Kabanata 53

13.7K 337 40
                                    

KABANATA 53 :: ORPHANAGE

Maingay ang banda namin dahil sa pagdating ng mga bisitang sinasabi ni Sister Inca. Halos hindi nga sila magkasya sa maliit na espasyo.

"Mabuti naman at safe si baby, Ate. Pauwi na kami kahapon eh kakatapos naming mag serve. Si Marky nga kahit takot sa dugo mas nauna pang lumapit," kwento ni Lester, ang isa sa mga sakristan na nagdala sa akin sa ospital.

Tumawa si Marky at umiling-iling. Kumpara kay Lester ay mas tahimik ito at mahiyain.

"Syempre nataranta na ako," ani Marky at inayos ang bilugan niyang eyeglasses.

Tuloy mukha siyang seminaristang banal gaya ng pang-aasar nina Lester. Lallo pa at puti ang suot niyang polo at itim ang pantalon. Maayos na maayos iyon at animo'y walang gusot.

"Salamat nga po pala sa tulong, I don't know how to pay you all. Thank you..." I said flashing a slight smile.

Kahit papaano ay nabawi ko ang aking lakas bnang makakain ng solid food kanina. Pwede na akong lumabas mamayang hapon, ise-settle na lang ang bill.

May pera pa naman ako at may kung anong inaasikaso sina Sister Inca at Sister Badeth sa ibaba para daw wala akong bayaran total ay public hospital naman ito.

"Ayos lang yun, iha. Ang mahalaga ay ligtas ka at ang baby mo," si Kuya Artem.

Ito at si Kuya Jude ay pawang mga tagapangalaga sa simbahan. Naglilinis daw sila sa gilid ng altar nang marinig ang palahaw ko.

Ikinwento nila nang detalyado ang pagdadala nila sa akin dito. Wala nga daw tricycle kaya ang dalawang madre ay halos hysterical. Pinagamit ni Father ang sasakyan ng simbahan kaya madali kaming nakarating pero sa ospital ay masyadong maraming pasyente swerte na lamang at kahit punong-puno ang emergency room ay inuna ako ng isang doktor na tapos na ang shift. Iyon ang kaparehong doktora na nakausap namin kanina.

"Makakalabas na tayo mamaya, iha. Okay na ang bill," ani Sister Inca na binati ang apat na bumisita.

"Salamat po Sister..."

Nagkwentuhan pa kami bago umalis ang apat. Naiwan ako at ang dalawang madre.

"Okay ka na, anak. Pero saan ka pupunta pagkatapos nito?" tanong ni Sister Badeth na nakaupo sa gilid ng kama.

Ako ay nakaupo sa kama at nakasandal sa dingding habang si Sister Inca ay nasa monoblock chair na inuupuan kanina ni Kuya Jude.

Napaiwas ako nang tingin.

"Hindi ko po alam. Baka po bumalik ako sa Maynila para magtrabaho..."

"Pero hindi ba sinabi ng doktor na bawal kang magtrabaho dahil mapapagod ka?" sabat ni Sister Inca.

"W-Wala naman po akong aasahan Sister... Wala na po akong pamilya kaya kailangan ko pong buhayin ang sarili ko."

Bakas ang awa sa mukha ng dalawang madre kaya hindi ko sila magawang tingnan nang matagal. Mas naaawa lamang ako sa kalagayan ko.

May pera sa account ko galing kay Kleindro pero hindi ko alam kung kaya ko bang gamitin iyon.

Its just that... alam kong kailangan ko ng pera pero kung galing sa kanya mas kaya ko pa yatang magtrabaho.

"Kung gusto mo, manatili ka muna sa amin sa orphanage. Doon ka muna hanggang hindi ka pa nanganganak..." suhestyon ni Sister Inca na sinang-ayunan ni Sister Badeth.

Bata pa ang dalawa. Halos sampung taon lamang ang tanda sa akin at nasabi nilang magkababata sila at magkaklase noon. Nang mag decide daw mag madre si Sister Inca ay sumama si Sister Badeth at kinalaunan ay pareho na nilang mahal ang ginagawa.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon