MAAGA akong gumising kinabukasan kahit halos puyat pa ako kagabi sa kakatawa sa group chat ng Section 16. Ang dami kasing pinost ni Zephyr na candid pictures ng boodle fight namin kasama pa talaga yung moment na bumagsak yung mesa.
Pagbukas ko ng GC puro tawa at meme ang laman.
“SI CYRILLE ANG MAY SALA! GINIBA ANG MESA NG WALANG LABAN!” -- Daevon.
“AYAN, LETCHON ANG KAPALIT!” --- Thoren.
“HAHAHAHA Xavien parang tatay lang nag-aayos sa likod!”-- Sylas.
“Sana masarap tulog mo, Zephyr!”-- Caelum.
“HAHAHA kahit kailan talaga Caelum LT yung pagkatanga mo HAHAHAHHAA” --- Zephyr.
“Wag nyo asarin si baby boy baka umiyak yan at magsumbong sa mommy HAHAHA”--- Rhydian.
“You know Caelum, joke lang ang lahat ng to!”--- Zephyr.
“Biglang bawi, Zephyr? HAHAHA” --- Marlic.
“Oo ah, baka mahirap na baka biglang bumulagta dyan sa paligid eh HAHAHAHA” --- Zephyr.
“Okay lang yan bro para iba naman i-celebrate namin HAHAHAHA”--- Leifren.
“HUY gago Leifren HAHAHAHAHA” ---- Elric.
“Siraulo ka HAHAHAHAHA”---- Zeraphiel.
“Yung banat mo Leifren gago HAHAHA”----- Cyrille.
“Pare, ginaganyan ka lang ni Leif. oh HAHAHA”---- Azael.
“JOKE LANG 😆”----Leifren.
Napangiti ako habang binabasa.
Mga siraulo talaga.
Pero napahinto ako nang makita ko yung picture naming dalawa ni Xavien yung sabay kaming tawa habang may gravy sa pisngi ko.
Ang caption ni Zephyr.
“Lovebirds caught in 4K 😍🐦🐦 #Section16Fiesta”
“Hay nako, tong mga to talaga.” Napailing ako pero hindi ko mapigilang mapangiti.
Nag-asikaso na ako para pumasok sa VA. Pagdating ko sa building namin nasa labas ng classroom si Eion nakasandal sa pader parang may hinihitay siya.
“Uy, good morning.” bati ko.
“Morning.” sagot niya pero walang ngiti. Tahimik lang siya habang tinitingnan ako tapos biglang tumingin sa bracelet na suot ko.
“Maganda ah.” sabi niya.
“Bigay ni Xavien.” sagot ko nang walang pag-aalinlangan.
Tumango lang siya pero nakita kong saglit siyang napalingon sa kabilang direksyon yung tipong may gusto siyang sabihin pero pinipigilan.
“Okay ka lang?” tanong ko. Medyo nagulat pa siya.
“Ha? Oo naman. Pasok na tayo.”
Sabay kaming pumasok pero tahimik siya buong lakad namin, pagkadating namin sa classroom pumasok na agad kami parang may binabalak na naman ang Section 16 dahil nagkakagulo na naman sila sa loob.
May mga upuang nakaharang sa pinto pagkapasok namin may nakasabit na kartolina sa kisame na may nakasulat na “CONGRATULATIONS X & L!!!” gamit ang marker na halatang minadali.
“Ano to?” tanong ko sabay turo sa banner.
Kumain ba sila?
“Surprise!” sigaw ni Caelum sabay kaway ng dalawang lobo na may nakadikit pang sticker ng pizza box.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
ALPHA CLASS: SECTION 16
БоевикALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
