Chapter Twenty-three

1.3K 30 2
                                    

I can see in Khaos that he's excited, not because it's his birthday but because we're going to see his family. Kahit tahimik siya, kita ko naman sa itsura at galaw niya na sabik siyang makita ang pamilya niya.

Masaya siya kahit na makikita niya lamang sila sa malayuan. Alam niya rin kasi sa sarili niyang mahihirapan siyang lapitan ang mga 'to dahil sila mismo ang nagpaalis sa kaniya.

Pero hindi kaya gusto rin nilang bumalik si Khaos at hinihintay lang siya? Pamilya sila at alam kong hindi rin nila matitiis na mawala ang isa sa kanila at tuluyang lumayo ang loob.

Sana lang talaga magkalakas siya ng loob lumapit. Baka sakaling siya na lang talaga ang hinihintay. Sana magkaayos sila dahil deserve niya 'yon. Birthday niya ngayon. Napakabait niya ring tao kaya alam ko, deserve niya rin ang magagandang bagay sa mundo katulad nang sinabi niya sa akin noon.

Kung tutuusin, para talaga kaming magkasangga. Naiintindihan namin ang pinagdadaanan ng isa't isa. Alam namin kung ano ang nararamdaman namin dahil parehas kami ng naranasan.

Makailang beses nang hinampas ni Khaos ang dibdib niya habang nakasakay kami sa bus. Malalalim ang kaniyang hininga at sa oras na 'to, alam kong kinakabahan siya.

Inulit na naman niya iyon at sa pagkakataon na 'to, kinuha ko ang nanlalamig niyang kamay at pinisil.

"H'wag kang kabahan," sabi ko. "Relax ka lang."

He smiled a bit and heaved another deep sigh again. "I just can't stop thinking, what if they'll see me? Baka magalit sila sa akin kasi nagkapakita pa ako."

Kumunot ang noo ko. "So, you mean, you don't have plans showing to them? Tatanawin mo lang talaga sila sa malayo?"

Mabagal siyang tumango at kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Makukuntento na lang ako na tanawin sila sa malayo. Ayos na sa akin 'yon, basta makita ko lang sila ulit."

"Khaos, what if they want to—"

He shook his head to stop me from talking. "I don't want to settle in what ifs, Ahms. What if lang, walang kasiguraduhan. Mahirap umasa, masasaktan lang ako."

I smiled weakly and nodded. "Okay. I'll be just by your side. Hmm?"

"Thank you . . ." he uttered and looked away.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal inabot sa biyahe bago tuluyang huminto sa isang terminal. Nagtawag siya ng tricycle nang makababa kami saka sinabi kung saan ang tungo namin.

Hindi ko maiwasang iligid ang paningin ko dahil sa bagong lugar na napuntahan. Mapuno rito at tila sariwa ang hangin na malalanghap. Hindi gaanong matao sa labas at malinis. Mukhang dispilinado ang mga tao rito, hindi katulad sa siyudad. Marami ang hangin dahil sa polusyon at puro basura ang labas.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko kay Khaos dahil may parte rin sa akin na excited makita ang pamilya niya.

"Medyo," sagot niya.

Balisa siya kung kaya't tipid siya magsalita. Naiintindihan ko siya sa parte na iyan. Kung ako siguro, makakaharap ko ang tunay kong ama, baka ganiyang din ang pakiramdam ko o baka mas malala pa. Pero never mangyayari 'yon, ayaw ko siyang makilala.

Hindi ko gugustuhing kilalanin ang taong pinabayaan ako, ipinamigay, at kinalimutan. Bahala na siya sa buhay niya. H'wag na h'wag siyang babalik at magpapakita dahil hindi ko sigurado kung kaya ko ba siyang tanggapin.

Maya-maya pa ay huminto na kami matapos pumara ni Khaos pero napansin kong wala namang bahay sa paligid.

"Nasaan tayo? Wala namang bahay rito, e."

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon