Chapter Thirty Six

21K 1.5K 1K
                                    

Chapter Thirty Six

Bakit kasama si Seb?!

Ayan ang paulit ulit na isinisigaw ng utak ko habang nasa byahe kami papunta sa Antipolo. Well, ipinaliwanag sa akin kanina ni Harold na last minute, nag open pa ng isang slot at si Seb ang sinuggest ni Harold to come with us. Kung paano niya napapapayag ang mga teachers, I have no idea. Basta ang tanging laman lang isip ko ngayon ay I feel so uneasy na kasama ko si Seb at Harold sa isang lugar.

Kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko. Gusto kong itanim sa utak ko na wala akong dapat ika-bahala kasi wala naman gusto sa akin si Seb. Ayun ang pinaka imposibleng mangyari. At kung sakaling meron man---which is alam kong imposible nga---pero just in case lang na may gusto sa akin si Seb, siya ang nag decide na pumunta dito knowing the fact na magkasama kami ni Harold. So kung ano man ang interaction namin ni Harold na ma-wi-witness niya, wala na siya doon.

And as if may ka selos selos na mangyayari eh hindi nga interesado sa akin si Harold. Obvious naman masyado.

Kaya wala akong dapat ika-uneasy. Wala talaga.

Napabuntong hininga ako.

Hindi pa rin ako mapakali?!

"Ms. Pres, gamitin mo oh," dinig kong sabi ni Harold at napalingon ako bigla sa kanya.

May inaabot siya sa akin na jacket habang nakangiti.

"Baka nilalamig ka na," paliwanag pa nito.

At doon ko lang na realize kung bakit niya ako inaabutan ng jacket. When I'm anxious, I tend to rub my arm. Siguro kaya niya naisip na nilalamig ako.

"Okay lang!" sabi ko, rejecting the offer. "Hindi naman ako nilalamig."

Pero ipinatong pa rin ni Harold ang jacket niya sa balikat ko.

"Wag kang mahihiya sa'kin," he said with a smile.

Napatitig ako nang bahagya sa kanya dahil ang ganda ng ngiti niya at ibinibigay niya ang ngiti na 'yun sa akin. Parang lumundag ang puso ko and I felt this warm, fuzzy feeling inside me. His jacket around my shoulder felt like a warm hug and for a moment, I badly want to break into a huge smile. Pero pinigilan ko. I tried to keep a straight face at iniwas ko ang tingin ko kay Harold. Napatingin na lang ako sa labas while trying to take my mind off of Harold. But the truth is, nagsusumigaw na ako sa utak ko. Alam kong mali ang kiligin sa simple gesture na 'to. This is a recipe for heartbreak. Pero hindi ko mapigilan.

Ganito katindi ang epekto sa akin ni Harold at gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko. Grabe, one simple gesture, na distract niya agad ako sa train of thoughts ko.

Napahinto ako bigla, because suddeny, naalala ko yung struggle ko kanina.

Seb.

Agad akong napalingon kay Seb na naka pwesto sa likod ng van. Dahil mag-isa lang siya doon sa likod, nakahiga na siya. Ginawa niya pang unan ang backpack niya. May naka pasak na headset sa tenga at nakatakip ang braso sa kanyang mga mata. Mukhang malalim ang tulog.

Napahinga ako nang malalim. Thank god hindi niya narinig.

Teka nga... wala naman akong ginagawang masama, bakit natatakot ako na marinig niya?!

Napa buntong hininga ulit ako.

Na f-frustrate na ako sa sarili ko ha.

~*~

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon