Kabanata 35

26.3K 1K 292
                                    


Kabanata 35

Eyes

"Hay, naku! Sinabing halika na dito at papawisan ka na naman ng likod niyan!"

Mula sa mga pack ng strawberry ay nagtaas ako ng tingin kina Nanay Shirley at Skyler. Kanina pa ito takbo nang takbo at kahit malamig ang klima dito sa Benguet, madalas pa rin siyang pinagpapawisan. Hindi na rin naman ako nagtataka dahil nasa edad nya na talaga ang kakulitan ngayon.

"Skyler, anak, huwag masiyado magpahabol at baka matisod si Nay Shirley."

Tumigil rin naman siya at sinalubong ng yakap si Nay Shirley. He giggled as the old woman tried to tickle him.

"Heto ang bayad, Miss."

Napukaw ang atensyon ko nang magsalita ang turista sa harapan ko. Ngumiti ako at iniabot sa kaniya ang isang suppot ng mga strawberry.

"Salamat. Balik ulit kayo."

"Sigurado 'yan. Sa dami ng nagbebenta ng strawberries dito, ikaw lang ang mababa ang presyo. Nakakatuwa dahil magiliw ka pa sa customers mo."

I only smiled at her. Sa mga ganoong klase ng papuri ay wala na akong naisasagot. Hindi ko rin naman alam ang dapat na isagot bukod sa isang pasasalamat.

"Thank you rin sa pa-sobra! Favorite kasi ito ng anak ko."

"Wala pong anuman. Ingat po kayo pabalik ng Maynila."

Malawak ang naging ngiti niya sa akin. Ilang customer pa ang sumunod na bumili kaya hindi kaagad ako nakaalis sa puwesto.

Sa nakalipas na tatlong taon, ang pagkakaroon nang maliit na negosyo kagaya ng souvenir store at pagtitinda ng mga strawberry at iba pang pagkaing lokal dito sa Baguio ang siyang naging katuwang ko sa buhay.

Matapos ang naging kabiguan ko sa Santa Fe, dito kami sa Baguio napadpad ni Nanay Shirley. Nagbakasali kami manuluyan sa isang kaibigan niya at sinuwerteng kinupkop kami nito dahil mag-isa na lang rin ito sa buhay.

Pero hindi rin nagtagal at namayapa na ito. Ang kaisa-isang nitong anak ay ibinenta na sa amin ang bahay at lupa nila dahil sa ibang bansa na siya naninirahan. Nakiusap ako na uunti-untiin ko ang pagbabayad hanggang sa makatapos ako.

After I gave birth to Skyler, after all the hardship we went through, I applied for a job as secretary in a real estate company. Mahigit isang taon rin akong nagtrabaho doon. Maganda ang naging pasahod dahilan para makapag pundar ako nang maliit na negosyo.

But then I realized that Nanay Shirley is already old to take care of my son all by herself that I decided to quit. Mula pagkabata ko hanggang sa lumaki ako, siya na ang nag-alaga sa akin. Ngayong narito na si Skyler, siya pa rin ang tumaguyod naming magulang.

Alam kong malakas pa siya at iyon ang palagi kong hinihiling sa itaas na sana ay bigyan pa siya nang mahabang buhay. Isa na rin sa mga dahilan kaya nagdesisyon akong magtayo na lang ng negosyo dito sa harapan ng bahay ay para mas makasama ko pa ang taong nag-alaga at nagmahal sa akin mula pa pagkasilang ko.

Inayos ko ang pagkakapuyod ng mahabang buhok at lumabas na sa pwesto. I inhaled and filled my lungs with fresh air. Naglakad ako palapit sa kahoy ng upuan sa kung saan naroon si Skyler at Nay Shirley. Naupo ako sa tabi nila.

"Mama!" masayang tawag ni Skyler at yumakap sa bewang ko.

Tiningala niya ako, malawak ang pagkakangiti at labas ang lahat ng ngipin. Hinaplos ko ang pisngi niya. Sa tuwing tititigan ko siya ay bahagyang naiibsan ang pangungulila na nararamdaman ko para sa ama niya.

Na kahit ilang taon na ang lumipas ay masasabi kong siya pa rin. Ganoon naman ata talaga kapag unang pag-ibig, mahirap kalimutan. Lalo pa at nagkaroon ng bunga.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon