NOTICE

4.2K 166 13
                                    

Dear My Beloved Evies/Readers,

            Gusto ko lamang kayo paalalahanan na, ipapublished ko muna itong TMIC Book 2. Dahil hindi pa kumpleto ay saka ko na lamang ito ieedit, para kahit papaano ay ang mga mambabasa na tapos na basahin ang Old chapters ng Book 1 ay mabasa na rin ang Book 2. Pansamantala ay On-Going muna ang Book 1 dahil ineedit pa ang iba pang chapters. Paumanhin dahil hindi kayo nakakapagbasa ng maayos dahil sa dami kong kaek-ekan.

           Isa pa pong paalala kung may makita man kayo na pinligiarized o ninakaw ang aking kuwento ay agad na ipagbigay alam po sa akin. Nitong araw lang Apr.19,2022 (Tuesday) mga bandang 6:00pm ay may nag message sa akin na may nagpost sa isang GP na may pagkakapareho sa plot ng aking istorya ayokong banggitin kung sino iyon pero hindi ko na lamang pinansin dahil nang basahin ko ang gawa niyang kuwento ay marami namang pagkakaiba kaya hindi naman ako nababahala (hindi ko lamang maintindihan ang aking sarili dahil bigla na lamang akong inatake ng kaba, akala ko kasi ay may manggagaya na naman sa aking kwento.)

           Masaya akong may ibang mambabasa na inspired sa aking kwento na gusto ding ibahagi ang kanilang sariling bersyon ng kanilang kuwento ngunit pakiusap lamang ay huwag niyo pong gagayahin pati mismong senaryo, kasi talagang mapaghahalataang parang ginaya. Wala pong masama kung sainyo ring kwento ay walo ding kapatid na lalaki at magkakaiba ang personalidad pero pakiusap lang ay huwang niyo ding ihahalintulad sa aking mga karakter na pati mismong personalidad ay ginaya. Nang basahin ko kasi ang isang kwento na halintulad sa akin ay parang ginaya pati pagkatao ng mga karakter ko. Nababahala lamang ako dahil may ibang senaryo na gaya sa akin pero dibale na lamang basta hindi gayang-gaya. Nang binasa ko naman ang kuwento niya ay ayos naman dahil hindi naman ginaya lahat kaya panatag ako.

          May iba ding senaryo na halintulad sa akin pero may kaunting pagkakaiba kaya panatag rin ako.

Mga minamahal kong mambabasa ayokong isipin niyo na makasarili ako dahil ayokong may pagkakapareho sa aking kwento sa kwento ng iba. Marami na rin ako nabasang reincarnation stories at masasabi kong karamihan sa mga iyon ay may mga pagka-cliché dahil pare-pareho ang plot (hindi ko po nilalahat, base po sa mga nababasa kong kuwento ang tinutukoy ko). Kaya gumawa ako ng sarili kong bersyon na mas naiiba sakanila ngunit naroroon din ang mga cliché scenario sa isinusulat ko dahil doon rin mismo naiimprove ang isang istorya (hindi ko na alam pinagsasabi ko pramis).

Ayos lamang po sa akin kung may gusto kayong gayahin na scenario o plot ay pinakikiusapan ko po kayo na hangga't maaari ay nalalayo sa mismong senaryo at plot ng kuwento ko para maiwasan ang plagiarism ( i dunno kung matatawag na bang plagiarism iyon dahil lamang ginaya ang isang senaryo o plot---ahh basta!) Basta mga kabetski! Basta't nalalayo sa plot ko oks na ko. Wews. Pwede ninyo namang gayahin with Twist UwU.

(I dunno kung may sense mga sinasabi ko.)

Kung may reklamo po kayo sa akin ay kaagad na ipagbigay alam sa akin para maayos ang hindi pagkakaunawaan ng isa't isa. Baka kasi iba ang pagkakaintindi niyo sa mga sinasabi ko.

Yun lamang at Maraming Salamas...

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon