Chapter Three

28.7K 1.1K 563
                                    

Yves's pov



"Ginabi ka nanaman, hindi mo nanaman inalala ang mga tao dito." Bungad sa akin ni Tita Minerva pag kapasok na pag kapasok ko palang ng bahay.

I fought the urge to roll my eyes at her." Pasensya na po, dagdag racket na din pang bayad ng kuryente dahil mapuputulan na."

"Tsk. Oh siya ilapag mo na dun 'yang dala mong pag kain at mag hain kana ng maka kain na, kanina pa akong gutom." Utos nito. Labag man sa loob pero sinunod ko siya at tinawag na sila ng makatapos akong mag hain.

"Bakit dalawa lang ang plato? Hindi ba kayo kakain?" Tanong sa akin ni Tito. Umiling iling lang naman ako.

"Birthday po ni Monique at inimbitahan niya kami ni Yuan kaya po do'n nalang kami kakain para na din maka tipid."

"Birthday pala ng kaibigan mo eh bakit hindi mo pa kami isama do'n ng maka tikim din kami ng masarap?" Iritang turan ni Tita na akala mo'y hindi masarap ang dala kong pag kain lagi. Dapat nga mag pasalamat pa sila na nag dadala ako ng ulam eh.

"Ah..eh.. bilang po kasi ang bisita." Pag dadahilan ko nalang. Hindi naman kasi talaga birthday ni Mon. Gusto ko lang ilabas si Yuan dahil may galanteng nag bigay ng tip sa amin kanina nung nag banda kami.

"Tsk. Oh siya lumakad na kayo para maka uwi kayo agad. Wag mong kalimutan mag bring home ha!" Utos ni Tita kaya napailing nalang ako bago tinawag si Yuan.

Inutusan ko na siyang mag bihis kanina pag dating ko bago ako mag hain kaya ngayon ay diretso alis nalang kami.

"It's not Ate Monique's birthday Ate. Why do you have to lie?" Tanong naman agad ng kapatid ko ng maka sakay na kami ng jeep papunta sa kakainan namin.

"Alam mo naman baby na pag sinabi kong kakain tayo sa labas ay maiinggit nanaman ang bruhildang 'yun at hindi tayo papayagan umalis." Tumango tango naman si Yuan at tumahimik na lang.

Nakasama kasi sa top si Yuan kaya gusto ko siyang ikain sa labas bilang reward na din. Gusto ko pa nga sana siyang ipasyal sa mall man lang at bilhan siya ng mga bagong damit man lang at laruan pero hindi ko magawa dahil alam kong maiingit nanaman ang tiyahin ko at ako nanaman ang lalabas na masama dahil sasabihin niyang maka sarili ako na hindi ko man lang naisip ang anak niya or siya. Tsk.

Bumaba na kami ni Yuan at halos mag ning-ning ang mata niya ng makita si Jollibee.

"Ate are we going to eat there?" Makikita mo ang pag ka excited sa kaniyang mga mata habang naka turo ang nguso sa direction ng Jollibee.

Kunyare naman akong nag isip at tsaka umiling iling. Pinalungkot ko pa ang aking mukha. Nawala naman ang ngiti niya at napalabi nalang na tumango tango.

Now I feel bad, ang sama kong Ate.

"Joke lang baby ko! Syempre po diyan tayo kakain."

Ngumiti naman siya ng malawak at tumalon talon pa. "Yehey! Yehey!"

Pumasok kami sa loob at agad naman tumili si Keoni ng makita si Yuan.

"Baby koooo! Come here kay Ate ganda."

"Bunga-nga mo Keoni!" Saway naman ni Monique ng mag tinginan na din ang ibang tao sa kanila.

"Che, pakealam ko sa kanila." Mataray na tugon naman nito at ngumiti ng matamis ng makalapit kami ni Yuan.

Napag kwentuhan kasi namin si Yuan kanina bago ako pumasok sa trabaho at ayun gusto daw nilang sumama para mag celebrate ang bata.

"Why are you here po Ate ganda at Ate cute?" Tanong ng kapatid ko na ikinailing ko nalang.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon