Chapter 22

486 22 5
                                    

Karina's POV

Finally, nakauwi na din ako. Hindi na dito nagsstay si ate dahil may bahay na siya sa probinsya. She even has a girlfriend, wow. Hindi ko akalain na may magkakagusto sa kasungitan ng ate ko.

And napansin ko lang, ang lapit ng bahay namin sa restaurant nila Minjeong.

I was about to go sa kwarto nang may kumatok sa pintuan ng bahay.

Pagbukas ko ay bumungad sa harap ko si Minjeong. May dala siyang paper bag.

"Uhh what are you doing here?" masungit kong tanong. Hindi siya nakareact agad kaya inabot niya muna sakin yung paper bag na dala niya.

"Welcome gift."

"What is it?"

"Food"

"Ah okay. Thanks."

Isasara ko na sana ang pintuan nang pigilan niya ako.

"Uh Karina, pwede ko bang makuha yung phone number mo?" tanong niya kaya nagulat ako.

"Hi-hindi ko kasi alam if yun pa rin yung number mo—"

"It still my number." I answered her and immediately closed the door. Bakit pa ba siya nagpaparamdam? Okay naman na ako sana siya din.

Binuksan ko yung bigay niya "Steak?"

Did she learn to cook ba in those years na nawala ako?

Tinikman ko ito at grabe sobrang sarap ng luto.

May nagmessage naman sakin.

That's my best dish here in resto, hope you liked it.

Hindi na ko nagreply sakanya at inubos ko na yung bigay niya.

Nakakapagtaka lang na in four years, parang hindi inaalikabok tong bahay. Parang mga bago pa din yung gamit sa sobrang linis.

Wala na kong naging pahinga simula nung pagdating namin ni Yeji dito. Buti pa tong si Yeji natutulog na, ako naman eto trabaho na naman.

I'm working as a executive producer sa isang entertainment company. Nakakastress pero ang saya din at the same time. I got an opportunity to meet a lot of western artist and now na nandito ako ngayon, mga local artists naman yung mga makakasama ko.

"Karina!" bigla namang may tumawag mula sa labas. It's Giselle.

"Oh Gi, napadaan ka?"

"Wala lang, namiss ko lang tong bahay niyo. Araw araw may naglilinis dyan nung nawala ka."

"Really? Who is it? Babayaran ko siya."

"Uhhh wag na, Karina. She volunteered to clean it everyday."

"She? Who?"

"It was Minjeong."

What? It was her?

"Samahan mo ko sa kanila. I'll pay her, so I don't owe her anything."

"Karina... galit ka pa rin ba sakanya?" biglang tanong ni Giselle.

"Why did you ask?"

"Wala naman, just curious."

"Not totally pero pinatawad ko na naman siya noon palang."

"I see. By the way, hindi na nakatira si Minjeong dun sa dati nilang bahay."

"Why? Kasal na ba sila ni Somi?" I chuckled. Hindi na ko nasasaktan ngayon.

"Hmm no, she left after mong umalis. She's living on her own." Oh that explains everything kung bakit siya yung may ari ng restaurant.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now