Kabanata 32

19.6K 1.1K 225
                                    

Kabanata 32

Itigil

Akala ko kaya ko.

Akala ko kaya namin.

Sinabi niyang ayaw niya bumitaw sa aming dalawa... sa akin. Umasa ako. Ayaw ko rin naman siyang bitawan sa kabila ng katotohanang malaki ang atraso ko sa kanila ng pamilya niya.

Nang sabihin niyang gusto niya pa ituloy ang relasyon namin, matindi ang pag-aalinlangan sa puso ko. Paano kung hindi naman siya seryoso at gusto niya lang ako gantihan? Paano kung may balak lang siyang gamitin ako para makapaghiganti kay Mommy?

Whatever the reason might be, we are still hurting each other. Bumitaw man o hindi, nagkakasakitan pa rin kami. Mahal man namin ang isa’t isa, hindi pa rin sapat para umakto kaming bali wala lang ang lahat. Na puwede kaming bumalik sa dating kami.

I wish we could stay as Nero and Isha and not as Reon and Visha forever.

Sa gitna ng maliwanag na buwan at mga bituin, naglakad ako sa damuhan at tinunton ang daan patungong kubo. Pasado ala nuebe na at tulog na halos ang mamamayan ng Santa Fe. Wala nang makakakita sa akin kung sakali.

Wala rin namang ilaw sa kubo. Hindi ako papasok doon at tanging sa upuan na gawa sa kahoy lang mauupo.

Mabigat ang dibdib ko nang makarating. I breathed in and filled my lungs with fresh air. Sinubukan kong kalmahin ang sarili, hindi na gustong umiyak pa pero sa mga nakalipas na araw, naging mahirap ‘yon.

Naupo ako sa silya at itinuon ang mga palad doon habang tahimik na lumilinga. Dumapo ang mga mata ko sa bandang dulo kung saan naroon ang talahiban na naging simula ng paglalapit namin ni Nero.

“Puwede kang umihi diyan.”

“Nagbibiro ka ba? Kung may makakita sa akin diyan? At saka baka mamaya ay mas ahas at tuklawin ako!”

Hinarap niya ako, taas ang isang kilay.

“Walang ahas riyan. At lalong walang makakakita sa’yo. I’ll also cover you.”

“Seryoso ka talaga?”

Umangat ang gilid ng labi niya. “Seryoso po.”

Tila may punyal na bumaon sa dibdib ko nang maalala ang eksenang iyon. I can still remember how embarrassing that was but Nero made me feel that it’s fine. Na natural lang naman na abutan ako ng pagkaihi sa ibang lugar. I was glad that he was there to make a way for me.

Hindi ba at nagpagawa pa nga siya ng banyo para sa akin? Kasi ayaw niyang mangyari ulit ‘yon at doon muli ako umihi. He doesn’t want that to happen for someone might see me.

I tried to swallow the lump in my throat as soon as our bittersweet memories came crushing down my head. Sandali lang ang naging relasyon namin pero pakiramdam ko, ang dami na naming pinagsamahan. Pakiramdam ko, kilala ko na siya ng higit pa sa kahit na kanino.

Huminga ako nang malalim at awtomatikong napatingin sa kaliwang gilid matapos makita ang liwanag doon. A car’s headlight was somehow illuminating the dark road. Kahit sa malayo ay tanaw kong kulay itim ang sasakyan. Nasisiguro ko na sa kaniya ‘yon.

Bumukas ang driver’s seat. My heart thumped aggressively when Nero got out of the passenger seat. I saw how his head move towards to where I am.

Dinig na dinig ko ang pagkalabog ng pintuan niya at ang paglalakad niya patungo dito.

It makes me wonder why he brought the car here. Alam ko kung gaano niya kaayaw na malaman ng iba ang totoong estado niya sa buhay. Pero baka naisip niyang tulog na ang mga tao at wala nang makakakita pa sa kaniya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon