Chapter Five

29.1K 1.3K 427
                                    

Yves's pov



I felt my head throbs when I tried to open my eyes. Nag takip ako ng kumot sa mukha ng maamoy kong iba ang amoy nun. Hindi amoy downy, amoy mamahalin yung parang nasa hotel. Sa pag kakatanda ko hindi naman ako nag palit ng downy eh, yung downy passion padin naman gamit ko.

Unti unti kong iminulat ang mata ko at tinanggal ang kumot sa mukha ko para sana bumangon ng matigilan ako. Yung dating kulay asul kong wall ay napalitan ng puti.

Napatingin din ako sa suot ko ng maramdaman kong malambot na tela iyon. Halatang mamahaling pantulog ang comfortable sa pakiramdam kaya siguro ay nasa bahay ako ni Keoni dahil mahilig siya sa ganitong damit, yung malalambot ang tela.

Nakakahiya, sila Keoni pa ata ang nag palit ng damit ko. Pero speaking of that two, asaan na kaya ang mga ulopong na 'yun?

Agad akong bumangon at inilibot ang aking mata sa buong kwarto.

"Good afternoon po Ma'am!"

"Ay berdeng kabayo!" Gulat ko'ng saad at napa hawak dibdib ko ng may biglang pumasok sa kwarto kung nasaan ako. Naka suot siya ng puting pang maid na damit kaya obviously kasambahay siya ng kaibigan ko.

"Ahm.. Hi po, Good...teka, afternoon na po?"

"Opo Miss. Sabi po ni Ma'am ay huwag namin kayong gisingin at hayaan ka pong magising ng iyo para maka bawi ng tulog at lakas daw po." She said and I just nod at her.

Gosh, am I really that drunk yesterday?

"Umuna na pong umalis si Ma'am, pinapasabi niya nalang po na kainin niyo daw po yung hinanda niya bago kayo umalis." Dagdag pa nito.

Aba loka 'yung mga 'yun ah. Sabi nila ihahatid nila ako sa bahay ng kaklase ni Yuan. Tsk, mga scammer.

"Kanina pa po ba umalis Ate?"

"Kani kanina lang po Ma'am pero ibinilin naman po niya na ipahatid kayo sa driver namin pauwi sa inyo." Tumango tango naman ako.

"Sige po Ate, salamat.." Sagot ko pero bago pa siya maka alis ay tinawag ko ulit siya. Kakapalan ko na mukha ko, naiihi na talaga ako. Feel ko puputok na pantog ko.

"Ayy siya nga pala Ate, saan po yung banyo?" Tanong ko na agad naman niyang itinuro kung nasaan. Namangha naman ako sa sobrang elegante ng banyo, parang pang hotel talaga, sosyal. I did my morning rountines at lumabas na ng banyo ng maalala kong wala nga pala akong susuotin.

Tatawagin ko sana ulit si Ate para mag tanong kung meron bang hinabilin ang amo niyang susuotin ko pero nahiya na ako kaya wala akong choice kundi ibalik nalang ang damit kong ipinahiram sa akin.

Bumaba ako at nakita si Ate na nag aayos ng kung ano sa kusina. Para pa akong tanga na palinga linga dahil namamangha ako sa disenyo ng bahay. May malaking chandelier kasi na galaxy yung style tapos black and white yung pintura ng bahay na may touch of gold.

"Kain kana po Ma'am baka po lumamig." Yaya sa akin ni Ate kaya nginitian ko siya.

"Ang ganda ng bahay niya Ate noh? Wala po ba ang parents niya?"

"Ahh wala po Ma'am, simula po nung nag trabaho ako dito ay wala na po siyang ibang kasama. Wala din pong nadalaw sa kaniya bukod sa dalawa niya lang pong kaibigan." Nag tataka akong sumubo ng pancake dahil sa sinabi niya.

Sa pag kaka-alam ko kasi ay kasama pa ni Keoni ang parents niya. Baka naman bahay 'to ni Mon? Pero mas lalong hindi dahil alam ko kasama niya din ang parents niya.

Lalo lang tuloy akong nagulohan dahil sa tanong ko. Haish.

Gusto ko man mag tanong dahil nagugulohan ako pero minabuti ko nalang na itikom ang bibig ko. Ayokong ma invade ang privacy ng mga kabigan ko, kung sino man sa kanilang dalawa ang amo nitong si Ate. Jusko.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon