Kabanata 34

23.7K 1.1K 302
                                    

Kabanata 34

Pagod

Tears keep on streaming down my cheeks while I was looking at my own mother. Gusto kong itanong nang paulit ulit sa isip ko kung tama ba ang narinig kong sinabi niya.

Stay with her and abort this child... or let it live and she will disown me? Seriously? Those are the most nonsense choices I have heard throughout my whole life!

“Are you really asking me to choose, Mommy?” Natawa ako sa kabila ng walang humpay na pagluha. “Seryoso ka po?”

“Do I look like I’m playing around?”

Muli akong natawa kahit pa ramdam ko na ang panghihina ng mga tuhod ko. Hindi madali para sa akin ang tanggapin na buntis ako lalo pa at sa ganitong sitwasyon ko. Lalo pa at wala na kami ni Nero. Pero hindi ibig sabihin ay gagawa na ako ng isang bagay na alam ko naman na hindi ko rin kayang gawin.

This baby is a blessing from above. Ayawan ko man o hindi, wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang tanggapin siya at mahalin. Ano pa man ang mangyari, dugo’t laman ko siya. 

I just can’t believe that in situations like this where I need my mother the most, she’s not there to support me. Hindi ko naman iaasa sa kaniya ang bata kung sakali. Gusto ko lang na gabayan niya ako sa bagay na ito dahil wala naman akong ibang sasandalan kung hindi siya lang.

“Gusto mong ipalaglag ko ang batang ito, Mommy? Dugo mo rin po ang nananalaytay dito at hindi lang ang sa mga Monasterio! Baka puwedeng iisantabi mo na ang galit mo sa kanila?  Baka puwedeng magpaka-ina ka naman sa akin kahit ngayon lang-”

Her palm suddenly landed on my cheek that made my head turn to the other side.

“Ma’am Sierra!” awat ni Yaya Shirley at dinaluhan ako.

Sapu-sapo ang pisngi, nilingon ko si Mommy na matalim na nakatitig sa akin.

“Hindi pa ba sapat na iniluwal kita sa mundong ito at naghahangad ka pa ng suporta mula sa akin-”

“Responsibilidad mo ang alagaan ako at mahalin ako! Bakit parang kasalanan ko pa na ipinanganak mo ako sa mundong ito? Sana pala ay ipinalaglag mo na lang ako kagaya ng gusto mong gawin ko dito sa anak ko-”

“I tried! I tried to kill you for I didn’t want to have a child! Bakit kita gugustuhin mabuhay sa mundong ito kung produkto ka lang naman ng ginawang pananamantala sa akin ng ama amo!”

Umawang ang labi ko, tila nanigas sa kinatatayuan. Umugong ang mga sinabi niya sa tainga ko. Hindi lubos na maintindihan ang mga salita niya.

“What did you s-say?” I laughed sarcastically. “I’m a product of what?”

She avoided my gaze and looked into somewhere else through his fierce eyes. I saw tears streaming down her cheeks and this is actually the first time I saw her crying.

Marahas niyang pinahiran ang pisngi niya at hinarap ako. My heart clenched when I saw sadness in her eyes. Mabilis rin ‘yon nawala at napalitan ng galit.

“If you want for that baby to live, then go ahead! Leave this house and forget that we are related to each other-”

“I am asking you, Mommy! What are you taking about that I am a product of Dad’s harassment against you?!” I shouted when I tried to walk near her.

Hindi ko inasahan ang naging galaw ni Mommy. Marahas niya akong itinulak dahilan para kamuntikan na akong bumangga sa pader. Mabuti ba lang at nagawa akong saluhin ni Yaya Shirley.

“I said leave this house! Ayaw na rin naman kitang makita dito! Please do me a favor, Seraphine...” She stepped towards me while staring coldly into my eyes. “Never come back again. Huwag ka nang magpakita pa ulit sa akin.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon