Chapter 25

578 22 14
                                    

Kinabukasan, nagising kami pareho ni Minjeong dahil sa sunod sunod na pagtawag sakanya.

"Minjeong!"

Bumukas ang pinto at bumungad si Somi. May mga kasama pa siyang guard.

"Somi? What the hell?!" sigaw ni Minjeong sakanya.

"Omg. Are you hurt? Tell me saan ang masakit. Ghad uminom ka na ba ng gamot? Eat your breakfast na!" ang gulo niya. Hindi ko alam kung saan napupunta ang mga sinasabi niya. Minjeong seems annoyed kaya nagsalita na ko.

"Excuse me?"

Napatingin siya sakin "Oh.. you're here pala. Siguro ikaw may gawa nito sa mahal kong si Minjeong no? Umalis ka na dito!" sabi niya sakin. Mas lalong uminit ang ulo ko nang tawagin niya si Minjeong na mahal daw niya. Gross.

"Somi, get out!" sigaw ni Minjeong at nagulat naman si Somi.

"Why are you shouting?" this time tumatawa tawa naman si Somi. Nababaliw na ba siya? Kanina concerned siya tapos ngayon tatawa tawa?

"Tss just get out of here! Saka paano mo nalamang nandito ako? I cut our communication and connection four years ago!"

"Well, I do have some friends na nagsasabi sakin. Saka madalas pa rin naman tayong magkita ah? We didn't lost our connection."

"Just get out. Ayokong makita ang pagmumukha mo dito."

"Aw poor Minjeong. Nakalimutan mo na ba? It's our day today!" masayang sambit ni Somi.

"Excuse me, please lang nagpapahinga yung tao. Wag kang manggulo dito." Singit ko sa usapan nila. Napatingin siya sakin na may pandidiri sa mukha.

"Hindi ko hinihingi opinyon mo." Sabi niya at inirapan ako.

"I just came here para paalalahanan ka, Minjeong. Baka makalimutan mo dahil kasama mo tong babaeng to." aba

Susugudin ko na sana siya nang umalis nalang siya bigla.

"Bye!"

"Tss." Rinig ko kay Minjeong.

She looked ate me "Are you okay?"

"So, madalas pa rin kayo magkita?" tanong ko. Tama na. Ito na naman ako sa akala. Lagi nalang bang maling akala? Nakakapagod sa totoo lang.

"We're not..." tanggi niya.

"Minjeong, you don't have to lie. Siya na mismo nagsabi."

"I said we're not!" Medyo tumaas ang boses ni Minjeong. Hindi ko naman to inaasahan.

"Sorry. Let's go home." Ito nalang ang nasabi niya. She's not totally okay pa dahil masakit pa rin ang ulo nito pero pinakiusapan niya ang mga doctor na uuwi na siya.

No one dared to say anything hanggang sa makauwi kami. Magpapaiwan nalang sana siya sa bahay niya mag isa pero I refused.

"No, you'll stay with me." giit ko sakanya.

"Karina, I'll call you when anything happens to me."

"I know you're not."

"Please?" pagmamakaawa niya. Kaya wala na din akong nagawa kundi ang hayaan siya.

"Just call me kapag may masakit sayo." Ngumiti siya at tumango. Hindi na rin naman ako pumasok sa bahay niya. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko sa bahay namin.

May nagmessage naman sa phone ko.

Thank you for taking care of me, Karina.

I smiled and replied Anytime, Min

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now