Chapter 18

474 21 0
                                    

Karina's POV

Hindi na talaga nagparamdam ulit si Minjeong. Kahit kila Yujin, wala din itong paramdam. Pero bakit ko pa ba siya iniisip? Inuto lang naman niya ako. Para saan? Para paasahin at saktan ako.

I shouldn't have believed her noon palang.

Kasama ko naman ngayon si Giselle sa mall. Hinila niya ako kanina papunta dito. I can't say no din naman since bihis na bihis siya at halatang excited.

Nagnotif ulit ang phone ko. Someone sent money... again. Ang weird na talaga nito. Hindi ko naman need ng pera since may ipon din ako kahit papaano. Yung unang padala sakin nang kung sino man, inilipat ko sa isa kong bank account. Tinatabi ko lang ito at hindi ko ginagastos.

"Karina!" pagtawag sakin ni Giselle. Namimili siya ngayon ng damit siguro susuotin niya sa graduation.

"Bagay ba sakin?" tanong niya.

"Oo! Bagay na bagay sayo." sagot ko.

"Hmmm okay I'll buy this. Bumili ka na din ng sayo, anything."

Umiling ako "Wag na saka nakakahiya naman..."

She patted my head "Sige na, please?"

I sighed. Pumayag nalang ako. Pinili ko yung pinakamurang makikita ko para hindi ganon kalaki ang babayaran ni Giselle. Kahit magkaibigan kami, may hiya pa din naman ako.

"Karina, pumili ka ng gusto mo hindi yung murang makikita mo."

"Pero—"

"No buts, we'll pay for it"

"We?"

"I mean, I'll pay for it." saka siya tumawa na parang nahihiya. Ang weird naman ni Giselle ngayon?

Binili na din namin yung gusto ko. It's a brown dress at nakuha nito ang atensyon ko kaya nagustuhan ko kaagad pero hindi ko gusto ang price niya. Giselle still insisted kaya umoo nalang ako sa kanya.

"I'll pay for it, someday."

"No need, Karina." sabi niya saka kinuha ang mga pinamili.

Pumunta na kami ngayon sa kainan. Naalala ko na naman si Minjeong. Dito namin siya nakita ni Giselle noon na kasama si Minju. Sana okay lang siya.

"Okay ka lang, Karina?" tanong niya

Tumango ako "Don't worry."

"Naaalala mo siya no?" Alam kong si Minjeong lang ang tinutukoy niya. Nararamdaman ko din namang pati si Giselle ay nag aalala kay Min.

"May balita ba kayo about her?"

"Wala e. Pumunta din ako sa kanila pero wala daw si Minjeong. Ilang araw na din daw hindi nauwi." She sighed

Naluluha na naman ako "Uy Karina, ayos ka lang? Ito panyo oh."

Kinuha ko yung inaabot niyang panyo sakin. I can't help it. Nagiging mahina ako pagdating sakanya.

"Ganun ba ako kadaling lokohin, Giselle?" bigla kong tanong sakanya na ikinagulat niya.

"I thought mahal na mahal niya ako... Her actions would never lie, naramdaman ko yung pagiging sincere niya, pero bakit ganito? Bakit gumulo nang gumulo ang lahat? Diko alam pero hindi ko na magawang maniwala sa kahit na sino."

Nakikinig lang sakin si Giselle. Tumabi na siya sakin this time para yakapin ako.

"Nakakahiya, dito pa talaga ako nagdrama..." I chuckled.

"Shhh, just cry Karina."

"Giselle?"

"Hmm?" napatingin siya sakin.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now