Kabanata 29

92.4K 3.1K 2.5K
                                    



Kabanata 29:



Palingon-lingon sa akin si Giana habang nasa hapag-kainan kami at nag-aagahan. Tuwid ang aking upo habang nasa kabisera at sumisimsim ng mainit na kape. Sa aking kanan ay nandoon si Gael, katabi si Gideon habang sa aking kaliwa ay si Giana at Gavin.

Tahimik kaming kumakain, ngunit puna ko ang pagsulyap niya sa akin.

"Giana, pass me the sauce, please," ani Gideon.

"Ay maryosep magkamukhang sauce!" gulat na sigaw ni Giana sabay tuptop ng kamay sa kaniyag bibig.

Natigil ako sa aking pag-inom, unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanila.

"Huh?" takang tanong ni Gavin.

"Hehe, wala. Ito po ang sawsawan, Kuya." Nanginginig pa ang kanyang kamay na inabot iyon sa Kuya, nagtama ang aming mata bago bumaba ang tingin niya kay Gael.

Kinagat niya ang ibabang labi pero sa huli ay nagsalita rin.

"B-Bunso, alam mo may kamuka ka, hehe. Kamuka mo si Angkol, hindi po ba inay?" mabilis na bulalas niya, mukhang hindi na napigilan ang kanina pa gumugulo sa kaniyang isip.

Inaasahan ko na iyon, kilala ko na si Giana. Sa daldal niya ay paniguradong hindi niya kakayanin na ilihim ang nakita niya kagabi, kahit isang araw lang.

Baka nga napaginipan niya pa iyon kagabi.

"Angkol?" Gideon asked curiously, with his own accent.

I licked my lips and looked at Gael, who was enjoying his breakfast without a care in the world.

Inosente siyang ngumiti sa amin nang mapansin nakatingin na kami sa kaniya, kita ang bungi pang ngipin.

Nagpapa-cute.

"Oo, Kuya Gideon. Madilim ngunit kitang-kita ng aking dalawang bilugan na mata sa labas kagabi. Hindi po ba, Inay? Hindi ako maaaring magkamali. Akala ko nga'y namamalik-mata lamang ako, ngunit hindi! Sigurado akong hawak-kamay pa nga sila ni inay hehe, with kiss!" excited na bulalas pa niya.

Suminghap ako dahil sinabi niya.

"Mommy, me too! I want kiss!" Gael pouted.

Hindi pa man ako nakakabawi ay yumuko na ako upang halikan siya sa labi, humagikgik pa siya bago bumalik sa pagkain.

Nagtatakang nakatingin sa akin si Gideon at Gavin, si Giana naman ay ngiting-ngiti.

Tumikhim ako, walang balak magpaliwanag tungkol sa bagay na iyon lalo't sa harap ni Gael.

Siguro maiintindihan ni Gideon, pero ang dalawa ay hindi ko sigurado.

"I'll tell you next time," pagtatapos ko sa usapan na iyon.

Hindi naman na muli silang nagtanong sa bagay na iyon.

Pagkatapos ng almusal ay tumawag naman si Mommy at Daddy upang kumustahin ang tinatrabaho ko rito sa Pampanga, mukhang nakarating na rin sa kanila ang balita tungkol sa nangyari kahapon na sagutan sa meeting sa Manila.

I told them that it wasn't a big deal and I signed the contract.

Nasabi nilang nasa Cagayan pa rin sila ngayon, tinanong ako kung nagkausap na kami ni Kuya Maddox sinabi kong hindi, akala ko nga ay alam na nila ang tungkol sa mga ginagawa ko sa Lavelle ngunit wala naman silang nabanggit.

Hindi rin sasabihin ng mga guards iyon, takot lang nila sa akin.

Nang sumapit ang hapon ay nag-asikaso ako papunta sa hacienda Lavelle.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon