Kabanata 37

1.5K 50 2
                                    

The longer you hide your feelings for someone, the harder you fall for that individual. Now I don't want to pretend that I don't love him. I can't control my feelings when he's around. My anger vanished because love never fails.

Bigla akong naguluhan ng dahil sa sinabi ni Gilcy. Napansin ko rin ang biglang pagtahimik ng bawat paligid. Nandito parin ako sa gitna ng stage at naguguluhan. Wala akong kahit na anong makita dahil sobrang dilim talaga ng paligid. Napapikit nalang ako ng biglang umilaw mula sa likod ko dahilan para mapalingon ako.

At ganon nalang ang panlalambot ng mga tuhod ko ng makita ko si Allen na mahinang naglalakad papalapit sa akin. Nanlabo ang mga mata ko ng mapansin ang suot niyang kulay puting tuxedo at ayos na ayos din ang buhok.

Tumingala ako para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ako pwedeng umiyak dahil masisira ang make up ko. Napakuyom ang kamao ko dahil sa kaba ng huminto siya sa harap ko at dahan dahan na inbot ang palad ko.

"I fall in love with you since day one and until now."

Ngayon ko lang napansin na may mini microphone pala siyang suot na nakasabit sa kwelyo ng tuxedo niya. Mas lalong nanginig ang mga tuhod ko ng haplusin niya ang pisnge ko.

"I want you to know that you are my oxygen, I can't breath without you my love. Sabay natin kalimutan ang nakaraan at magsimula muli."

Parang matutumba na ako dahil sa lakas ng pintig ng puso ko at panginginig ng tuhod ko. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Saya, lungkot, takot at pangamba. Nakita kong may hinugot siya sa bulsa ng pants niya at dahan dahan na lumuhod sa harap ko.

"Adi please marry me....again. Kahit paghiwalayin man ulit tayo ng tadhana, ikaw at ikaw parin ang pipiliin at pakakasalan ko magunaw man ang mundo."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Nang ilibot ko naman ang mga tingin ko ay kaagad kong tinakpan ang baba ko ng makita kung gaano kasaya ang lahat ng tao. They are waiting for my answer. I wipe my tears before I raised my brow.

I've decided. Wala ng atrasan 'to.

"I already forget what happened to us 6 years ago. I was trying to removed you in my system and yes I did it. I already removed the scars you gaved me. But now, you came back to chase me huh? you ruined my life Allen, pero handa ako muling tumaya sa pag-ibig mo dahil ibinabalik ko na ang karapatan mo bilang asawa ko."

"A-adi..."

Niyakap ko siya ng mahigpit kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Ramdam ko rin ang mabibigat niyang hininga at mahihinang hikbi. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiyak sa harap ko. Una, doon sa resort kung saan nadatnan ko sila ni Reina. Iyon din ang araw na itinapon ko ang singsing sa dagat.

Narinig ko ang bawat hiyawan ng mga tao lalong lalo na si Tuval. Yung tili niya ay nag eecho talaga dito sa loob. Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Allen ng mapansin na nasa kalagitnaan pala kami ng fashion show. Malakas ko siyang tinampal.

"Teka what are you doing here? you ruined the show Allen!"

Bulong ko. He smiled sweetly showing his dimples from both side of his cheek.

"I didn't ruined it."

Hindi ako kaagad nakasagot ng makita kong muli siyang lumuhod sa harap ko at inilahad ang isang maliit na kulay pulang box na may ribbon sa gitna.

Dahan dahan niya itong binuksan at tumumbad sa akin ang wedding ring na itinapon ko sa malalim na dagat! what the? paano nangyari 'to? imposibleng nahanap niya ang singsing dahil nilakasan ko talaga ang pagbato 'non. Ibang iba ang singsing namin kumpara sa ibang design. Mahirap gayahin dahil ako talaga ang nag pa costumize ng wedding ring namin. Ibinaba ko ang tingin ko upang kilatisin kong ito ngaba yung wedding ring namin. At hindi ako nagkamali dahil nakita ko ang date ng una naming pagkikita sa loob ng singsing.

Jan 3 - 2008

Una kaming nagtagpo sa simbahan. Unti unti nanamang nanlalabo ang mga mata ko ng maalala ang masasayang ala ala namin ni Allen. Kung paano niya ako alagaan. Kung paano niya ako tulungan sa mga problema ko. Kung paano siya nagtapat ng nararamdaman niya para sa akin. At kung paano niya binuo ang mga pangarap naming dalawa. Ngunit naglaho lahat 'yon ng dahil sa pagsisinungaling ko.

"P-paano mo—"

"I'll tell you next time. But now you need to answer my question."

Nanatili parin siyang nakaluhod habang nakatingala sa akin. Hindi ko alam pero kinikilig talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Feeling ko bumalik kami sa pagkabata at naglaro ng kasal kasalan.

"Today is April 19, 2022 will you marry me....again?"

Parang hindi ko malunok ang laway ko dahil sa sayang nararamdaman. Muli kong inilibot ang mga tingin ko at nakita kong naghihiyawan nanaman ang mga tao sa paligid at isinisigaw nila ang salitang 'YES!'

I looked at Allen passionately. For the past six years, he changed a lot. Ang maaamo niyang mga mata ay nagsisimula ng lumabo. Bago pa bumagsak ang mga luha niya ay mabilis akong yumoko at pinalis ang pabagsak niyang mga luha.

I slowly approached my face into him and kiss him passionately before I say...

"Yes."

"Really?"

Hindi makapaniwala niyang tanong. Mukha ba akong nagbibiro? hello? kasal na 'to no. At muli akong ikakasal sa asawa ko.

Ipinaglayo man kami ng tadhana, malakas na unos man ang dumating sa buhay namin. Pero sa huli pipiliin ko parin ang asawa ko hindi dahil nangako ako sa harap ng altar kundi dahil mahal ko siya.

Kaagad siyang tumayo at dahan dahang sinuot sa akin ang wedding ring namin. Hinalikan niya ang kamay ko at mahigpit na niyakap.

"Lilibutin natin ang buong paris mahal ko."

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon