Kabanata 28

179K 4.1K 3.3K
                                    

Nagising ako ng marinig kong sumarado ang pinto.

"Ma'am, mabuti po at gising na kayo" sabi ni Manang Elsa. Meron siyang dalang tray at pagkain.

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit ng aking katawan. Sumandal ako sa headboard at mariing pumikit. Nilapag naman muna ni Manang Elsa ang pagkain at tray sa mesa at lumapit sa akin.

"okay lang po kayo Ma'am?" nag-aalalang wika niya at tiningnan ang katawan kong may nakabalot na kumot.

Dumilat ako at tumango.

"S-Sigurado po kayo? uh... sige po" lumapit siya sa mesa para kunin ang tray pero pinigilan ko siya.

"Diyan niyo nalang po muna ilagay. Salamat po" wika ko at binalik niya iyon sa lamesa. Panay ang sulyap niya sa akin, bakas ang pag-aalala at nararamdaman kong parang ang dami niyang gustong itanong sa akin. Siguro ay nahihiya lang siya.

Nang lumabas na siya ng kwarto ay bumangon ako at pumasok sa banyo.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nanatili sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay hindi agad ako lumabas. Lumabas lang ako ng makarinig ako ng takot galing sa pinto.

"Ma'am, nandito po si Ma'am Sandra. Naghihintay po sa baba" Mommy siya ni Axel.

Tumayo ako at agad na sinuot ang bathrobe. Pinunasan ko ang aking luha at binuksan ang pinto.

"Sige po, susunod ako" sabi hindi makatingin ng diretso sa kasambahay kasi alam kung namumugto ang mata ko sa kakaiyak.

Nanatili ang titig niya sa aking mukha ng ilang segundo bago marahang tumango at umalis.

Bumaba ako pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko si Tita Sandra na nakaupo sa sala. Naka floral dress siya at may dalang shoulder bag. Agad siyang ngumiti sa akin ng makita niya akong pababa ng hagdan.

Axel's Mom is simple and kind si Tito Bryan naman na Ama niya ay mukha itong suplado at strikto. Natakot nga ako noong una kong kita ko sa kanya, medyo mataba ito at may bigote, ni hindi ko 'yon nakitang ngumiti.

Pajama ang sinuot ko baka kasi makita niya ang pasa ko sa bandang hita ko.

"Kakagising mo lang, hija?" wika niya at linapitan ako. Napakabanayad ng kanyang boses at ang hinhin niya gumalaw. Siguro ay nasa 40s na siya pero ang bata niya tingnan.

"Hindi po, kakatapos ko lang maligo" sabi ko at umupo sa sofa. Tumabi siya sa akin.

"Pupunta ka ba sa kompanya ng anak ko ngayun?"

Tumango ako. " Opo, dadalhan ko po siya ng lunch" nakangiti kong wika. I saw how her eyes twinkled and a smile gradually formed on her lips.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo ba, hija. Mahal na mahal ka ng anak ko. Ikaw ang palagi niyang bukang bibig magmula pa noong nag-aaral siya" she smiled. The wrinkles in the corner of her eyes appeared. "And I'm happy that you two were finally together. He's an only child, mabuti nga at nandiyan ang pinsan niyang si Markus, napaka close nila simula pa pagkabata. Para na silang magkapatid" tumingin siya sa malayo, tila ba inaalala niya ang masasaya nilang araw noon.

"Lahat binibigay namin sa kanya para sa ikakasaya niya at napakasaya ko kasi nakuha niya rin ang babaeng gusto niya..." she said while looking at me. I forced a smile.

She sigh and removed her hand from my hand. " Sabay na tayong pumunta sa kompanya niya"

"S-Sige po. Anong oras na po ba?" tiningnan niya ang kanyang silver wrist watch.

"11: 30 na" medyo nagulat naman ako sinabi niya. Magtatahali na pala.

"Sige po, magbibihis lang po ako" wika ko at tumayo. Tumango siya at nginitian ako.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon