Chapter 25.1

3K 88 3
                                    

CONTINUATION

" I'm fine Mina. Nakalimutan ko lang inumin yung gamot kaya ganon " paninigurado pa ni Dad. Umiiyak na yumakap ako sa balikat niya kung alam niya lang kung paano niya ako pinakaba.

" Are you really okay, lolopa?" Seryosong tanong ni Devon. Tumatangong tumawa si Dad. Lumapit yung tatlo at sabay nilang niyakap si Dad

" Asan pala si Wena? " Tanong ni Dad at luminga linga sa paligid hinahanap kung nandito rin ba si Wena. Nagtaka ako bumibisita ba si Wena rito? Sabay naming tiningnan ang pumasok at bumungad samin si Wena na may dalang kambal na anak.

Nang nakita ako ay binibitawan muna nito ang kamay ng mga Bata at nakangiting yumakap sa akin. Napansin ko pa nga na umiiyak ito at niyakap ko din ito pabalik

" Mina? Galit kaba sakin? Umalis kana lang ng hindi nagpapa alam..nagtatampo ako sayo" sabi nito habang nakayakap pa din sakin. Tiningnan ko yung mga anak niya.. nakangiti silang tumingin sakin kaya ningitian ko din. Kagaya ng mga anak ko green din ang kulay ng mga mata ng anak niya. Hindi maipagkailang lalaking habulin ng mga babae din pag lumaki na sila.

" Hindi no.. bakit naman ako magagalit sayo. Anyway asan na yung asawa mo?" Tanong ko nalang pagkatapos nitong bumitaw sa yakap.

" Ahmm...wala kasi akong asawa " malungkot na sagot nito. Mabilis na tumingin ako sa kanya. Paanong wala? Diba nung aalis na dapat ako sa Pilipinas ikakasal na siya? Hindi ba natuloy? Niyakap nito si Dad at nagmano naman yung mga anak niya

" Hindi natuloy yung kasal dahil hindi ako ang mahal " sabi nito bakas ang kalungkutan sa tono nito. Huh?

" Bakit? " Ang gulo naman nito. Hinila nito ang kamay ko at lumabas kami sa room ni Dad dito sa ospital. May nakabantay naman na dalawang tauhan naman sa pinto kaya safe sila sa loob. Naglalakad lakad kami upang makapagusap

" Nung una diba? ang mission ko ay ang mag spy sa Dela Vega triplets pero palpak dahil sa ibang Dela Vega ako ng manman. Hindi kila Lucifer " medyo natatawang kwento niya. So mali talaga ang hula ko gosh ang t*nga Samantha! Kung ganon anong ginagawa niya sa Bahay ng triplets? At bakit sila palagi ang magkasama?

" Sa palagi kung pagsunod sa kanila hindi kona namalayan na nagkagusto na pala ako..nakakatawa diba? dahil dapat galit ako dahil Dela Vega sila pero anong nangyari.. nagkagusto rin ako" nakangiting sabi niya pero hindi naman umabot sa mata nito. Kitang kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya.. kagaya lang din sakin. Mapaglaro talaga ang tadhana

" Siguro sa palagi kung pagsunod napansin din nila ako...akala ko gustong gusto nila ako pero akala ko lang pala. Nung may sumugod sa bahay na kalaban natin. Nung araw na yun nalaman ko rin na nawawala ka, Kasalanan ko dahil wala ako don nung nangyari yun kaya hinahanap kita sa ibat ibang lugar hanggang sa na accidente ako " huminto ito sa paghakbang at pinunasan ang luha. Niyakap ko ito habang hinahaplos ang likod niya

" Pano ka napunta sa puder ng triplets? " Tanong ko.

" Hindi ko din alam basta nagising nalang na nasa ospital tapos nandon din sila " sagot nito sa tanong ko.

" Kilala mo si Katty?" Yung Katty na yun.. pag nakita ko ang pagmumukha non sasampalin ko talaga.

" Si Katty? Fake friend ko " sagot niya. Ngumiti kami sa Doctor na nagkasalubong namin.

" Alam ko ang relasyon mo sa kanila. Mga anak niyo ba yun? kaya naman pala familiar ang mukha " ngumiti ito sa akin. Lumiko na kami sa kanan pero nagulat ako ng hinawakan ni Wena ang kamay ko kaya bumalik ako sa gilid niya. Nagtatakang tiningnan ko siya pero siya nasa iba ata nakatingin. Gulat na gulat ang mukha nito kaya sinundan ko ang tiningnan nito upang alamin yun.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ang Triplets dito sa ospital! Anong ginagawa nila rito? Ang mga anak ko! Hindi dapat nila makita ang mga anak ko! Hiniling ko nalang na hindi lumabas ang mga anak ko sa room ni Dad. Anak ng pating! Bakit ngayon pa?!

Hihilahin kona sana si Wena upang umalis na kami don pero mukhang natuod na ata siya sa kinatatayuan habang gulat parin na nakatingin don. Tiningnan ko siya at sinundan ang tingin niya napansin kung may kasama pala ang triplets na kambal na Doctor. Naguusap sila pinagtitinginan na nga sila ng mga babaeng pasyente at mga empleyado rito sa ospital pero mukhang seryoso ata ang pinag-uusupan nila

" Halika na " siya na ang humila sa akin. Bumaling ulit ang tingin ko don.. napansin ata ako nung isang doctor na kasama nila kaya bumaling din ang tingin ng triplets at yung isa pang kambal nito sa kinaruruonan ko.

Kaya nanlaki ang matang mabilis na umiwas ako. May napansin ako sa kambal na Doctor kanina..green eyes, makikisig ang pangangatawan, intimidated, cold..oh shoot don't tell me si Wena at yung kambal na Doctor ay..

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now