Chapter Twenty-four

1.2K 27 0
                                    

"Yet it feels so wrong . . ." he added.

Gusto niya ako pero pakiramdam niya ay mali? Bakit?

"It feels so wrong because I know you've been through a lot these past few months. Parang hindi tama na maramdaman ko 'to."

Umiling ako. Hindi nagugustuhan na iyon pala ang iniisip niya pero hindi ko maiwasang humanga lalo dahil iniisip niya pa rin ako at ang pinagdaanan ko . . .  ang nararamdaman ko. He still considers my feelings.

"There's nothing wrong with what you feel, Khaos." I smiled at him and nodded a bit to assure him. "Because I feel the same way that you do. Parehas tayo ng nararamdaman at para sa akin ay walang mali roon." Suminghap ako bago ko ipinagpatuloy ang gusto kong sabihin. "G-gusto rin kita."

Bahagyang nagsalubong ang kilay niya. Naiiling na parang hindi makapaniwala sa narinig. Hinawakan ko ang kaniyang mga pisngi at diretsong tumitig sa kaniyang mga mata. I love his eyes even if it's clear and emotionless because I know deep inside of it, his real feelings are engrained.

"I felt this unexpectedly. It just happened that one day, your smiles didn't lost my mind. Hindi ko napansin na palagi na pala akong nakatingin sa 'yo at pinanonood ang mga galaw mo. You made me feel a lot of things that guys in my past never did . . . ikaw lang, ikaw lang talaga. Sa 'yo ko lang naramdaman na maayos ako, ligtas ako, masaya ako at higit sa lahat, deserve ko rin mahalin nang sobra at totoo. Deserve ko alagaan at protektahan. Pinaramdam mo sa akin na buo ako kahit ikaw lang ang meron ako. Ikaw lang nakapagparamdam no'n, Khaos."

Maluha-luha niya akong pinagmasdan. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa kaniyang pisngi at napailing nang bahagya. Hindi niya na natiis at hinila niya ako para sa isang yakap.

"Can we just stay like this for a while and cherish the moment we have together in each other's arms?" he asked.

I didn't answer, instead I hugged him tightly. I just hope that life can be this good and simple but I know, it's impossible. So, while you're still happy, live the moment.

Kumalas kami sa yakap nang muling umandar ang ferris wheel. Magkahawak na lang ang aming mga kamay pero wala na ni isang nagsalita pa.

I'm not hoping for anything between us right now. Ang gusto ko lang ay manatili muna sa kung ano kami ngayon at maging masaya sa isa't isa.

Bumaba na kami at ang saya sa mukha namin ay hindi maipaliwanag. My best moments in life happened with him and I think, it won't be really special without him.

Umuwi na kami habang magkahawak pa rin ng kamay. Parang ayaw ko siyang bitawan at ganoon din naman siya.

"Thank you for making my birthday happy," he said after we stopped in front of my house.

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Kung tutuusin, kulang pa nga 'yan bilang bayad sa mga ginawa mo para sa akin," sabi ko habang nakangiti. "Gusto kong bumawi . . . gusto rin kitang pasayahin."

"Sa ginawa mo ngayon, sobra na bayad mo. Mukhang kailangan pa kitang suklian." Tumawa siya.

"Happy birthday," I greeted him again and slid my hand in my bag to get my simple gift for him.

It's a diy bracelet with his second name. Kinuha ko ang kanan niyang kamay at isinuot iyon. Nakatingin lang siya roon habang ginagawa ko 'yon at nang maayos na ay mariin niyang tinitigan.

"Joaquin," he read his name. "I really hate my second name but because of you, I'm starting to like it."

"I prefer it over Khaos," I said. "You're not bringing any chaos but calmness."

He bit his lips. Tila hindi na naman nakatiis at niyakap ako. Niyakap ng mabango niyang amoy ang ilong ko kaya naman lalo kong naibaon ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

"You make every moment special," he uttered and kissed the top of my head.

"Tama na, dami na nating sinasabi," natatawa kong wika at lumayo na sa kaniha. "Sige na, uwi na. Kita na lang ulit tayo bukas."

Tumango siya ngunit lumapit ulit pero para naman halikan ang aking noo.

"Thank you," pasasalamat ulit niya. "Goodnight."

"Goodnight, Joaquin . . ." Nauna na akong tumalikod sa kaniya at pumasok sa loob ng bahay.

Naroon pa rin siya bago ko tuluyang isara ang aking pinto na para bang hinihintay niya muna akong mapasok upang makasiguro na ligtas talaga ako.

Labis ang saya na nararamdaman ko dahil sa wakas ay nasabi ko na rin ang matagal nang bumabagabag sa akin. Hindi ko na 'to kailangang itago.

Hindi ko naman inakala na maging siya ay ganoon din pala ang nararamdaman. Kanina, ang nasa isip ko lang ay kung paano ako aamin, hindi ko na inisip kung ano ang magiging sagot niya.

Tunay nga namang mapaglaro ang tadhana dahil siya pa ang naunang umamin. Hindi naman talaga ako umaasa pero ibinigay yata sa akin ni Lord ang pagkakataon na ito . . . na pagkatapos ng lahat ng nangyari, deserve ko rin sumaya.

Hanggang pagtulog ay nakangiti ako. Kinabukasan, ang unang pumasok sa isip ko ay 'yon pa ring nangyari kagabi. Ganadong-ganado akong naghanda para sa pagpasok sa school.

Habang naghahain ako ay may kumatok sa pinto. Isa lang naman ang inaasahan kong darating kaya naman nagluto ako nang mas marami.

"Pasok!" sigaw ko.

"Good morning, baby!" bati ni Khaos nang makapasok sa loob.

"Anong baby? Kadiri ka," natatawa kong sabi. "Kilabutan ka nga."

"Anong kadiri? Akala ko ba, we like each other?"

"Ano naman ngayon? Required magtawagan ng baby kapag gusto ang isa't isa?"

"Hindi," nakanguso niyang sabi pero agad ding napangiti nang makita ang pagkain na nasa hapag. "Sige, okay lang. May pagkain naman."

Nailing na lamang ako hahang paupo. Nag-umpisa kaming kumain. Wala namang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa. Walang ilang dahil nagkaaminan. Mas sumaya lang kami ngayon.

Nang lumabas na kami para pumasok sa school. Nag-iba bigla ang pakiramdam ko habang naglalakad. Napatingin ako sa paligid.

"Bakit?" tanong ni Khaos nang mapansin ang pagiging balisa ko.

"W-wala lang . . ." sagot ko. "Para kasing may nakatingin sa atin."

Nang mapalingon ako sa puno ng mangga sa tabi ng bahay ng landlord, nakita ko roon ang isang matangkad na lalaki. Pareho sila ng suot no'ng lalaking nakabunggo ko sa school at alam ang pangalan ko. Naka-bodyguard attire din siya at nakasalamin.

Napatingin din si Khaos kung saan ako nakatingin. Bigla niya akong hinila dahilan para mawala na roon ang paningin ko.

"Baka bisita ni Mrs. Saavedra," aniya, tinutukoy ang landlord namin.

Isang lingon muli ang ginawa ko sa lalaki bago nagkibit ng balikat. "Baka . . . pero kasi, naka-encounter na rin ako ng katulad niya sa school . . . at ang nakakapagtaka, alam no'n ang pangalan ko."

"Usually, ganoon ang uniform ng bodyguards. H’wag kang mag-overthink," natatawa niyang sabi.

"Pero bakit alam ang pangalan ko?"

Tumingin siya sa at saka nagtaas ng kilay saka niya ibinaba ang tingin niya sa nameplate ko. Doon ko lang naalala na may nameplate nga pala kami.

"H'wag mo na 'yong isipin," sabi niya at pinagsalikop na lang ang mga kamay namin habang naglalakad. "Bilisan na lang natin kasi baka ma-late pa tayo."

Nang makarating kami sa room, wala pa ang iba naming kaklase. May twenty minutes pa naman bago mag-time at karamihan sa amin ay bumabiyahe pa mula sa malayo.

Bago ako umupo, napatingin ako sa gawi nila Krizza. Bahagya akong nagtaka kung bakit sila nakatingin sa akin pero hindi naman masama ang paraan nila ng pagtitig sa akin.

Sa huli ay hindi ko na lang sila pinansin at umupo na ako. Matagal na akong nawalan ng pakialam sa kanila. Mas okay na rin na ganito kami. Hindi nagpaparinigan at hindi nag-aaway. Mas tahimik ang mga buhay namin. Hindi nila ako pinakikialaman at gano'n din naman sila.

Hindi naman na kami mga bata. Mas pipiliin ko na lang manahimik para sa aking peace of mind. Hindi ko kailangan ng mga taong sisirain lang ang kapayapaan na meron ako ngayon.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon