Kabanata 39

22.4K 800 62
                                    


Kabanata 39

Bittersweet

"Wala na tayong dapat pag usapan." diretsong sagot ko kay Nero habang titig na titig sa kaniya.

Kanina ko pa gustong magbawi ng mga mata dahil aaminin ko na habang mas tumatagal ako na nakatingin sa kaniya, mas lalo kong nararamdaman ang pagkawala sa sarili.

Hindi pa rin talaga ako nagbago. I am still the same Isha who admires him a lot. I'm still head over heels in love with him even after of everything that happened between us before. Kahit nagkasakitan kaming dalawa, mahal ko pa rin siya.

Hindi man lang nabawasan.

"Just five minutes. That's what I'm only asking." sabi niya, marahan ang boses na akala mong wala kaming mapait na nakaraan.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?"

He sighed and leaned his back against the chair. Malaking tao siya at literal na nagmukhang maliit ang silya dahil sa kaniya. I've noticed that his body became even more firm and attracted way better than before. Maganda na ang katawan niya noon pero iba ang dating ngayon.

Is he spending most of his time at the gym? Maybe.

Nero suddenly licked his lower lip. Kusang bumaba ang mga mata ko doon lalo pa at mas lalo 'yong namula. His jaw was clenching while looking outside the wall glass. Pansin na pansin ko tuloy kung gaano ka-perpekto at kaganda ang pagkakadepina ng panga niya.

"How are you?"

He suddenly bore his eyes on my direction that made me look away! My throat ran dry for I know I am too obvious about staring at him.

Isha naman kasi! Huwag kang masiyado magpahalata na patay na patay ka pa rin sa kaniya hanggang ngayon!

Kung bakit naman kasi ang hirap kalimutang ng Monasterio na ito.

"Ayos naman ako. Matagal na akong ayos..." sagot ko, huli na nang maisip na masiyadong defensive ang sagot ko na 'yon. "Iyon lang ba ang itatanong mo?"

Tumango tango siya. "That's good. How long have you been staying here?"

"Simula nung umalis ako ng Sante Fe, dito na kami nanirahan ni Nay Shirley."

"How is she?"

"Ayos lang rin."

Sinasadya kong iksian ang sagot ko para na rin mawalan siya ng gana na magtanong pa sa akin. Pero iyon lang ba talaga ang mga itatanong niya? Kung kumusta na ako? Wala na talaga? Sure na?

Silence lingered in the air for the next couple of seconds. Hindi na ako muling tumingin sa kaniya at sa labas na lang itinuon ang mga mata. Ganoon pa man ay ramdam ko pa rin ang bigat ng mga titig niya sa akin.

I breathed a heavy sigh and looked down my pinky wrist watch.

"Lagpas ka na ng limang minut-"

"Aren't you going to ask me how I was throughout the past years?" he suddenly cut me off.

Hindi ako nakasagot o nakagawa man lang ng kahit anong reaksyon. I didn't expect that question from him. Gusto ko siyang kumustahin kahit pa hindi niya na sabihin. Pero ayaw kong isatinig. I want him to think that I don't care about him anymore. That I don't care how he went through for the past years.

Pero malabo.

Huminga ako nang malalim, dismayado sa sarili.

"K-Kumusta ka na?" tanong ko, nananatili pa rin nakakatitig sa relo ko.

"Miserable..."

My eyes automatically raised when I heard his answer. Sa paraan ng sagot niya, para bang hindi na pinag isipan dahil iyon naman talaga ang nakaplanong bitawan ng bibig niya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon