36th Ruled

40.7K 1.7K 1.8K
                                    

Ruled

Mixed

I never wished of seeing him here. Sa taong nagdaan, wala akong naisip na kahit ano tungkol sa nakaraan ko. I don't want to see all of them.

And everytime I see him, para akong nahihila pabalik sa nakaraan.

A doorbell made me stop from thinking about it. Kanina ko pa hinihintay ang pagkain lalo na't gutom na rin si Illisha kaso hindi pa dumadating kaya sigurado akong iyon 'yon.

Sumilip ako sa maliit na butas ng pinto ngunit nagtaka kung bakit wala siya roon sa harapan. He didn't come in?

Binuksan ko ang pintuan at sinilip ang harapan ng gate ngunit nagulat nang nakadapa ito sa sahig, kita ko ang mukhang namimilipit sa sakit habang nasa ibabaw niya si Hiro, hawak ang mga kamay sa likuran at ang isa naman ay sa ulo.

Oh my God! He pinned him down!

Tumakbo ako papalapit. Isang tulak sa pinto ng gate na hindi ko ini-lock at lumabas agad.

"What are you doing?!" Hinila ko si Hiro paalis sa kanya.

"He's trying to get in—"

"Coz he's delivering food for me!" putol ko at tinulungan ang lalakeng makatayo.

"Pinaliwanag ko nga po, Ma'am... Na routine ko iyon kaso hindi naniwala. Nagulat ako nasa sahig na po ako. Bodyguard niyo po?" deri-deritsong tanong ng lalake at may dumikit pang maliliit na bato sa mukha.

Nagtangka akong kunin iyon at tumulong sa pagpapagpag sa kanyang nadumihang katawan. Hiro pulled my arm away from him. Ang ambang tulong ay hindi natuloy. Inilagay niya ako sa kanyang likuran, na para bang hindi pa rin siya naniniwala kahit nagpaliwanag na.

"Totoo 'yon," giit ko lalo na't seryosong seryoso si Hiro nang hagurin ito ng tingin.

Nilingon ako ni Hiro. His face calmed down. Ngunit nang ibalik sa lalake, delikado na naman ang tingin.

"Magdoorbell ka. Hindi 'yung papasok ka—"

"Ako ang nag-utos na ganoon," singit ko.

Dahan dahan ang lingon ni Hiro. Hindi niya na ako hawak. Gusto ko sanang lapitan ulit ang lalakeng nagpapagpag sa kanyang katawan kaso sa katangkaran ni Hiro na humaharang sa akin, parang hindi ko magagawa.

I remembered those past days he used to do this. Noon ay siya lagi ang nasa likuran ko. Noon, tatayo siya sa gilid at tahimik na manonood. Ngunit ngayon, dito niya ako inilagay. Na dito na ang posisyon ko.

He's like a tower. Napansin kong nag-iba na ang kanyang katawan. Tama lamang ang kanyang kalakihan ngunit alam mong malakas siyang tingnan lalo na't sobrang tangkad din.

I tilted my head so I can see the delivery man infront of him.

"Ayos ka lang?" I asked.

Nagkasalubong ang kilay ni Hiro ngunit dahan dahang inalis ang tingin sa akin at ibinalik sa lalake.

"Kamuntik mabali ang buto ko sa katawan pero... ayos lang po, Ma'am!" he smiled and tried to find my eyes but Hiro covered it immediately.

"Mata mo," parang nagbabanta na naman.

Tumuwid ng tayo ang lalake at parang robot na napag-utusan kaya natakot nang gumalaw sa kinatatayuan.

I sighed and shook my head. Hindi talaga nagbabago ang isang 'to.

"Let me see your ID," si Hiro na demanding.

"Yes Sir!" ang lalake na natatarantang kinapa ang bulsa at desididong ibigay ang hinihingi.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon