Chapter 26

602 23 13
                                    

"Huy Yujin kuhanan mo ng picture, bilis!"

"Wag kang maingay Minju, baka magising yung dalawa."

"Shhh hinaan niyo yung mga boses niyo."

"Yeji anlakas ng boses mo."

"What?"

"Okay enough basta picturan niyo sila."

"Nagcomeback na ba?"

"Baka? Tignan mo naman yakap ni Minjeong. Kinikilig ako."

"Kabaklaan mo Heejin."

Nagising ako dahil sa mga naririnig kong bulong. Hindi naman obvious na naririnig ko sila diba? Bumangon agad ako at tinignan sila sa may pintuan. Nawalan sila ng balanse kaya natumba silang lahat.

"Seriously, guys?" bwelta ko sakanila.

Nagising na din si Minjeong "What happened?" tanong niya. Tinuro ko naman yung mga kaibigan naming tatawa tawa lang sa tabi.

"Good morning! Ganda ng tulog natin, Min ah?" bati ni Ryujin. Sinamaan ko siya ng tingin samantalang si Minjeong naman natawa nalang.

Wala namang masama kung yakap yakap ako ni Minjeong sa pagtulog, diba? Comfortable kaya.

"Labas!" sigaw ko sa kanila pero tinukso lang nila ako.

"Tara na guys gusto pala magsolo, okay okay." giit ni Ning kaya nagsialisan sila habang tumatawa.

"Dun lang kami sa kusina ah? Magprepare lang kami ng breakfast. Just contact what you two are doing, okay?" sabi ni Minju. Hindi na ko nakasagot dahil nakaalis na din sila.

Tinignan ko si Minjeong na nag aayos na ng higaan "Is your arm okay? Masakit pa ba? Ako na dyan."

"Okay na naman. Hindi naman din masakit."

"Let me see." sabi ko kaya umupo ulit siya. Kinuha ko naman yung braso niya at nilagyan ng cream para sa pasa. Effective naman siguro to?

"Kaya ba lagi kang naka long sleeves? Dahil dito?" tumango siya.

"Wala ka bang work ngayon?" tanong naman niya.

"I took a rest for a week. Gusto ko munang makatulog nang ayos. And... bantayan ka na din." nakita ko namang napatitig siya sakin.

"You make me fall harder for you..." bulong niya pero narinig ko naman ito.

Lumabas na din naman kami para kumain. Naabutan namin silang naghahain ng pagkain.

"Ayan na yung love birds!" sigaw ni Yuna at Heejin.

"Wala ba kayong mga pasok?" tanong ko sakanila.

"You called us, Karina. Sa tingin mo makakapasok pa kami?" sabi ni Giselle.

Natawa siya "Just kidding. Wala kaming mga pasok."

"Ikaw, Minju? May shooting ngayon ah?"

"Hmmm really? I didn't know." sagot niya at saka nagsasasayaw paalis sa harap ko.

Kumain na din naman kami at nagkwentuhan. Hindi muna sila umuwi sa kanilang mga bahay. They still stayed here for Minjeong's safety. I'm glad, I really have these friends.

Mga naglalaro at nagsisiyahan lang sila nang makita ko si Minjeong na tahimik lang na nakaupo sa sofa. Nilapitan ko siya.

"Ayaw mo bang sumali sa kanila?" tanong ko.

Ngumiti siya "Ngayon ko lang sila nakitang ganito... Marami ba talagang nagbago simula nung nawala ako noon?" she chuckled softly "Feel ko kasi I'm not part of this group."

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now