Teaser

73.4K 1.6K 457
                                    



"Miss Cleomonte..please.. help me Ma'am." Pag mamakaawa ko sa kaniya habang nag pupumiglas sa hawak ng dalawang lalaki sa'kin.

"Dalhin 'yan sa kwarto k--"

"How much did you pay for her?" Putol ni Miss Cleomonte sa lalaking manyakis. Ngumisi naman ang lalaki.

"Iba na nga lang iyo Miss. Mas mahal pa sa buhay mo ang bili ko sa babaeng 'ya--"

"I can pay you more than what you pay, just name your price."

Humalakhak naman ang lalaki sa sinabi ni Miss Cleomonte.

"Sige nga, isang bilyon ang gusto kong kapalit ng babaeng 'yan." Parang nanghahamon nitong turan.

Kita kong may sinenyasan si Miss Cleomonte. May lumapit sa kaniyang lalaki at may inabot na parang papel at ballpen. May isinulat siya doon bago ilapag sa harap ng manyakis na lalaki.

Inabot naman iyon ng lalaki at tiningnan. Nawala ang ngisi niya at hindi maka paniwalang nakatingin kay Miss Cleomonte na hindi man lang naiba ang ekspresyon ng mukha.

"That's one billion, ikaw na ang bahalang mag papalit sa banko." Walang emosyon nitong turan bago bumaling sa akin ang kaniyang paningin at sinenyasan ang nakahawak sa akin na bitawan ako. Tumingin muna ang mga ito sa amo nilang kupal.

Wala sa sarili itong tumango kaya binitawan na ako ng dalawa. Naramdaman ko naman ang kamay ni Miss Cleomonte na humapit sa bewang ko papalapit sa kaniya.

"Now she's mine so don't you dare lay a finger on her."

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon