Kabanata 56

14.2K 328 20
                                    

KABANATA 56 :: ADORABLE

Napakamot ako ng kilay dahil pababa pa lamang ako ng hagdan para magluto ng almusal ay dinig na dinig ko na ang matinis na tili ni Kendria mula sa sala.

"Ang aga mo naman kuya?" agad kong puna ng maabutan ang kapatid na nakikipaglaro sa pamangkin niya.

Agad akong lumapit sa kanilang dalawa para halikan si Kendria sa pisngi.

The little kid giggled and go back playing her dolls.

"Well... Hindi ako maaga, late ka lang nagising Senyorita," aniya saka bumaling kay Kendria. "Right Ken?"

"Yup Papi, Mimi late uwi late gising," nakangising sagot ni Kendria.

Suot nya pa ang kanyang strawberry pajama terno habang ang kulot niyang buhok ay nakataas gamit ang isang ponytail.

"Sinong nagtaas ng buhok mo baby?"

Humagikgik siya at itinuro si kuya Kendrick.

"Papi!" itinaas niya ang isang plastic bag na noon ko lamang napansin. "Look Mimi! Toys... Wow..."

Napailing-iling na lamang ako dahil sa pagka-hypher ng bata.

Ken is three, turning four. Ang mga salita niya ay bulol pa pero hindi maipagkakaila na bibo siya at madaldal, kagaya ko.

"Nag breakfast na ba kayo?" tanong ko saka pasimpleng sinipat ang kapatid nang hindi na nakatingin si Kendi. "Sabi ko sayo wag mong i-spoil! Nung isang araw gustong bumili ng malaking doll house, pinangakuan mo daw."

Right. Kapatid. Many years have passed and I still can't believe it, kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. After I gave birth I found out that he's my half sibling and the most ironic thing was, matagal nya na palang gustong sabihin kaya lang baka daw makaapekto sa pagbubuntis ko noon kaya pinalipas nya na lang muna.

I'm thankful though, dahil hindi nya kami pinabayaan. Ako at ang anak ko.

"Oh shot! Oo nga pala," tinampal niya ang noo. "Sasabihan ko na lang ang secretary ko na bilhin yung-"

"Kuya!"

Kaya ayokong inilalabas niya si Kendi nang hindi ako kasama eh. Sinusunod nya lahat ng gusto, taliwas sa akin. Ang gusto ko kase ay lumaki siyang pinapahalagahan ang pera, ayokong isipin nyang kapag ginusto nya ay makukuha nya agad.

Pero heto nga ang kunsintidor na tiyuhin. May malaking doll house sa playroom, si Dairene ang bumili noon bilang pasalubong.

"Gusto ko lang pagbigyan yung bata!"

"Hindi mo bibilhin yung doll house, meron na sya nun."

"Hindi ka ba naaawa sa pamangkin ko-"

Pinandilatan ko siya agad.

"Kuya yung bike na pinabili nya nandun sa playroom ni hindi pa nagagamit."

"Mimi away mo Papi?"

Kumalma lang ako ng bumaling sa akin si Kendi.

"No baby, sinasabi ko lang na wag nyang bilhin yung doll house na gusto mo, diba may binigay na sayo si Tita Dairene last month?"

"I want that house Mimi!"

"Malaki yun... At saka..."

Napakamot ako sa kilay dahil nahihirapan akong hindian ang paluha na niyang mata.

Napasulyap ako kay Kuya Kendrick at ngiting panalo ang loko kaya inirapan ko ng pasimple.

"Wala tayong paglalagyan dito sa house natin... Gusto mo ba sa labas na matulog si Mimi para may paglagyan ang toys mo?"

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon