CHAPTER 24

488K 19.8K 15.2K
                                    


NAKAKAHUMALING.

Ganiyan ang pakiramdam sa ilalim ng mga nakakatunaw na haplos at halik ng propesor. Ang pakikipagtalik sa kaniya ay tiyak na ikasisira ng katinuan ng kahit sinomang babae. Tila ba bawat ulos niya ay kalkulado, at alam na alam niya kung aling parte sa'yong pagkababae ang magpapahina sa mga tuhod mo.

Oo. Masaya sa pakiramdam ang makapiling siya sa kama. Ngunit pagkatapos ng bawat gabi ay malungkot akong naglalakad pabalik sa'king kuwarto.

Nang marating ang aking silid, inangat ko ang kumot at nagtago ako sa ilalim nito habang mahigpit na nakayakap sa'king unan. Nilalabanan ko ang pagtulo ng mga luha kong wala naman sa lugar.

"H-Hindi naman kayo, Fift... Huwag kang umasa ng kung ano-ano..." humihikbing paalala ko sa'king sarili.

Nginudngod ko na lamang ang mukha ko sa unan at hinayaang sipsipin nito ang mga luha ko.

Kung anong init ng katawan ng propesor, ay gano'n naman kalamig ang kaniyang pagtrato... kasing lamig ng yakap-yakap kong unan.

***

BUMISITA si Xalvien isang araw. Napapabuntong-hininga siya habang isinasampay ang mahabang tsaketa sa coat hanger.

"Good morning, Xalvien," magiliw na bati ko na tinugonan niya ng biglaang pagngiti.

"Good morning, Fift." Kapansin-pansin na medyo problemado ito at pilit lang ang ngiti para hindi ako pag-alalahanin.

Dumiretso ang doktor sa kuwarto ng propesor. Ano'ng meron?

Hindi man ako ang ilaw sa tahanang ito, gusto ko pa ring maging galante sa mga bisita kaya naghanda ako ng merienda para sa doktor at propesor.

Dinala ko ang tray ng mga cupcake papunta sa kuwarto ni XV nang marinig ko ang kanilang malakas na sagutan.

"Bakit mo sinabi kay Fift?" May galit sa tono ng professor ngunit kalmado niya itong binigkas.

Mariin din ang pagsagot ni Xalvien. "Because I know she can help you. Malakas ang kutob namin ni Xantiel na siya ang makakaligtas sa'yo."

"Did you tell her everything?"

"N-No..." Biglang humina ang boses ng doktor.

"Then you're being biased, Xalvien."

"Because I don't believe in the rest, Xildius!" giit ni Xalvien. "Hindi ako naniniwala roon kaya hindi ko na kailangang sabihin pa iyon."

"Then you're influencing her mind!" may pagkamalakas na usal ng propesor.

"No, I'm triggering her memories!"

"You can't trigger any memory if she's not the girl." Narinig ko ang marahas na pagsinghal ni XV. "Let's not drag Fift into this mess... Marami na siyang pinagdadaanan."

"At least give her a chance, XV."

I heard Xalvien's footsteps hastily walking towards the door. Umalis agad ako sa may pintuan at nagtago sa malayo. Nakita ko siyang lumabas at dumiretso na siya paalis ng Villa Vouganville.

What the hell was that conversation about?

Napatingin ako sa mga dala-dala kong cupcakes. Sayang naman kaya bumalik ako sa may kuwarto ng propesor para alukin siya nito.

"Cupcakes?" nakangiting alok ko sa may pintuan.

"Do I look like I eat cupcakes, Salustiana?"

Bad timing yata ako.

Sinarado na ng masungit ang kaniyang pintuan at naiwan ako roong nakanganga.

Bumalik ang tingin ko sa dala kong pagkain. Oo nga naman. Napakalayo sa imahe ng propesor ang pumatol sa mga cute na bagay tulad ng cupcakes.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon