Kabanata 21

194K 5K 4.9K
                                    

"Mommy! Daddy is here!" sigaw ng anak ko pagkapasok niya sa kwarto. Nagliligpit ako ngayun ng mga laruan niya.

"Sige, anak. Tatapusin ko lang 'to" sabi ko habang abala sa pag-aayos ng mga laruan niya

I heard him sighed kaya naman napabaling ako sa kanya. When I looked at him, he looked so sad with his lips pouting.

"okay, sasama na ako" sabi ko at nilapitan siya. Agad siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

He was so excited while holding my hand as we make our way to the living room.

Nakita namin si Thaigo na kakapasok lang at may hawak itong malaking paper bag.

"Daddy!" Thairon enthused and let go of my hand. Tumakbo siya sa kanyang ama at mahigpit itong niyakap.

He was always like this, palagi niyang inaabangan si Thaigo kapag umuuwi ito galing sa trabaho.

"How are you?" dinig kong wika ni Thaigo ng kumalas ito sa pagkakayakap ng anak namin

"I'm good!" Thairon said and his eyes went to the paper bag that Thaigo is holding " Sa akin po ba 'yan?" napatingin si Thaigo sa hawak niyang paper bag at nginitian si Thairon

"Yes"

"Wow!" Agad itong kinuha ni Thairon at binuksan. Nakita ko ang pagkamangha at tuwa sa mata ng anak namin. Kinuha niya ang bagong laruan niya at lumapit sa akin.

"Mommy, look! I have a new toy!" masiglang wika ni Thairon habang pinapakita sa akin ang laruan niya

Yumuko ako at hinaplos ang buhok niya "Ang ganda" sabi ko " Say thank you to your Daddy" he nodded and went to Thaigo. Sumunod naman ako.

"Thank you, Daddy"

"You're welcome, Son" sabi ni Thaigo at binuhat ang anak namin at hinalikan ito sa kanyang pisngi. Nang magtama ang mga mata namin ay nginitian ko siya but he didn't smiled back.

"kumain na kayo?" tanong niya sa akin

"h-hindi pa"

Napatingin siya sa kanyang relo at nagsimula siyang maglakad patungo sa kusina habang karga si Thairon.

"Let's eat" malamig niyang wika ng lagpasan niya ako. Napabuntong hininga lang ako bago sumunod sa kanila.

Our son is already 5 years old. Maayos naman ang pagsasama namin ni Thaigo sa nagdaang mga taon, nagkaayos kami pagkatapos ng away namin noon kay Axel pero pagkatapos nun ay parang bumalik ang dating siya, the old Thaigo that I first met. He's always been cold to me. Hindi kami gaanong nag-uusap, mostly ang mga conversation lang namin ay katulad nung kanina, tatanungin niya lang kung nakakain na kami, minsan tatawag siya sa akin para kumustahin si Thairon pero tungkol sa akin wala. Parang umiikot lang ang mundo niya sa anak namin.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso ako sa kwarto namin habang sina Thaigo at Thairon ay naglalaro sa sala. Gustuhin ko mang sumali sa kanila pakiramdam ko ma a-out of place lang ako.

Pagka graduate ko ay nag focus na ako sa pag-aalaga kay Thairon noong baby pa siya, hindi narin ako nakipag kita kay Axel at huminto na ako sa pag tatrabaho para mabantayan ko ng maiigi si Thairon. Paminsan minsan o tuwing weekend pumupunta ako sa coffee shop na pag mamay-ari ni Tita Andrea, niyaya niya kasi ako na bumisita dun paminsan minsan para hindi daw ako mabagot dito sa Mansyon. Tumutulong ako sa pag be-bake at pag se-serve ng mga orders dun minsan.

Nandito ako ngayun sa terrace habang nakatingala sa langit. I can't help but reminisce the good old days with Thaigo.Noong pinagbubuntis ko palang ang anak namin. He was so sweet and caring.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon