Kabanata 40

2K 55 4
                                    

I removed my bra before I lay. Bwesit na 'yon kakasabi ko lang kanina na wag patulan ang mga unggoy pero ngayon masaya siyang nakikipag usap 'don. Nakakairita. Sinakop ko ang lahat ng kama para hindi siya makatabi sa akin. Maliit lang naman ang kama kaya sinubukan kong dumapa at niyakap. Medyo masakit sa boobs pero okay lang.

Ilang saglit pa ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nag panggap akong tulog para hindi niya mapansin na hinihintay ko siya. Naramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko dahilan para dumilat ako. Nakangisi na siya ngayon habang nakatitig sa akin.

"Why are you laughing?"

"I felt so hot when I saw your..."

Kaagad kong ibinaba ang tingin sa aking dibdib kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Oh fuck! bakit nga pala ako nag removed ng bra kahit na alam kong makakasama ko si Allen ngayon matulog. Kaagad ko itong tinakpan ng kumot at tinaasan siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito? 'don kana sa Lara mo!"

He licked his lower lip. "You saw us? she's kinda cute huh."

Akmang uupo siya sa kama ng sakupin ko ito. Hindi ka makakatabi sa akin ngayon. Kingina kang lalake ka. Cute pala ah.

"Hey what are you doing? come on baby just gave me a little space."

Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya pero imbes na singhalan siya ay inirapan ko nalang siya.

"Are you jealous?"

Bumangon ako sa pagkakadapa at hinarap siya. "Hindi ako mag seselos kahit kanino."

"Sure? you look like a murder tiger. By the way she's beautiful huh."

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya. So ito pala ang gusto mo, ang paselosin ako ng bonggang-bongga? Okay I'll give it to you Allen, just don't cry.

"And her dimples are very cute."

"Oo nga naman maganda naman talaga siya kesa sa akin diba Allen?"

He looked at me.

"At tsaka sexy din kagaya ko. Pasok nga siya mag modeling eh. Diba yan naman talaga yung mga gusto mo? yung tumatalbong yung boobs, tapos malaki pwet na parang duck. Tapos type mo rin yung may mga tattoo malapit sa dibdib."

Hindi siya nakasagot sa akin kaya palihim nalang akong napangiti.

"Okay lang talaga sa akin Allen kung magka gusto ka sa iba. Nandito naman palagi si Emman para damayan ako, at handa siyang mag pagamit sa akin para makalimutan kita."

Nakita kong medyo hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa pagkakasimangot. Oh ano ka ngayon? sinusubukan mo ako ah.

"At sa totoo lang, mas gwapo talaga si Emman kesa sa'yo. Ang cute ng mga singit niyang mata, sobrang puti, ang lambot ng labi, tapos ang laki ng mga muscles niya sa katawan tapos malaki din yung ano....sa palagay ko mas malaki pa sa'yo—"

"Stop it!"

Matigas niyang sabi. Nakikita ko na ang mga ugat sa kamay niya dahil sa pagkakakuyom. Oh ano ka ngayon hindi mo kinaya no? mamatay ka sa selos kingina ka.

"What? I'm serious."

"Stop it Adi, at anong sinasabi mo na malambot ang labi, malaki katawan, at malaki yung ano...."

I flipped my hair. "Yes."

"What the fuck! did you two.."

Tumango ako habang nakapikit. Pero hindi ko alam kung bakit medyo hindi ako naging komportable ng magsimula ng mag tanong si Allen tungkol sa amin ni Emman.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon