Chapter 33: Chosen

304 18 17
                                    

Gabb's POV

Ilang oras ng pag iintay ay dumating narin sa wakas si ate ecka, di ko inaasahan na kasama nya si Miss Muse. Yung anak ng owner ng school kung saan kami nag aaral.

"Hi po" masayang bati ni gia.

"Ah ecka, nakakahiya naman kay gia. Paalala lang inuman tong pinuntahan mo." paalala ni ate abby.

"That's the point, kaya ko sya isinama rito para mag inom." sabi ni ecka kaya isa isa silang naguluhan, wala paring ekspresyon ang lumalabas sa mukha ko eh.

"Ay nga pala, mga bading si gia ang-

"Oo ecka, sya ang anak ni Mr. Muse." sagot ni Lara.

"Sya ang kapatid ko." halos lahat ay di makapaniwala sa sinabi ni ecka. Pano ba kasi?

"Mamaya na ang kwento, di namin pinunta ang chikahan ha." saad ni ate ecka at sinimulan na nga namin ang walwalan.

Sela's POV

Mag kakalahating oras na kami dito sa mall, kitang kita sa girls ang tuwa at pagka enjoy..

Andito kami ngayon sa may cinehan para pumili sana ng panonoodin. Napag pasyahan na kami na ni sheki ang bibili ng popcorn at drinks. Habang pumipili kami sa isang store, ay may napansin akong pamilyar nababae sa tabi nito.

"Princess?" kinlaro ko ito at saka sya pinuntahan ng harapan.

"Hi yes ma'am what's-

Napatigil sya nang makita nya ako.

"A-ah ate sela."

"Anong ginagawa mo dito?"

sasagot na sana sya ng hilahin sya sa buhok ng boss nya ata papasok ng staff room.

"Gaga iniwan mo ko." hinampas naman ni sheki ang braso ko saka ako napatingin sa kanya.

"Anyare?" napansin nyang wala ako sa sarili. Wala pang kasiguraduhan kung anong nangyari kanina kay princess pero nag aalala na talaga ako.

Pinasok ko ang store nila at iniwan muli si sheki. Dumiretso ako kung saan dinala si princess.

"Hoy!" sigaw ko ng muntik na nyang sampalin ito.

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ng lalaking sasampal sana kay princess.

Napatingin ako sa babaeng kaawa awang sinasaktan ng lalaking ito. Kaya pala kita sa mukha nya ang bigat ng mga mata nya.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo sa kaibigan ko?!" napasigaw ako nang kausapin ko na sya.

"Wala kang pakealam!" madiing sagot nito.

"Di mo sya bibitawan o pipindutin ko to?" pumasok si sheki at pinakitang dinial nya ang number na may contact name na "Police".

Binitawan nya si princess at sabay sabay kaming umalis. Lumabas kami ng store at dumiretso sa girls at sinabing next time na lang kami manonood.

Na alarma naman silang makita ang pustura ni princess. Lumabas kami ng mall at dumiretso sa van na pinahiram samin ni alice.

"Ano bang nangyari?" tanong ni brei.

"Bat nandito yan?!" tanong naman ni cole.

"Cole?!" suway ni laney sa kanya at tinaas naman ni cole ang dalawang kamay nya na kala mo'y sumusuko.

"Anong ibigsabihin non?" seryosong tanong ko kay Princess.

"Wala po" ikling sagot nya.

"Look, di kita huhusgahan or whatsoever. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari kung okay ka lang." hinawakan ko ang pisngi nya at hinarap sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revenges And GamesWhere stories live. Discover now