Chapter Twenty

24.7K 400 19
                                    

I cried that night until I fell asleep. Hindi ko mapigilang umiyak sa hindi malamang dahilan. Basta ang alam ko lang, hindi ko kayang tiisin si Cairus.

Mahal ko siya at hindi ko alam kung bakit ngayong siya na ang humahabol sa akin, ako naman ang lumalayo. I'm unconsciously making him feel what I felt when I'm the one chasing him.

Hindi naman ako gumaganti pero parang iyon ang nangyayari ngayon. Ayaw kong magbago bigla ang ihip ng hangin at makita ko ang sarili ko sa sitwasyon na ako na naman ang naghahabol.

Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko . . . kaming dalawa?

Bumuntonghininga ako. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang ginawa iyon sa araw na 'to habang malayo ang tanaw ko sa bintana. Bumaba ang paningin ko sa tatlong magkakapatid ngayon na nasa garden.

Sa harap nila ay ang mga laptop nila at ang tambak nilang mga papel. Si Jairus yata ay gumagawa ng blueprint dahil gumuguhit siya ngayon. I'm not sure what Zai's work is since I haven't asked him yet since I came back. Ang alam ko lang ay connected sa malalaking importations, hindi ko lang talaga alam kung ano.

Seryosong-seryoso sila habang pabalik-balik ang tingin sa papel at laptop saka pipirma. Indeed, they're really conscientious. They want to do their work well and thoroughly.

Kapag sila naging asawa mo, tiyak na may maganda kang kinabukasan pati na ang mga magiging anak ninyo, at sa tingin ko rin, oras at atensyon lang ang magiging kahati mo dahil hindi rin naman sila 'yong tipo ng mga lalaki na mahilig sa iba't ibang babae.

Si Jai . . . mukha lang naman siyang malandi pero lapitin lang talaga siya ng babae. Actually, pare-parehas naman sila. Sila nga lang mismo ang umaayaw kahit na kayang-kaya nilang kuhanin ang mga babae sa isang tapon lang nila ng tingin.

Kaya nga hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako nahulog nang ganito katindi at kalalim kay Cai. Unang kita ko pa lang sa kaniya no'n, parang huminto na ang ikot ng mundo ko. Parang bigla kong nakita ang kinabukasan ko na kasama siya.

Kahit sinungitan niya ako noong sinubukan kong makipagkilala sa kaniya at makipagkaibigan, hindi ako tumigil. Kinulit ko siya nang kinulit hanggang sa mapilitan siyang sabihin ang pangalan niya.

"Fine, I'm Cai," he said irritatedly. "Okay na? Now, you can leave out of my sight."

I pouted, still don't want to stop bugging him. Sinundan ko pa rin siya hanggang sa loob ng bahay nila kahit na ang bilin sa akin ni mommy ay sa garden lang dapat ako at makipaglaro sa ibang bata.

Sabi nila, birthday raw ni Cairus ngayon at kaya kami pumunta dahil invited kami. Kakauwi lang kasi nila galing Canada dahil doon sila tumira ng ilang taon. Matagal nang magkaibigan ang mga pamilya namin kaya nang makabalik sila ay isa kami sa mga unang nakaalam.

"Ano ba? Bakit ka ba sunod nang sunod?" galit na tanong niya sa akin nang mapansin na sumusunod ako. "Isusumbong kita kay mommy."

Dinilaan ko siya. "'Di ba twelve ka na ngayon? Bakit sumbungero ka pa rin? Big boy ka na, e."

"I swear, I'm going to tell mommy about this and you and your parents will be thrown away. Stop following me if you don't want that to happen!" he shouted.

"Cairus Mael, what's happening here?" her mommy asked when she made her way inside of their house and heard us shouting to each other.

"Mommy, she keeps on following me! I'm irritated with her presence," he stated.

"Anak, don't be rude," the lady said. "She's our visitor, okay? Dapat makisama ka sa kaniya . . . pati na rin sa mga bata sa labas. Birthday mo at tigil-tigilan mo ang pagsusungit kung ayaw mong mapagalitan. Kapag nalaman 'to ng daddy mo, mas magagalit 'yon."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon