Kabanata 23

200K 6.3K 3.2K
                                    

"Mommy, wake up"

Nagising ako ng marinig ko ang boses ng anak ko.

Minulat ko ang aking mata at agad siyang nginitian.

"Good morning" I said and extended my arms for a hug. Agad siyang lumapit at niyakap ako.

"Why did you sleep here? nag-away ba kayo ni Daddy?"

Dito ako natulog sa kwarto niya kagabe pagkatapos naming mag-away ni Thaigo.

Bumangon ako. " Mag c-ccr lang ako ah" sabi ko, inignora ang tanong niya.

Umupo siya sa kama " Please be fast. Daddy is waiting"

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi pa nakakaalis si Thaigo? Anong oras na ba 'to?

"okay" sabi ko at binuksan ang pinto ng banyo.

Pagkababa namin ay nakita ko si Thaigo sa Dining area. Nakabihis na siya at mukhang hinihintay kami.

Umupo si Thairon sa tabi ko, bale napapagitnaan namin siya ni Thaigo. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin pero hindi ko 'yon pinansin.

Kaunti lang ang kinuha kong pagkain dahil wala akong gana.

Habang kumakain kami ay napansin ko ang pag sulyap ni Thaigo sa pinggan ko, hindi ko napigilang tingnan siya pero agad niyang iniwas ang kanyang tingin. Tahimik si Thairon sa pagkain pero panay din ang pagsulyap niya sa amin. Nagtataka siguro kung bakit hindi kami nag-uusap ni Thaigo.

Nakita ko ang bowl na may konting cereals sa gilid ng pinggan ni Thairon. Siguro ay kumain na ito kanina.

"I'm finished" sabi ni Thairon at kinuha ang kanyang bag.

Mabilis kong inubos ang natirang pagkain sa pinggang ko at tumayo. Mga nasa tatlong kutsara lang siguro ang kinain ko.

"Hatid na kita sa labas, anak" sabi ko at nilapag ang aking baso

"Ako na maghahatid sa kanya, Ma'am. Tapusin niyo na lang po ang pagkain niyo" sabi ni manang Isabel

"Tapos na po akong kumain"

Napaangat ng tingin sa akin si Thaigo

"Po?" Parang hindi naman makapaniwala si manang Isabel sa sinabi ko. Napansin niya rin siguro na konti lang ang kinain ko.

"Opo-"

"Manang, pakihatid na si Thairon sa labas" seryosong wika ni Thaigo.

Lumapit si Thairon sa kanya at niyakap siya " Bye, Dad" hinawakan ni Thaigo ang braso niya, ako naman sunod ang niyakap niya " Bye, Mom" sabi niya habang nakayakap sa aking leeg.

"Bye"

"You and Daddy should talk" bulong niya sa akin bago lumapit kay Manang Isabel

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ang mature mag-isip ng anak ko.

Sorry anak pero, wala ako sa mood kausapin ang ama mo.

"Where are you going?"

Lalabas na sana ako ng magsalita siya. Umikot ako para maharap siya" Sa kwarto"

"Ang konti ng kinain mo"

"Busog ako" at tinalikuran ko siya

Hahakbang na sana ako paakyat sa hagdan ng may biglang humawak sa aking kamay.

Inis kong binalingan si Thaigo at inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Hindi nga ako kakain!" muli niyang hinawakan ang kamay ko pero agad ko iyong nilayo.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon