tumingin ako sa kanya ng diretso at ngumiti.

"Tama. Isipin mo lang lagi na isa lang itong laro. Mananalo ka kung gugustuhin mo. Mabubuhay ka kung gugustuhin mo. Ipangako mo sa akin na kapag natapos na ito, magkikita pa tayo." sabi ko habang nakahawak sa balikat niya.

"Opo ate. Pangako." sabi niya.

"Good." sabi ko.

Napalingon ako sa lalake na naglakas-loob nang nagsalita.

"Hindi tayo pwedeng magpadaig dito. Hahanapin natin kung sino ang may pakana nito. Hindi tayo pwedeng mawalan ng lakas ng loob! Babalik tayo dahil may mga pamilya tayong naghihintay sa atin. Hindi natin ito hahayaan! Lalaban tayo! Mabubuhay tayong lahat!" sigaw niya. Iniisip ko na kaya niya ginawa iyon dahil para mawala ang takot ng mga tao.

"Tama! Lalaban tayo!" sang-ayon naman nila.

Nagkakaisa na ang mga tao dito. Yung iba nagsama-sama. Nagbuo ng isang grupo. Masaya ako kasi kahit papaano, nagkaroon sila ng lakas ng loob para lumaban at di sila nagpalamon sa mga takot nila.

Umalis na ako sa lugar na 'to. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Akala ko magiging masaya lang ang lahat. Na laro lang ang lahat. Iba na pala talaga ang pakiramdam kapag ikaw na mismo ang nandoon. Tinatakbuhan ka ng lakas. Syempre iniisip mo kung makakaligtas ka ba. Takot akong mamatay. Di ko pa naman na-experience ang lumaban ng totoo. Oo malakas ako sa laro pero mahina ako sa katotohanan.

Huminto lang ako sa pagtakbo nang makaramdam ako ng pagod. Fvck this world!

Pumasok ako sa isang sulok. Para akong isang bata na naliligaw at umiiyak dahil hindi alam kung ano na ang gagawin. Para akong mababaliw dahil di ko alam kung nasa harap ko na ba ang kapahamakan. Na anytime pwede akong mamatay.

Pero hindi pwedeng huminto nalang ako. Na hanggang dito nalang ako. Hindi ako magpapalamon sa takot. Hindi ko hahayaang mamatay ako ng ganun lang kadali. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Magiging arkitekto pa ako.

Pinindot yung blue button sa harap ko. Ganun parin wala namang nagbago. Maliban nalang sa na-reset ang lahat. Yung level ko, lahat ng mga items, gears at weapons ko na naipon ay nawala. Back to square one lahat.

Even 'yung log-out button.

Talagang di na nga kami makakaalis dito. Baka totoo nga yung sinabi nung game master. Kapag napatay kami dito, patay na rin kami sa totoong buhay. Hindi 'yun pwede dahil hindi ko naman 'yun hahayaan. Hindi ko hahayaang magpatuloy lang ang mundong 'to.

Nandito rin kaya si Kuya? Hindi niya alam na pinasok ko ang FWO. Alam kong magagalit siya kapag nalaman niya.

Hindi rin pwedeng malaman ni Wish na nandito ako. Alam kong pagsisisihan niya ang pagpupumilit sa akin dahil alam kong ayaw niya akong napapahamak. Ganun-ganun lang ang kaibigan ko pero sobra siya mag-alala sa akin. Ayaw niyang nakikita akong nasasaktan.

Tiningnan ko ulit 'yung inventory ko. Kamusta na kaya yung itlog doon? Hindi ko na tinuloy na i-check dahil mas may importante pa akong dapat asikasuhin. Hindi dapat nila malaman na nandito ako lalo na si Wish.

Ano nang gagawin ko?

Naalala ko na! Hindi ko pa pala natitingnan yung log-in gift ko. Kung ano man 'yun, sana makatulong sa problema ko.

Pumunta ako sa mailbox at hinanap yung gift. Pagka-click ko, nag-appear agad 'yung item sa harap ko. Muntikan na nga siyang mahulog dahil di ko nasalo. Aish! Ashe naman eh. Bakit di mo agad hinanda yung kamay mo?

Hmm... ano kaya 'to? Nakabalot siya sa kulay red na tela. Bubuksan ko palang sana iyon nang may narinig akong malakas na pagsabog.

Ano yun?! Nagsimula na ba?!

Sisilip palang sana ako nang mapaatras ako dahil may mga nagtatakbuhang mga tao.

Halos bumagsak ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kung dati natutuwa pa ako sa kanila pero ngayon hindi na. Napaatras nalang ako at napatakip sa bibig ko. Pinipigilan ko ang sarili kong makalikha ng ingay.

All I know is, isa-isa nang pinapatay ng mga dambuhalang halimaw ang mga tao. They're screaming to death.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ako. I want to help but I can't move. Para akong binabangungot.

"Kahit anong oras, anuman ang mangyari dapat maging matapang ka. Ikaw pa pro-gamer ka diba?"

"Syempre kuya. Tatandaan ko yan. Salamat kuya sa lagi mong pagpapalakas sa akin!"

Bigla namang nagflashback sa akin ang mga words of courage sa'kin ni Kuya. Siya lang ang laging nagpapalakas ng loob ko. Siya lang ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay.

Humawak ako sa pader at pinilit na tumayo.

"Ano bang dapat kong gawin?"

Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil wala akong weapon. Hindi rin naman ako pwedeng sumugod nalang basta-basta.

"Kadayaan naman 'to."

Siguro duwag ang gumawa nito. Dapat patas lang siya. Dapat hinayaan muna niyang makakuha ng sandata ang mga tao bago siya magpalabas ng mga lintek na halimaw na yan. Bwiset.

Naisipan kong manatili nalang muna dito. Kailangan kong makaisip ng paraan. Hindi rin ako pwedeng magtagal kasi malaki din ang chance na matagpuan na ako ng mga kalaban dito.

Maya-maya, nagulat nalang ako nang may kumalabit sa akin. Nilingon ko kaagad.

"Wa---" sisigaw palang sana ako pero naunahan niyang takpan ang bibig ko.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon