Chapter 1- The meeting

34 1 0
                                    




It's just a normal afternoon when the girls started to plan a 'girlsg dayout'. At napag-usapan nilang isang sasakyan nalang ang dadalhin. Di naman problema ang pagsusundo sa isa't-isa dahil iisang subdivision lang naman sila nakatira.

On the way sa mall~

"Girls mag co-college narin tayo!"excited sa wika ni Hanny Rhain Santos o "Hanny" for short. Sya ang maingay sa grupo. Maganda, Volleyball player noong high school at nag pa-planong sasali sa varsity sa bagong school na lilipatan.

"Oo nga! Sana magkaroon tayo ng maraming friends doon." Sheina Venice Rivera aka "Ven" , sya ang ate-atehan sa grupo. Positive Thinker, Mapag-kumbaba, may dalawang bunsong kapatid. Sya ang "MISS BEAUTY and Brains" kaya palaging pinapasali ng mga kaibigan sa mga school pageants. Passion nya ang pag pipinta at sa edad nyang 16 ay naka pag exhibit na rin sya sa tulong nang inang isang sikat na pintor sa bansa.

"And take note baka may maraming pogi dun!" Celestine Antonette Gomez aka "Cel". Sya ang playgirl pero NBSB dahil masyadong mapili sa lalake. Dahil naniniwala sya sa motto nyang "Collect boys and then SELECT" She prefers photography as her hobby.

"Paano? Eh alam mo naman na kaklase natin ang kambal nitong si MJ! Over-protective sa kapatid kaya walang naglalakas loob na manligaw. Di na nga makalusot sa kakambal may reserba pang dalawang kuya!" maktol ni Gabriella Marie delos Reyes o "Gabby". Sya ang reklamador sa magkakaibigan. Nag-iisang anak na babae kaya sobrang spoiled sa mga magulang. Perfectionists din sya kaya walang tumatagal na boyfriend dito dahil lahat may pinupuna.

"And let me remind you girls na schoolmates din natin mga kuya nyo" puna ni Hanny kina MJ at Ven. Only child lang kasi si hanny pero bantay sarado naman sa mga kuya ng kaibigan.

They started as friends nung pre-school sila. Naging magka-klase at parating magkasama tuwing weekends dahil iisang subdivision lang naman sila nakatira. Up until now kaya masasabi nilang kilala na talaga nila ang bawat isa. Di narin sila iba sa kani-kanilang pamilya.

"Girls mag au-audition tayo sa cheerleading ha?" yaya ni Celestine kina MJ at Gabby. Si Ven kasi ay mag a-arts club at sa volleyball naman si Hanny.

"Si ate Ashley naman ang current cheer captain diba? So paniguradong pasok kayo lalo na si MJ na former captain sa school natin noon." Ven

"Oo pero sabi ni kuya Mikael mahirap daw magpa audition si ate" wika ni MJ. Si Mikael ay nakatatandang kapatid  ni MJ na bf ni Ashley.

"Mamaya na yan guys, nandito na tayo oh" pag-bibigay alam ni Gabby

"Pero sure na yan girls! Kayo pa? walang panama yung iba sa inyu" pag e-encourage ni Ven.

"MJ papahintay po ba kayo? O pasusundo nalang kayo mamaya?" Mang Ben. Driver nila MJ since then kaya di na nya tinatawag na mam si MJ at tsaka ayaw rin ni MJ na tinatawag syang ganuon.

"Tatawag nalang po kami mamaya Tay Ben para di kayo mainip dito" sagot ni MJ

"Sige sige, Ingat kayo ha? Tawag lang kayo sa bahay pag may emergency."

"Opo" sabay nilang sagot

Pagpasok sa MALL~

MJ

"Girls san tayo first? Salon? NBS? BOTIQUE? Ano?" tanong ni Ven

"SALON!" sagot ng lahat at tsaka nag-apir

At lumakad na kami sa suki naming salon na nasa first floor lang. Habang naglalakad ay di  maiwasang mapatingin samin ang ibang tao. Di naman sa nagyayabang pero may ibubuga din naman kaming lahat pagdating sa ganda. May ibang lalaki din na nagpapa cute pero dedma lang.

"Papasok na kami sa entrance ng salon ng may nakabangga ako.

"Girl lookout!" sigaw ni cel pero huli na, pero buti nalang may nakasalo sa kanya kaya di sya natumba. Muntik na syang maki pag lips-to-lips sa sahig.

"Tsk! Stupid! " bulong lang sana yung last part pero dahil magkalapit lang sila ay narinig parin ni MJ.

"Sorry ha pero kung umiwas ka rin naman di rin kita mabubunggo no!" inis na depensa ko

"But still your fault miss-" di natapos na sabi ng lalaki ng may sumingit na babae na mukhang kasama nito. Infairness maganda sya at kita ring mayaman dahil sa ayos at kutis nito.

"Oli that's enough!" saway ng magandang babae

"BUT-" protesta nito sabay tingin sa kasama

"NO! Let's go! Kanina pa naghihintay sila mommy sa parking." Sagot nito sa nag po-protestang lalaki na mukhang kapatid nito pagkatapos ay tumingin sa akin. "Pasensya na Miss sa kapatid ko" hinging paumanhin sa akin na tinanguan ko lang. Sumenyas ito na aalis na sila kaya tumango ulit sya.

Umalis na ang magkapatid pero ni lingon ay walang ginawa ang lalaki.

"Oh lala! Gwapo sana walang manners naman!" naiinis sa wika ni Gabby

"Oo nga! Sayang talaga pero ang ganda nung ate ata, tiklop yung kapatid eh!hahaha" saad ni Hanny at pumasok na sila sa loob.

Tahimik lang akong sumunod sa kanila. Di parin ako maka get over sa pag su-suplado nung lalaki kanina. Sayang nga, pogi sana masama naman ang ugali. Tsk! Nakakainis talaga!





~~~~~~~~~~ Got a problem? please comment it down for revisions! HAPPY READING :) Sorry maikli lang. Bawi ako soon

When A Guy falls In LoveWhere stories live. Discover now