Chapter 17

509 20 2
                                    

Karina's POV

Umuwi na ko sa bahay namin. As usual, wala pa rin si ate nasa probinsya pa din. Si papa naman nito ko lang nalaman na nag abroad pala.

Hindi ko nalang sinabi sakanila ang nangyari samin ni Minjeong ayokong mag alala pa sila.

Yeji and Giselle keeps on checking me kasi wala akong kasama sa bahay. I told them na kaya ko naman. Sakto namang malapit lang pala si Ning dito samin. Bumibisita siya palagi sakin.

"Kumain ka na, Karina?" tanong sakin ni Ning. Tumango lang ako. Hindi na ako masyadong nagsasalita or nakikipag usap sa kahit na sino.

Dumating naman si Yujin sa bahay kasama si Yuna. May dala silang groceries.

"We bought you groceries good for two months na din." masayang sabi ni Yujin saka inilagay sa refrigerator ang mga ito at iniayos naman ni Yuna ang iba sa cabinet sa may kusina namin.

I sighed "Guys, you don't have to do that... Nagkautang pa ko sainyo..."

"Karina, just take it as our gift." sagot naman ni Yujin at tumango naman sila Ning at Yuna. Wala na din naman akong nagawa. Pumasok nalang ako sa kwarto para magreview. I still have two exams.

May nagnotif naman sa phone ko. Tinignan ko ito. Someone just sent money sa bank account ko? Who would do such thing? Imposible namang si Minjeong, wala na siyang pakealam sakin. I blocked her in all of my social media accounts. Malabong si ate at si papa ito dahil sasabihan muna nila ako.

May kumatok naman sa pinto ng kwarto ko "Karina?" it's Yujin.

"Bukas yung pinto." Pumasok naman siya at tumabi sakin.

"Hindi ka pa kumakain."

"Wala akong gana, Yujin."

"Pangalawang araw mo nang hindi kumakain." Sabi niya. Ang bilis naman, two days ago na din simula nang lokohin at pagsabihan ako ni Minjeong ng mga masasakit na salita.

"I miss her..." mahina kong sabi. Pinipigilan ko lang ang mga luha kong bumuhos. Bigla naman akong niyakap ni Yujin. Dun na ko napaiyak nang sobra. Miss na miss ko na talaga si Minjeong.

"Shhh... Maaayos din ang lahat. Trust me." sabi niya.

I hope so. Aasa ako na maaayos pa ang lahat.

"Hoy hoy hoy ano yan?" Pumasok na din si Yuna at Ning sa kwarto.

"Group hug!"

Niyakap nila akong tatlo. Natawa ako sakanila. Hindi ko sila ganun katagal na naging kaibigan pero feel na feel ko ang pagcacare nila sakin. Just like her.

Kinabukasan ay pumasok na din ako para itake ang last two exams ko. As usual hinahatid pa rin ni Ryujin si Yeji. Ang cute nila. Ganyan pa din sana kami ngayon.

Wala na din akong naging balita kay Minjeong. Ryujin told me hindi na pumasok si Minjeong after that day.

"Are you okay?" tanong ni Yeji sakin. Tumango lang ako.

I managed to take my exams kahit ang daming gumugulo sa isip ko. Need ko pa ring makagraduate after all.

Nakatapos na kami ni Yeji sa mga exams namin. We just need to wait for the grades and sa graduation namin.

"Karina, hindi ka ba kakain?" galit na tanong ni Yeji.

Napatingin ako sakanya "Wala talaga akong gana."

"Anong wala? Bawal. Ito one hundred bumili ka ng lunch mo!" Inabutan niya ako ng pera pero hindi ko pa rin ito tinanggap.

"Hi!" may babae namang umupo sa table namin ni Yeji. It's Lia.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now