Kabanata 25

219K 5.4K 4.7K
                                    

" 'di ba may pupuntahan pa tayo?" babangon na sana ako kaso ayaw akong bitiwan ni Thaigo. Nakayakap siya sa akin.

"Let's stay like this for a while" sabi niya habang nakapikit ang mata. Wala naman akong nagawa kundi bumalik nalang sa pagkakahiga. Inayos ko ang kumot sa aking dibdib kasi medyo bumaba ito.

Pareho kaming walang suot na damit.

"Are you sore?" he asked after a few seconds. I nodded.

Parang ayaw kong maniwala na may nangyare sa amin kagabe! Pakiramdam ko panaginip lang 'yon.

"Let me check" sabi niya at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking hita.

Napabangon ako. "A-Ano ba!" agad kong nilayo ang hita ko at inalis ang kamay niya. Tumawa siya.

"Sumagot na nga ako, 'di ba? sabi ko Oo?, masakit." hinila ko ang kumot pataas "h-hindi mo na kelangan pang hawakan, gusto mo lang maka ano, e"

Tinaasan niya ako ng kilay." Gustong makaano?"

Umiwas ako ng tingin." Basta! alam mo na 'yon" umupo ako sa kama. Bumangon din siya at agad na pinalibot ang braso niya sa aking bewang. Ang likod ko at nakadikit sa malapad niyang dibdib.

Uminit ang katawan ko at bigla kong naisip ang nangyare sa amin kagabe.

Pero, bigla akong may naalala.

"Sigurado ka bang ako ang nasa isip mo kagabe habang ginagawa natin 'yon?" agad na kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.

Naalala ko lang kasi, nung unang may nangyare sa amin at nabuo si Thairon. Napagkamalan niya akong si Cat nun kaya niya ako nilapitan at may nangyare sa amin.

"Anong klaseng tanong 'yan?" nahimigan ko ang galit sa tono ng boses niya. "Why would I think other woman while I'm making love with you? Isn't that weird?"

"Nagawa mo kaya 'yon. Noong nabuo natin si Thairon. Hindi ba si Cat nasa isip mo nun? Inakala mong ako siya..." lumungkot ang ang tono ng boses ko sa huli kong sinabi.

Hindi ko parin talaga maiwasan na maisip 'yon.

He sighed and hugged me tightly. He rested his chin on my shoulder. " I was drunk that time pero kagabe hindi kaya alam ko ang ginagawa ko, alam kong ikaw ang kasama ko..." hinaplos niya ang braso ko " ikaw lang ang nasa isip ko"

Binalingan ko siya.

"At kahit... hindi natin sinasadya na mabuo si Thairon noon, I'm still happy. Masaya ako at nabuo natin siya even though-"

"It's a mistake" I cut him off

Kasalan talaga 'yon noong una kasi hindi naman kami magkakilala o magkarelasyon. Pareho lang talaga kaming lasing.

He shook his head " Beautiful Mistake" then he smiled at me.

Yumuko at kinagat ang pang ibaba kong labi, pinipigilan na mapangiti ng may bigla ulit akong maalala.

"Naikwento sa akin ni Dion na sinusundan mo raw ako dati? Akala ko ba nun ayaw mong maniwala sa akin na buntis ako at ikaw ang Ama pero ba't mo parin ako sinundan nun pagkatapos mo akong ipagtabuyan sa bar?"

"I just... want to know if you're okay. Oo, noong una ayoko talaga maniwala kahit alam ko naman na posible ngang ako ang Ama" he sighed " I'm not ready that time but I keep on thinking about you every night. Hindi ako makatulog kakakisip sa'yo at sa anak natin kahit na medyo nagdududa parin ako noon kaya palagi kitang sinusundan to make sure you're safe. Hanggang sa nakita kitang tinulak nung Maris na 'yon"

So he really cared about me back then, huh? Umarte lang pala siyang parang walang pakealam sa akin.

"e, ngayun? wala ka na talagang pagdududa? baka gusto mong ipa DNA test si Thairon? 'di ba 'yon ang plano natin dati?" nakangisi kong sabi

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon