Kabanata 37

20K 786 84
                                    

Kabanata 37

Santa Fe

Nakalayo na kami sa restaurant pero nananatiling naroon ang isip ko, nakapako kay Nero at sa pamilyar na babaeng nakaupo sa silya kung saan rin nakapwesto si Nero. Hindi ako puwedeng magkamali. I know for sure that the woman I saw was Gwyneth — my best friend when I was still in high school.

Magkakilala silang dalawa? Paano? At bakit sila magkasama? Is he the woman Nero's waiting during his stay there?

"Iyon ba ang tatay ni Skyler, Isha?" pukaw ni Jeremy sa akin habang nakasakay na kami ng jeep. "Ang gwapo naman pala. Lamang lang sa akin ng dalawang paligo."

Hindi ko nagawang intindihin ang sinabi ni Jeremy. Masiyadong abala ang isip ko sa paghahanap ng sagot na alam kong malabo ko namang matagpuan sa mga oras na ito.

"Mama, hindi mo pa po sinasagot ang tanong ko sa'yo. Bakit ka po niyakap ng lalaki kanina? At saka, sino po siya?"

Wala sa sarili kong tiningnan si Skyler. Napansin ko ang nagtatanong na mga mata ni Nay Shirley habang nakatingin sa akin. Alam kong wala pa siyang alam sa mga nangyari. She's still wondering why I needed to drag her out of the restaurant.

Umiling ako at tipid na ngumiti kay Skyler. "Hindi naman niya ako niyayakap, anak. Medyo malapit lang siya sa akin dahil may itinatanong siya pero hindi kami magkayakap."

Tumango siya kahit pa halatang hindi siya kumbinsido.

"Nagtatanong din naman po sa'yo si Jeremy pero hindi ko po siya nakikitang sobrang lapit sa'yo, Mama."

Nagkatinginan kaming muli ni Nay Shirley. Maging si Jeremy ay napatingin rin sa akin.

"Skyler, apo..." pukaw ni Nay Shirley sa atensyon ng anak ko. Nilingon siya nito. "Makinig ka sa sinasabi ng Mama mo, ha? Kapag sinabi niyang hindi sila magkayakap nung lalaking nakita mo, iyon rin ang paniwalaan mo."

Skyler nodded his head. Tumungo siya at luminga linga na para bang may hinahanap.

"Bakit?" tanong ni Nay Shirley sa kaniya.

"Nawawala po ata ang Mufasa ko, Mama. Hawak ko po iyon kanina, e."

"Dala mo pa 'yon nung nagbanyo ka, hindi ba? Naku baka nabitawan mo 'yon sa toilet bowl. Kinuha na 'yon ng unding." pang aasar ni Jeremy sa kaniya.

Nanulis ang nguso ni Skyler, ang balikat ay bumagsak. Huminga ako nang malalim at gustong daluhan ang anak pero hindi ko magawa. Masiyadong nakatutok ang isip ko kay Nero at Gwyneth.

"Hayaan mo na, Skyler. Ibibili na lang ulit kita ng bago."

Hanggang sa makarating kami ng bahay ay tahimik ako. Bago tuluyang pumasok sa loob ay hinarap ko si Jeremy at tipid na ngumiti.

"Pasensya ka na at nasira ang araw na ito. Sa susunod, ako na lang ang manglilibre sa'yo."

Tumango siya at nagkamot ng sentido. Yumuko siya, ramdam ang mabigat na paghinga bago muling nag-angat ng tingin sa akin. Nakangiti siya ngunit tila may mabigat na nararamdaman.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya nang hindi siya kaagad magsalita.

"Oo, Isha. Ayos lang ako. Ikaw? Kumusta ka matapos mo siya makita?"

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon